Professional Documents
Culture Documents
Balita- isang ukol sa isang pangyayari na naganap, o magaganap pa lamang na dapat maisiwalat
BAHAGI NG BALITA
PARAAN NG PAGSULAT
1. Basahing mabuti ang mga detalyeng ibinigay at alamin ang pinakatampok na WS para sa lead.
WHO(sino)- tao/hayop-isa,grupo
WHAT(ano)- pangyayari aaksidente,krimen,contest,etc.
WHEN(kailan)-oras/petsa
WHERE(saan)-lugar
WHY(bakit)-dahilan
HOW(paano)- paraan
2. Ang pag[ili ng kung anong W angunahing banggitin sa lead ay ibabatay sa kung ano ang higit na
makakatawag ng pansin sa mambabasa.
(Ang lead ay maaaring isa o dalawang talata.)
3. Sa lead huwag munang banggitin ang pinaga detalye ,generic/general lang muna,sa
pangalawang talata ,banggitin ang kumpletong pangalan at iba pang pagkakakilanlan o
description.
4. Sa teksto (katawan),isulat ang sunod-sunod na pangyayari, huwag nang isulat ang detalyeng
nakalagay sa lead.
5. Sa katapusan, isulat ang mga detalyeng hindi kasama sa katawan.Sa madaling salita, ang
pagsulat ng balita ay sinisimulan mula sa pinakamahalagang detalye patungo sa mahalagang
detalye at muli ang di-gaanong mahalaga.
PAALALA:
a.Gumamit ng simpleng salita,maikli lamang ang mga pangungusap.
b.Isulat sa pambagong talata ang detalye ng bawat W, maikli lamang ang bawat talata.
c. Huwag maglalagay ng opinion/ibang detalye.
d. Gumamit ng transitional words/phrases gaya ng :
English-meanwhile,on; the other hand ;according to; based on; in related.
Filipino- samantala; sa isang banda; kay/sa; batay sa; kaugnay nito
e. huwag paulit-ulit sa paggamit ng salita , gumamit ng ibat ibang description.
f. kalimitan mayroong hanggang 7 talata.
g. hindi na kailangan ang pamagat o headline.
PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
Balitang isports- isang ulay ukol sa isang laro na naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang.
PAALALA:
a. pag-aralan ang mga sports language lingo lalo na sa mga sumusunod: basketball, volleyball, boxing,
baseball
b. huwag lagumin (summarize)
c. huwag magbigay ng opinion sa ending
d. lagyan ng pamagat/headline
format:
________________________ ______________ __________________ _______________
(nagwaging player/team) (pandiwa) natalong player /team (score)
PAGGUHIT NG EDITORIAL CARTOON
PAALALA:
a. iba ito kaysa poster, black at gray ang kulay
b. may pokus ang catoon, isang paksa lamang dapat ang paksa
c. ang simbolong iguguhit ay dapat angkop sa paksa at may universal meaning (madaling
maintindihan
d. magkaroon ng sariling style maging orihinal
e. limitado lamang ang salita / label
f. sa isang tingin lamang ay kita na agad ang mensahe / kahulugan
PAALALA:
1. batay sa contest theme, planuhin ang subject na kukunan ng litrato; gumamit ng ibat ibang
frame (landscape, portrait)
2. may action kung tao/hayop ang kukunan ng litrato, hanggat maaari isang tao lamang o kaya
hanggang 3.
3. dapat stolen shot (natural), makatawag pansin, may eksena/tagpo.
4. iwasan ang posed shot /crowded picture
5. magkakaugnay ang mga litratong ilalay-out
6. iapply ang 3Gs
a. get closed (close up
b. go action
c. go not against the light
CAPTION paliwanag ukol sa litrato.
sa pagsulat nito:
1. iugnay ang mood ng litrato sa caption
2. sumulat ng talata/maikling sanaysay na makikita sa litrato upang mapalutang ang tema
3. umisip ng akmang pamagat na kaugnay pa rin sa tema.
4. iwasan ang sumusunod: (..makikita sa larawan) (ipinakikita na..)
MGA BAHAGI:
1. Panimula- isang talata na nagpapakilala sa paksa upang mahikayat ang mambabasa na ipagpatuloy ang
pagbasa, kailangang ginamit ng magandang istilo.
Maaaring gamitin ng panimula ang mga ss.:
a. pangungusap na patanong
b. pahayag mula sa dakilang tao bayani, pahayag mula sa bibliya
c. isang dayalog o pagbibigay ng halimbawa sa pamamagitan ng salawikain , kasabihan, sawikain,
bugtong, at iba pa.
2. Katawan- mga talata na naglalahad ng katangian, detalye tungkol sa paksa. Kailangang masalamin ang
kabuuan ng paksa sa pamamagitan nito.
TANDAAN:
-Kailangang mapaigting ang interes ng na nalikha sa simula.
-magkaroon ng pataas na pataas na kapanabikan.
-kailangangang makaantig ng damdamin.
-kailangang magkaroon ng kaisahan (unity)
-dapat uminog lamang sa isang paksa ang tinatalakay
-dapat malinaw na magkakahanay at magkakaugnay ang mga pangyayari at kabit kabit ang kaisipan
katulad ng isang kadena.
-magkaroon ng diin, sikaping gumamit ng maikling pangungusap ng tiyak ang diwang ipinahahayag.
3. Wakas- isang talata na nag iwan ng impresyon (twist) sa mambabasa.
Maaaring gamitin ang mga ss.:
a. isang hamon para sa mambabasa
b. buod na tinalakay
c. katangian o palaisipan
d. mungkahing solusyon
e. pag uulit ng panimula
f. isang pahayag
PAALALA:
1. Gumamit ng tiyak ng point of view maging consistent sa paggamit nito.
e.g. ako,-ko, -akin (I, me, mine, myself)
ikaw, ka, iyo ( you, your, yours)
siya, niya, sila, nila (He, she, it, they, their, them, theirs)
2. maging malinaw sa mga detalye o paglalarawan. kailangang angkop ang pang uring gagamitin.
3. huwag magbibigay ng opinion o puna.
4. ang pamagat nito ay label lamang
5. gamitin ang imahinasyon
6. maglagay ng values para kapulutan ng aral
7. Malaya ang talakayan (free style, parang nagsasalaysay o nagkukwento)
8. magkaroon ng lima o higit pang mga talata
9. mas mahaba ang talata kung ihahambing sa balita
PAGSULAT NG EDITORYAL
Editoryal -Tungkol sa isang balita o isyu.
MGA BAHAGI:
1. Introduction (panimula)- isang talata na nagtataglay ng:
a. newspeg- isyu; ito ang batayang balita o paksa
b. reaksyon- ito ang pangunahing puna o reaksyon tungkol sa isyu.
2. Body (katawan)- mga talata na naglalahad ng tala , ideya at dahilan kung bakit nasabi ang
ganoong puna/reaksyon. Dito kailangang mapanindigan ang panig o stand sa isyu.
3. Ending (pangwakas)- isang talata na nagpapatibay sa kuro kuro, nagbibigay tagubilin o
mungkahi.
PARAAN NG PAGSULAT:
1. Suriin ang paksa o isyung ibinigay
2. Isulat ang panimula, maikli lamang pero kawili wili, taglay ang newspeg o reaksyon
Hal. (paksa- pagtaas ng presyo ng langis)
Lubhang nakababahala na ang sunud-sunod na pagtaas na presyo ng petrolyo sa ating bansa.
reaksyon newspeg
3. sa katawan/teksto, maglaan ng isang talata para ipakilala ang balita/magbigay ng background
tungkol sa balita. Sa iba pang mga talata ilahad ang mga dahilan/katibayan/pruweba na
magpapatingkad sa reaksyon/stand na binanggit sa panimula.
4. Sa ending, sumulat ng isang talata na humihikayat sa mambabasa na gumaea ng sariling
pagpapasya.
PAALALA:
a. gumamit ng pormal /seryosong salita
b. gamitin ang editorial we (tayo, natin bawal ang ako, akin, ko, ikaw)
c. huwag mangaral o magsermon
d. magkakaugnay dapat ang mga talata
e. maglagay ng angkop at tumpak na statistics o pruweba
f. malinaw dapat ang stand ng sumulat/writer
g. ang pamagat ay dapat nasa anyo ng imperative sentence
h. mayroong pito o mahigit pang talata
(medyo mahaba ang talata kung ihahambing sa talata ng balita)
hal. ng paksa Reproductive Health (RH Bill)
COPYREADING O HEADLINING WRITING
(Pagwawasto ng sipi at Pag uulo ng balita)
-Ito ang pagwawasto sa mga mali sa teksto gamit ang angkop na simbolo.
PAALALA:
1. Pag aralan ang mga coyreading symbols, alamin kung kalian at paano gagamitin.
2. basahin mabuti ang artikulo at alamin ang diwa nito.
3. hanapin ang mga MALI ang mga ito ay makikita sa:
a. spelling e. abbreviation
b. grammar f. capitalization
c. indention g. paragraph arrangement
d. bantas h. senseless words/phrases/sentences
4. lagyan ng # or 30 sa pagtatapos ng artikulo
5. lagyan ng / or pa (more) sa unang pahina
PAALALA: sa headline writing (hanapin ang lead at kailangang ito ay may 4ws)
1. hanapin ang lead, ditto ibatay ang headline
2. sa lead, hanapin ang subject (simuno) verb(pandiwa) at direct object w/ synonyms
3. sa English, maaaring gamitin ang dalawang istilo
a. active voice subject + verb +direct object
b. passive voice object + verb + subject
4. may 3 paraan kung paano isusulat :
a. all caps PRES. NOYNOY VISITS TYPHOON VICTIMS
b. downstyle Pres. Noynoy visits typhoon victims
c. CLC (capital lower case)- Pres. Noynoy Visits Typhoon Victims
5. tipo ng headline (haba)
a. one- line headline
b. two-line headline-
6. pag-aralan ang unit counts
a. lahat ng maliliit na titik (maliban sa j, l, i, f, t, w, m, n)= 1 yunit
b. maliit na titik j, l, I, f, t = yunit
c. titik m, w = 1 yunit
d. malalaking titik maliban sa I, M, W = 1 yunit
e. titik I = yunit
f. titik M, W = 2 yunit
g. lahat ng bantas (maliban sa gatlang (_) , pananong, simbolo ng dolyar, bahagdan)= yunit
h. gatlang , pananong, simbolong dolyar, bahagdan= 1 yunit
i. bilang o hanggang a = 1 yunit
j. bilang I = yunit
k. espasyo = 1 yunit