You are on page 1of 1

Panuto:

Basahin at unawaing mabuti ang paraan nang paggawa ng bituing parol.

Mga kailangan sa paggawa ng parol:

1. Kawayan
10 piraso para sa dalawang eskeleton ng bituin, 1/4 pulgada ang lapad, 2 dangkal ang haba
5 piraso para panukod, 3 pulgada ang haba, 1/4 pulgada ang lapad
5 piraso para sa pambilog ng bituin, 1 pulgada ang lapad, 2 1/2 dangkal ang haba
2. 1 rolyong pisi
3 mga lumang diyaryo
4. pandikit
5. papel de hapon
6. selopeyn (ginagamit na pambalot ng yema)
7. maliit na bombilya (maaaring wala nito)
8. krismas layt
9. gunting

Pamaraan sa paggawa:

1. Kayasin lahat ng kawayan ng manipis maliban sa limang piraso na gagamiting panukod.


2. Iporma ang 10 kawayan para makagawa ng 2 eskeleton na bituin.
3. Pagharapin/pagtapatin ang dalawang eskeleton at talian ng pisi ang tatlong tulis sa itaas.
4. Ilagay na sa loob ang 5 pirasong panukod para nakaumbok ang bituin. Sa gitna ito nakapuwesto.
5. Tapos talian na rin ang dalawang tulis sa ibaba para hindi bumagsak ang tukod.
6. Sikaping maalis ang mga sobra sa mga pinagtaling kawayan. Maaari mo nang ilagay ang sasaksakan
ng bombilya kung gagamit ka nito. Ikabit mo na rin ang alambre na pansabit dito.
7. Ibilog dito ang limang pirasong kawayan na 1 pulgada ang lapad at 2 1/2 dangkal ang haba.
Siguraduhing mahigpit ang tali at perpekto ang pagkabilog.
8. Balutan ng lumang diyaryo ang pabilog na kawayan na nakaikot sa bituin ng naaayon sa tamang laki
nito. Tapos balutan na ito ng papel de hapon. Sikaping mabalutang mabuti upang hindi makita ang
diyaryo.
9. Magtabas ng selopeyn na tama lamang sa eskeleton ng bituin. Idikit ng mabuti.
10. Gumupit ng selopeyn na may 1/2 pulgada ang lapad ayon sa dami ng inyong kailangan para sa
palawit nito.

You might also like