You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino Baitang VI

Integrasyon ng Pagbasa at Wika

Joann Salalila-Aquino
F. Ma. Guerrero Elementary School
Paco, Manila

I. Layunin ng Pagkatuto
A. Natutukoy ang ibat ibang pokus ng pandiwa
B. Nagagamit ang ibat ibang uri ng panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa sa ibat ibang pokus
C. Nakikilahok nang buong sigla at husay sa mga talakayan at pangkatang gawain
II. Paksa ng Pagkatuto
Paggamit ng mga Panlapi sa Pagbuo ng mga Pandiwa sa Ibat ibang Pokus
Lunsaran: Matalinong Paghatol ni Haring Solomon
Sanggunian: Landas sa Wika 6, pah 114-119, Alab sa Wikang Filipino 6
Kagamitan: Powerpoint, CD, CD player, show cards
Pagpapahalaga: Matalino at makatarungang pagpapasya
III. Pamamaraan ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw sigla
Pagsasagawa ng piping-palabas
Pagtatalakayan sa napanood na pagsasakilos.
2. Dril
Pagbuo ng pandiwa sa ibat ibang aspekto sa paraang GRAMAKROSTIK

3. Balik-aral
Suriin ang pangungusap. Ipakita ang A kung ang pandiwang may salungguhit ay
Kagamitan, B kung Tagatanggap at C kung Direksyon.
1. Binigyan ng ama ang anak ng pamana.
2. Tinungo ng alibughang anak ang malayong bayan.
3. Ipinambayad niya ang nakuhang pera sa kanyang kapritso.
4. Babalikan na niya ang iniwang tahanan.
5. Hinandugan niya ang anak ng maringal na piging.

B. Panlinang na Gawain
1. Pag-uusap tungkol sa larawan ng parabulang Matalinong Paghatol ni Haring Solomon.
2. Pagtalakay na muli sa salitang paghatol

PAGHATOL

3. Pagtukoy at pagbasa nang pabigkas sa bahagi ng kwentong nagpapahiwatig ng:


a. dahilan ng pagpunta ng dalawang ina kay Haring Solomon
b. naging reaksyon ng hari sa pinagtalunan ng dalawa
c. pagtutol ng unang babae sa naging desisyon ng hari

4. Paglalahad pa ng ilang mga pangungusap na hinango mula sa kwento

a. Dumulog ang babae kay Haring Solomon tungkol sa pag-aagawan nila sa sanggol.
b. Nakinig si Haring Solomon sa problema ng dalawang babae.

a. Ipinakuha ng hari ang tabak sa kawal.


b. Ibinigay ni Haring Solomon ang sanggol sa unang babae.
a. Pinaglingkuran ni Haring Solomon ang Israel bilang pinuno.
b. Pinagdausan ng paghatol ng hari ang palasyo.

a. Ikinagulat ng babae ang pagkakapalit ng kanyang anak.


b. Ikinatuwa ng buong Israel ang matalinong pagpapasya ng hari.

5. Pagsusuri sa mga pandiwang ginamit sa pangungusap at pagkilala sa pokus nito sa


pamamagitan ng graphic organizer.

6. Paglalahat
Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng pandiwa at ng paksa
ng pangungusap.
May iba pang uri ang pokus ng pandiwa. Ito ay ang aktor/tagaganap, layon,
ganapan, sanhi/kosatib.
Ginagamitan ng ibat ibang panlapi ang mga ito.
7. Pagkakapit
a. Pasalita
Piliin ang pandiwa sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay tagaganap, layon,
ganapan o sanhi.
1. Lumikha ang Diyos ng tao mula sa kimpal ng lupa.
2. Iginawa rin Niya si Adan ng makakasama upang hindi malungkot.
3. Tinirahan nina Eba at Adan ang hardin sa Eden.
4. Natukso si Ebang pumitas at kumain ng bawal na bunga.
5. Labis na ikinagalit ng Diyos ang ginawang pagsuway ni Ebat Adan
b. Kolaboratib na Gawain

PANGKAT I - Pagguhit ng isang tagpo sa parabulang nabasa at pagbuo ng


mga pangungusap tungkol dito na ginagamitan ng ibat ibang
pokus ng pandiwa
PANGKAT II - Paggawa ng komik strip na nagpapakita ng inyong pagiging
mabuting Kristiyano. Gumamit ng ibat ibang pokus ng
pandiwa.
PANGKAT III - Paglikha ng GRAMAWIT tungkol sa isinagawang pagsisimba
na ginagamit ang ibat ibang pokus ng pandiwa
c. Presentasyon ng pangkatang gawain

d. Pagmamarka ng inilahad na gawain sa pamamagitan ng tseklis

Mga Kriterya Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3

1.Natukoy ang pandiwa sa ibat ibang pokus


2.Nagamit ang ibat ibang uri ng panlapi sa pagbuo ng mga
pandiwa sa ibat ibang pokus
3.Nakilahok nang buong sigla at husay sa mga talakayan at
pangkatang gawain
4.Nakiisa ang bawat kasapi ng pangkat sa gawain.
5. Nakapag-ulat ang pangkat nang maliwanag at buong husay
Kabuuan
Batayan sa pagmamarka Kabuuan sa pagmamarka

5 = Napakagaling 25 - 23 = Napakagaling
4 = Magaling 22 - 20 = Magaling
3 = Magaling-galing 19 - 17 = Magaling-galing
2 = Di Magaling 16 - 14 = Di- Magaling
1 = Galingan pa 13 - pababa = Galingan pa
C. Pangwakas na Gawain

1. Pagsubok na pantiyak
(1-3) Isulat ang angkop na pandiwa ayon sa pokus ng pangungusap. Gamitin ang
salitang ugat sa loob ng panaklong.
Noong panahong biblikal, ang mga tao ay 1 (tulong) sa mga manlalakbay.
Kabilang si Abraham sa mga matulunging nagpatira sa isang estranghero. 2_____
niya ang masarap na pagkain sa bisita. 3 (pahinga) ng estranghero ang kanilang
silid. Sa kabila ng magandang ginawa ni Abraham, hindi pa rin nasiyahan ang panauhin at
pawang reklamo ang narinig niya rito. Ikinagalit ni Abraham ang kawalang utang na loob
ng tao.
Akmang palalayasin na niya ito, nang marinig niya ang maamong tinig ng
Diyos,Abraham, nakapagtimpi ako at nauunawaan ko ang taong ito. Maaari bang
pagtimpian mo siya kahit man lamang sa buong isang gabi?
4. Sa pangungusap na Ikinagalit ni Abraham ang kawalang utang na loob ng tao, ano
ang pokus ng pandiwang may salungguhit?
A. aktor B. layon C. ganapan D. sanhi
5. Ano ang pokus ng pandiwang nakapagtimpi sa huling talata?
A. aktor B. layon C. ganapan D. sanhi
D. Paglalagom ng Natutuhan
1. Pangkaalaman
Paggamit ng mga pandiwa sa pagpapahayag ng mga natutuhan
2. Pangkaasalan
Pagpapakita ng masaya at malungkot na mukha upang ipahayag ang ugaling ipinakita
IV. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang maikling pagsasalaysay tungkol sa naging karanasan mo na nagpapakita
ng kadakilaan ng Diyos. Gumamit ng ibat ibang pokus ng pandiwa.

You might also like