Banghay Aralin

You might also like

You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Araling Panlipunan Grade 9

Baitang at seksyon: Grade 9 - Petsa:


SEPT 11 , 2021
Oras : 3:00-4:00 pm.

I. Layunin

1. Nailalarawan ang mga unang sibilisasyon sa Asya.

2. Naipapaliwanag ang mga pamumuhay at Gawain sa iba’t – ibang sibilisasyon sa Asya.

II. Paksang Aralin


• Paksa – Sibilisasyon sa Asya
• Babasahin – Ang mga unang Sibilisayson pahina 26-32
• Kagamitan – larawan, pentle pen, scoth tape, construction paper at photocopies.

III. Pamamaraan o Gawain sa Pagkatuto

• Panimulang Gawain

a.Pagsasanay

-Imemensahe ang katagang “Ang sibilisasyon ay masasabing umiiral na kapag ang


mga tao ay marunong nang bumasa at sumulat sa pamamagitan ng Message Relay.

b.Balik-Aral
Mga katanungan:
1.Anu-ano ang mga bansang napapabilang sa Timog Silangang Asya?
2. Anu-ano ang mga likas na yaman na makikita o matatagpuan sa Timog Silangang
Asya?

c.Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan ng mga ilog na napapabilang sa bawat sibilisasyon at
huhulaan kung ano ang mga pangalan ng larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng
mga bali-baliktad na mga letra .

-MESOPOTAMIA- EUPHRATES AT TIGRIS

-INDIA – INDUS AT GANGES

-TSINA- HUANG HE AT YANGTZE

B.Panlinang na Gawain

a.Gawain

-Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat


-Ang bawat lider ng pangkat ay bubunot ng imahe na naglalarawan sa bawat sibilisasyon.
Bibigyan nila ito ng interpretasyon kung anong klaseng pamumuhay at Gawain meron ang
isang lugar at pagkatapos ay iuulat sa harapan.(phase 1 activity)

-Isasadula nila pagkatapos mag-ulat ang lahat ng pangkat, basi sa kanilang interpretasyon
sa bawat larawan sa pamamagitan ng panthomime drama.
-Bibigyan ng 10 minuto ang bawat grupo upang maghanda.
-Pamantayan

PHASE 1.

(Unang Gawain)
Kugnayan sa Paksa 10 puntos
Klidad ng impormasyon 10 puntos
Kabuuan 20 puntos

PHASE 2.

(Pangalawang Gawain)
Kaugnayan sa Paksa 10 puntos
Pagkamalikhain 10 puntos
Kabuuan 20 puntos
b. Pagsusuri
1. Ano ang sibilisasyon? Anu- ano ang mga bumubuo sa sibilisasyon?
2.Paano natin nalaman na may sumipot ngang sibilisasyon noon sa Mesopotamia , India at
Tsina? Sino ang mapapasalamatan natin sa kaalamang ito?

c.Paglalahat
Ang sibilisasyon o kabihasnan ay masasabing umiiral na kapag ang mga tao ay marunong
ng bumasa at sumulat at magtabi ng mga tala tungkol sa kanilang buhay , lipunan ,
tradisyon at mga institusyon. Ito ay binubuo ng mga kaugalian , uri ng pamumuhay at
pamahalaan , kultura at teknolohiya. Dahil sa pagkakaroon ng tubig o mga ilog ang bawat
sibilisasyon at dahil din sa pag-unlad ng pagkatao ng mga tao noon, dahil ditto umiiral o
sumipot ang tinatawag nating sibilisasyon sa bawat pamayanan , ang mga tao noon ay
naninirahan sa tabing ilog upang mangisda , magsaka at iba pa. at dahil din sa pagkakaisa
at pinagsamang kakayahan ng bawat tao nagkakaroon sila ng maunlad na buhay at
hanapbuhay.

d.paglalapat
-Bilang isang estudyante , paano mo maipapakita ang pagbibigay halaga o importansya sa
mga pamumuhay at Gawain noong unang sibilisasyon?

IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng kalahating papel at ibigay ang mga naiambag ng sibilisasyong
Sumerian , harappan ,at ng mga tsino sa mundo

V. Takdang Aralin
Gumawa ng collage tungkol sa pamumuhay at Gawain ng mga unang sibilisasyon sa asya
at ilagay sa bond paper.

PREPARED BY: JELYN ANN M. GETIGAN

You might also like