You are on page 1of 2

4th Watch Maranatha Christian Academy of Makati City Inc.

Junior High School Department


Academic Year 2017-2018

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
1. Natutukoy ang mga Dinastiya sa Kabihasnang Tsino;
2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari, pinuno at ambag sa bawat dinastiya;
3. Nakapagbibigay ng sariling opinion tungkol sa mga ambag sa daigdig ng bawat dinastiya.

II. NILALAMAN
1. Paksa: Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
2. Kagamitan: Mapa ng daigdig, tulong biswal
3. Sanggunian: Modyul pp. 75-79
TG pp. 46

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati ng Guro
c. Pagtatala ng liban
d. Balitaan
e. Balik-Aral
- Ilarawan at ipaliwanag ang sistemang caste ng Kabihasnang Indus.

2. Paglinang ng Aralin
a. Mga Gawain (Aktibiti)
- Jumbled Letters
ITYAIDNSA
Clue: pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan.

3. Pagtatalakay
a. Pagsusuri (Analisis) - Pangkatang Gawain
a.1. Pangkatin ang klase sa limang (5) grupo. a.2. Presentasyon ng bawat grupo.
Pangkat I Talakayin ang Dinastiyang shang at Zhou/Chou
Pangkat II Talakayin ang Dinastiyang Qin/Chin at Han
Pangkat III Talakayin ang Dinastiyang Sui at Tang
Pangkat IV Talakayin ang Dianstiyang Song at Yuan
Pangkat V Talakayin ang Dinastiyang Ming at Qing/Ching.

4. Pangwakas na Gawain
a. Paghahalaw (Abstraction)
a.1. Paglalahat
- Isa-isahin ang mga dinastiya sa Tsina. a.2. Pagpapahalaga
- Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng mga ambag ng
bawat dinastiya sa Tsina.
a.3. Paglalapat (Aplikasyon)
- Paano mo maiuugnay ang pag-usbong at pagbagsak ng mga dinastiya sa
kalagayan ng mga bansa sa mundo? Sa buhay ng tao? Sa sarili mong buhay?
IV. PAGTATAYA
Basahin, unawain at sagutin ang Gawain 8 sa Modyul pp. 80.

V. TAKDANG ARALIN
Paksa: Kabihasnang Egyptian
Panuto: Basahin ang teksto sa pp 81-88 (modyul) at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kabihasnang umunlad sa Africa?
2. Paano nailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?
3. Sino ang mga nagging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa paghubog ng
kabihasnan sa Egypt?
Anong konklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egypt?

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

Gng. Rodora Megino G. Bernardito Rejalde Jr.


Punong-guro

You might also like