You are on page 1of 7

YUNIT IX: SIRUHANO SA MATA

ISANG OPTALMOLOGO
HONGKONG (1891-1892)

Matapos mailathala ni Rizal ang El Filibusterismo noong Oktubre 3, 1891, umalis


si Rizal ng Ghent, isang siyudad sa Belgium, at nagtungo sa Paris upang
makapagpaalam sa mga Luna, Padro de Tavera, Ventura, at iba pang mga kaibigan.
Sumakay na si Rizal ng barkong Melbourne noong Oktubre 18, 1891 patungong
Hongkong dala ang sulat ng rekomendasyon ni Juan Luna para kay Miguel Camus, isang
makabayang naninirahan sa Singapore, at ang 600 sipi ng El Filibusterismo. Noong
Oktubre 22, 1891, sumalat si Rizal kay Blumentritt upang ipabatid na naging maganda
ang kanyang biyahe simula nang lumisan sya sa Marseilles.

Si Rizal lamang ang nagiisang Asyano sa mahigit na 80 pasaherong nasa primera


klase, karamihan ay mga Europeo at Espaol. Gaya ng dati, pinahanga nya ang mga
kasamahang pasehero sa kanyang kaalaman at talino. Nakipagkaibigan rin sya sa mga
misyonero Italyanong Pransiskano, Heswitang Pranses, sa isang Obispo na si Msgr.
Velentiri, at sa isang Pari na si Padre Fuchs, isang Tyrolese, kung saan sila naglaro ng
ahedres.Dahil si Rizal lamang ang nagiisang Asyano, magisa syang naghapunan sa
kanyang mesa sa silid-kainan. Sa kanyang tabi ay may malaking mesang kinauupuan ng
mga dalagang Aleman na kumakain at pinaguusapan si Rizal. Dahil si Rizal ay bihasa sa
wikang Aleman, naiintidihan niya ang usapan ng mga dalaga ngunit sya ay nanahimik
lamang. Habang naghahapunan ay umihip ng malakas ang hangin at nabuksan ang pinto
ng sild-kainan ngunit walang tumayo upang ito ay isara. Isang dalagang Aleman ang
nagsabi sa kanyang mga kasama na kung ang lalaking nasa kanilang harapan ay isang
maginoo, ito ay tatayo upang isara ang pinto. Nang marinig ito ni Rizal, agad siyang
tumayo ng tahimik at sinara ang pinto at bumalik sa kanyang mesa. Napahiya ang mga
dalaga nang kausapin sila ni Rizal sa wikang Aleman ngunit itninuring pa rin nila si Rizal
na may paghanga at paggalang dahil kahit ito ay kayumanggi, sya ay may pinag-aralang
maginoo.
Dumating si Rizal noong Nobyembre 20, 1891 sa Hongkong. Sinalubong sya ng
mga Pilipinong residente at ang kanyang kaibigan na si Jose Ma. Basa. Nanirahan sya
sa Rednaxola Terrace kung saan sya nagbukas ng kanyang klinika. Sinulatan ni Rizal
ang kanyang mga magulang upang humingi ng permisong makauwi. Nang araw ding
iyon, sinulatan siya ng kanyang bayaw na si Manuel T. Hidalgo tungkol sa deportasyon
ng 25 na katao sa Calamba kasama ang kanyang ama, sina Neneng, Sisa, Lucia,
Paciano at silang lahat. Ipinaalam din ni Hidalgo na inihanda nya ang isang liham para
sa Reyna Regente ng Espaa na nagpapaliwanag ng sitwasyon sa Calamba at kung
hindi makikinig ang Reyna ay susulatan nila ang Reyna Victoria ng Inglatera upang
makahingi ng proteksyon.

Ikinatuwa ni Rizal ang pagdating ng ama, kapatid na lalaki, at bayaw na si Silvestre


Ubaldo sa Hongkong noong bago ang Paskong 1891. Dumating rin ang kanyang mga
babaeng kapatid na sina Lucia, Josefa, at Trinidad, at ang kanyang ina na halos hindi na
makakita. Nagdusa ang kanyang ina sa kamay ng mga Espaol dahil sa walang
katarungan at labis na kalupitan. Itinuturing ni Rizal na ang Paskong 1891 ang
pinakamasyang Pasko sa kanyang buhay dahil muli silang nagkasama-sama ng kanyang
pamilya. Noong Oktubre 31, 1892 sinulatan nya si Blumentritt upang ipaalam na naging
masaya ang buhay nya sa Hongkong.

Nagsanay si Rizal ng medisina sa tulong ng isang Portuges na doctor na si Dr.


Lorenzo P. Marques na naging kanyang kaibigan at tagahanga. Tumulong si Dr. Marques
upang magkaroon si Rizal ng mga kliyente. Nag tagumpay at naging kilalang siruhano sa
mata si Rizal sa kolonyang Britanya. Marami syang naging pasyente na mga banyaga at
naoperahan nya ang mata ng kanyang ina at muling nakakita. Noong Enero 31, 1892
sumulat siya kay Blumentritt upang ipaalam na siya ang nanggagamot. Ipinalalahanan
nya rin ito na magingat dahil sa epidemyang kumakalat ngayon. Ilan sa mga kaibigan ni
Rizal na nasa Europa ang nagbigay ng suportang moral at material sa kanyang
panggagamot. Mula Biarritz, sinulatan ni G. Boustead si Rizal, ama ni Nellie, upang puriin
siya sa kanyang propesyon sa medisina noong Marso 21, 1892. Mula naman sa Paris,
binati naman ni Dr. Ariston Bautista Lin si Rizal at nagpadala ng mga aklat na Diagnostic
Pathology ni Dr. Virchow, at Traite Diagnostique ni Mesnichock. Nagbigay rin ng tulong
si Don Antonio Vergel sa pamamagitan ng pagbili ng mga aklat at instumento sa medisina
at panggagamot na maaring kailanganin ni Rizal.

Nais magtatag ni Rizal ng kolonyang Pilipino sa North Boneo (Sabah) kung saan
balak niyang patirahin ang mga pamilyang Pilipino na tinanggalan ng lupa at dito sila
magbabagong buhay at magtatatag ng Bagong Calamba dahil hindi sigurado ang
hinaharap ng mga taga-Calamba sa kamay at pamumuno ni Gobernador Valerio Weyler.
Noong Marso 7, 1892, nagtungo si Rizal sa Sandakan lulan ng barkong Menon upang
makipagusap sa mga awtoridad na Ingles hinggil sa pagtatatag ng kolonyang Pilipino.
Naging matagumpay ang kanyang misyon at pumayag na bigyan ang mga Pilipino ng
100,000 ektaryang lupa, isang magandang daungan at mabuting pamahalaan sa loob ng
999 taon at lahat ito ay walang kapalit. Ang proyektong ito naman ay sinang-ayunan ng
mga kaibigan ni Rizal sa Europa tulad nila Juan at Antonio Luna, Lopez Jaena,
Blumentritt, Dr. Bautista Lin, atbp. Ngunit ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay
tumutol sa kanyang proyekto sa kanyang paniniwala na hindi nila kailangang manirahan
sa dayuhang lupain hanggat hindi nila nagagawa ang lahat ng paraan upang mapagbuti
ang kapakanan ng kanilang sariling bansa.

Nabigyan ng bagong pag-asa si Rizal nang ang kinaiinisang si Weyler na


tinaguriang Mangangatay ng mga Cubano ay pinaalis sa kanyang panunungkulan
bilang gobernador. Si Eulogio Despujol, ang bagong gobernador-heneral, ang Conde ng
Caspe, ay nagpahayag ng isang mainam na programang pampamahalaan. Nagpadala
si Rizal sa bagong gobernador-heneral ng liham ng pagbati at ipinaaalam niya rito ang
kanyang kooperasyon sa paniniwalang tapat siya sa kanyang magagandang pangako.
Ngunit hindi niya ipinaalam kay Rizal na natanggap na niya ang kanyang liham. Matapos
maghintay ng tatlong buwan para sa tugon sa una niyang liham, muling sumulat si Rizal
noong Marso 21, 1892 upang humiling kay Gobernador Despujol na payagan ang mga
Pilipinong walang lupa na magtatag ng pamumuhay sa Borneo. Ibinigay ni Rizal ang
liham sa kapitan ng barko upang makasiguro na makakarating ito sa gobernador-heneral.
Ngunit matapos matanggap ni Gobernador Despujol ang liham ay hindi niya tinugon ito.
Sa halip, ipinaalam niya sa Espaol na konsul-heneral sa Honkong na sabihin kay Rizal
na hindi siya sang-ayon sa kanyang proyekto sapagkat kulang sa manggagawa ang
Pilipinas at hindi makabayan ang kanyang nais.

Sa kabila ng pagiging manggagamot at abala sa proyektong kolonisasyon sa


Borneo, patuloy pa rin si Rizal sa kanyang pagsusulat. Isinulat niya ang Ang mga
Karapatan ng Tao na salin sa Tagalog ng The Rights of Man na iprinoklama sa
Rebolusyong Pranses nonng 1789. Isinulat rin niya sa taong 1891 ang A la Nacion
Espaola (para sa Nasyong Espaol) na tumutukoy sa pagsamo sa Espaa na iwasto
ang kamaliang ginawa sa mga kasamahang Pilipino na nasa Calamba. Noong Disyembre
1891 naman ay isinulat niya ang proklamang Sa mga Kababayan na nagpapaliwanag
ng kalagayang agraryo sa Calamba. Nagpadala rin si Rizal ng kanyang mga artikulo sa
The Hongkong Telegraph, na ang patnugot ay ang kanyang kaibigan na si G. Frazier
Smith. Ang kanyang mga artikulo ay nakakarating rin sa Pilipinas kung kayat nababasa
rin ito ng mga Pilipino. Natuklasan ng mga Espaol ang pagkalat ng mga ideya ni Rizal
kaya agad nilang ipinagbawal ang pahayagan ng Hongkong. Noong Marso 2, 1892,
isinulat ni Rizal ang Una Visita a la Victoria Gaol (Isang Pagbisita sa Kulungang Victoria)
na naglalahad patungkol sa una niyang pagdalaw sa kolonyal na bilangguan ng
Hongkong kung saan naipakita niya ang kalupitan ng sistemang pambilangguan ng mga
Espaa. Isinulat naman ni Rizal ang Colonisation du British North Borneo, par de
Families de Iles Philippines (Kolonisasyon ng British North Borneo ng mga Pamilya sa
mga Isla ng Pilipinas) upang maipaliwanag niya ang kanyang proyektong kolonisasyon
sa Borneo. Mas naipaliwanag niya ang ideyang ito sa artikulong Espaol na Proyecto
por los Filipinos (Proyekto ng Kolonisasyon ng Bristish North Borneo ng mga Pilipino).
Noong Hunyo 1892, isinulat niya ang La Mano Roja (Ang Pulang Kamay) na nailathala
sa malapad na papel sa Hongkong. Nailathala naman sa Hongkong noong 1892 ang
konstitusyon ng La Liga Filipina na itinuturing na pinakamahalang naisulat ni Rizal sa
Hongkong. Ang La Liga Filipina ay isang asosasyon ng mga makabayang Pilipino para
sa layuning pansibiko. Ito ay isang orihinal na konsepto ni Jose Ma. Basa ngunit si Rizal
ang nagsulat ng konstitusyon at nagtatag nito. Ipinadala ni Rizal ang mga sipi nito kay
Domingo Franco na kanyang kaibigan sa Maynila. Upang malinlang ang mga awtoridad
ng Espaol, naglagay ng maling impormasyon sa mga sipi nito.

Napagpasyahan ni Rizal na bumalik sa Maynila noong Mayo 1892 sa tatlong


kadahilanan. Una, ay upang makipagusap siya kay Gobernador Despujol ukol sa
kanyang proyektong kolonisasyon sa Borneo. Pangalawa, upang maitatag ang La Lgia
Filipina. Pangatlo, upang patunayan na nagkakamali si Eduardo de Lete na tumutuligsa
sakanya at nagsasabing habang komportable at ligtas ang kanyang paninirahan sa
Hongkong ay inabandona na ni Rizal ang kanyang ipinaglalaban para sa bayan.

Hindi sang-ayon ang pamilya at mga kaibigan ni Rizal sa kanyang pag-uwi sa


Maynila. Binalaan sya ng kanyang kapatid na babae na si Trinidad na sa kanyang
pagpunta sa Maynila ay siya rin kanyang kamatayan. Ngunit hindi naging hadlang ang
kamatayan sa kanyang pasya. Idinaos ni Rizal ang kanyang ika-31 kaarawan sa
Hongkong noong Hunyo 19, 1892. Sa sumunod na araw, sumulat siya ng dalawang liham
ay mahigpit na ipinagbilin na bubuksan lamang ito kapag siya ay namatay. Ibinilan niya
ang mga liham sa kanyang kaibigan na si Dr. Marquez upang ingatan ang mga ito.

Ang unang liham ay para sa kanyang mga magulang, mga kapatid, at mga
kaibigan. Isinasaad sa liham na ang kanyang pagmamahal sakanila ang nagmungkahi
upang gawin ang hakbang na umuwi sa Maynila. Nagdulot man siya ng pagdurusa sa
kanila ay hindi niya ito pinagsisisihan sapagkat alam niya na ginawa lamang niya ito
upang tuparin ang kanyang tungkulin. Inilahad rin niya sa kanyang liham na handa siyang
itaya ang kanyang buhay kapalit ng pagligtas ng mga taong walang sala. Ipinaalam rin ni
Rizal sa kanyang liham na kung siya ay mamamatay, ay mamatay siya ng maligaya
sapagkat kapalit naman nito ay ang pagwawakas ng lahat ng kanilang suliranin. Ang
ikawalang liham naman ni Rizal ay para sa mga Pilipino. Isinasaad sa liham na ito na
nauunawaan niya na bawat isa ay tutol sa kanyang desisyon ngunit alam rin niya na ni
isa ay hindi nauunawaan kung ano ang kanyang nasa puso. Inilahad niya rito na hindi
niya kayang mabuhay kung nakikita niya ang napakaraming nagdurusa sanhi ng
paguusig nila dahil sakanya na mas nanaisin pa niyang mamatay upang mapalaya ang
maraming walang sala mula sa di makatwirang pag-uusig. Sinabi rin niya sa kanyang
liham na nais niyang ipakita na alam ng mga Pilipino kung paano mamatay para sa mga
minamahal, para sa lupang tinubuan, at para sa minamahal na mamamayan. Ipinahayad
rin niya sa kanyang liham na lagi niyang minamahal ang kanilang malungkot na bayan at
magpapatuloy ito hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Muling sumulat si Rizal kay Gobernador Despujol noong Hunyo 21, 1892 sa
Hongkong upang ipaalam ang kanyang pagbabalik sa Maynila at pagpapasailalim sa
proteksyon ng pamahalaang Espaol. Nang araw din iyon, nilisan ni Rizal ang Hongkong
dala ang espesyal na pasaporte o permiso na ibinigay ng Espaol na konsul-heneral sa
Hongkong. Kasabay nang kanyang pagaalis ay siya ring paghabla ng isang liham sa
Maynila na kasong laban sa relihiyon at laban sa bayan laban kay Rizal at sa kanyang
mga kapanalig. Ipinagutos rin ng mapanlinlang na si Gobernador Despujol sa kanyang
kalihim na si Luis de la Torre na alamin kung si Rizal ay isang naturalisadong
mamamayang Aleman upang makagawa ng isang mabigat na hakbang sa isang taong
nasa ilalim ng proteksyon ng malakas na bansa.

Samantala, mapayapang naglakbay si Rizal at kanyang mga kapatid habang


walang kaalam-alam sa panlilinlang at panganib na naghihintay sa kanya.
Arlando, Judy Ann L.
Bersabal, Diwata S.
Mangcoy, Everline S.

You might also like