You are on page 1of 4

Ang Matsing at ang Buwaya

Si Malak, ang matsing at si


Buwag, ang buwaya ay
magkaibigan. Sila ay
nagtutulungan.
Isang araw, ang asawa
ni Buwag ay nagkasakit.
Lungkot na lungkot si Buwag
sa kalagayan ng asawa. Lahat
ng gumagamot sa asawa niya
ay nagsabing ang
makagagaling lamang sa sakit
ng kaniyang asawa ay atay ng
isang matsing.
Naghanap si Buwag ng
maipanlulunas sa
karamdaman ng kanyang
asawa. Malapit na siya sa
isang ilog nang mamataan
niya ang kaibigang matsing, si
Malak. Lumapit siya sa
punong kinauupuan ni Malak.
"Magandang umaga sa iyo, Malak!" masayang bati ni Buwag. "Bakit malungkot ka at nakaharap
sa ilog?"
Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil sa hindi ako marunong lumangoy,"
sagot ni Malak.
Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay sa likod
niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha niya ang atay nito. Inalok niya si Malak na sumakay sa
kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si Malak sa likod ni Buwag. Hindi alam ni Malak na
nanganganib ang kanyang buhay. Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak
niyang gawin kay Malak. Natakot si Malak. Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog
nang magsalita si Malak.
"Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan mong
atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno," sabi ni Malak.
Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya't ibinalik niya ito. Agad na lumundag sa
itaas ng puno si Malak. Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, "Salamat sa pagsasakay mo sa akin.
Ang kailangan mong atay ay narito sa loob ng aking katawan. Dahil sa kaibigan kita ay ipagkakaloob ko
ito sa iyo kung makakaakyat ka rito sa itaas ng puno."
Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng puno.
Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.
Gawain A
Panuto: Piliin sa hanay B ang naging bunga ng mga pahayag sa hanay A. Titik lamang ang
isulat sa loob ng bilog.

Hanay A Hanay B

1. Nagkasakit ang asawa ni Buwag A. Pinabalik niya si Malak sa puno


2. Tanging atay ng matsing ang makapag- B. Hindi nagtagumpay si Buwag sa
gagaling sa asawa kanyang balak.
3. Hindi makatawid ng ilog si Malak C. Natakot si Malak
4. Hindi marunong lumangoy si Malak D. Nalungkot si Buwag
5. Isinikay ni Buwag si Malak sa kanyang likod E. Ginamit ni Malak ang kanyang
6. Sinabi ni Buwag ang maitim na balak nito isip
Kay Malak F. Naghanap ng paraan upang
7. Naniwala si Buwag sa sinabi na Malak na naiwan bigyang-lunas ang asawa
niya ang kanyang atay sa puno. G. Hindi siya makatawid sa ilog
8. Hindi nakuha ni Buwag ang atay ng matsing H. Malungkot at nakaharap sa ilog
9. Matalino ang matsing I. Lunurin at kunin ang atay nito
10. Naisahan ni Malak si Buwag J. Bigong umuwi si Buwag

Gawain B
Panuto: Bumuo ng sariling wakas ng pabula.

PABULA

Ang pabula ay mga kuwentong-bayan na kathang-isip lamang at karaniwang isinasalaysay


sa mga bata upang silay aliwin at pangaralan. Giliw at interesado sila sa mga hayop, kaya ito ang
pangunahing ginagamit na tauhan. Ang mga hayop ay ginagamit upang kumatawan sa mga katangian
o pag-uugali ng tao dahil dito mas lalong maiintindihan at maisalalarawan ang aral na nais maipabatid
ng akda sa mga bata. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.

Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop. Mayroon
ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng Ang Batang Sumigaw ng Lobo at Ang
Babaing Maggagatas o magkahalong hayop at tao na katulad ng Ang Mabait at Masungit na
Buwaya.

Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?

Ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging
malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng:

maamo (tupa) masipag (langgam),


mabagsik (lobo) tuso (alamid)

Noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't ibang lipi at antas ng
lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay
naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang
kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna ng pabula.

Ano ang kahalagahan ng pabula?

Turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.


Ikinukwento sa mga bata bago ito patulugin.

Ginagamit upang kapulutang ng mga aral sa makabgong pamamaraan.


Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay ginagamit ng pamunuan ng mga kumpanya
upang turuan ang kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang
mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa kanilang mga katunggali sa negosyo.

Sagutin
Panuto: Isulat ang mga katangiang nangibabaw sa bawat tauhan sa pabula at sa ibaba,
isulat ang aral na hatid nito sa mambabasa.
_________________________

_________________________

_________________________

Buwag

_________________________

_________________________

_________________________

Malak

Aral

You might also like