You are on page 1of 3

Video 1

Para sakin,hindi dapat natin sinasayang ang mga pgkakataong dumarating sa ating buhay,tulad nang
pagkakataong makapagaral dahil naniniwala ako na ang pagaaral ay susi sa sa kaginhawahan.

Video 2

Para sakin, walang mahirap sa taong may tiyaga ,determinasyon at pangarap na umunlad. Naniniwala rin
ako na masarap makamtam ang tagumpay kung ito ay pinaghihirapan.

Video 3

Para sakin, dapat nating iparamdamsa ating magulang ang pagmamahal habang sila ay nabubuhay pa .
Matuto rin tayong tumanaw ng utang na loob at matuto rin tayong magpasalamat sa mga taong
nagbigay ng ating buhay at humubog sa ating pagkatao.

Video 4

Love knows no boundary,totoo ito. Para sa akin dapat lahat nang bagay may buhay man o wala ay
dapat makatanggap ng pagmammahal atpangalagaan at mahalin ng may respeto.

Video 5

Lumipas man ang panahon hinding hindi kukupas ang mga pangaral hindi lamang ng ama kundi pati
narin ang ina . Ito ang magiging gabay natin sa pakikibaka sa pagdubok nang ating buhay .

Video 6

Ang mha paghuhusga at pangmamaliit ng ibaang tao ay hindi dapat maging dahilanpara tayo ay sumuko
sa buhay,bagkus gamitinnatin ito para maging matatag at makamit ang ating minimithi. At dapat rin
tayong maging bukas palad sa pagtulong sa mga taong hirap sa buhay.

Video 7

The truth will set you free, totoo ito. Naniniwala ako na ang katotohanan ay laging nananaig sa mga
kasinungalingan at ang taong nagsasabi namg katotohanan ay masaya at nakalatulong sa ibang paraaan

Video 8

Ang magulang lahat gagawin para lamang mabigay ang pangangailangan ng kanilang anank. Hindi sila
magaalinlangan na sumuong sa buhay ano mang hirap,balakid,sakit, o kapansanan ang kanyang
kaharapin mapasaya lamang ang kanyang anak .

Video 9

Para sakin, dapat ang mga magulang ay maging totoo sa kanilang anak lalong lalo na pagdating sa estado
ng kanilang pamumuhay. Huwag maging mapagpanggap na mayaman at di nahihirapan dahil kung
gagawin nila ito ay maaring umasa ang mga anak sa maranyang bagay at pamumuhay ,kung magkataon
sila rin ang mahihirapan .
Video 10

Tayo bilang mga anak ay may responsibilidad na tumanaw ng utang na loob sa ating magulang. Sa
simpleng pagaalaga sa magulang natin sa oras na sila ay manghina o magkasakit at tumanda man ay
maipapakita natin sa kanila at maipaparamdam ang pagmamahal at pagmamalasakit gaya nang
ibinibigay nila sa atin noong malakas pa sila .

Video 11 para saakin bilang isang guro balang araw dapat tayong tumatak sa ating mga estudyante na
huwaran ,masipag,at dedikado sa trabaho. Para kung tayo ay lumisan man sa mundo ay hinding hindi
tayo makakalimutan ng ating estudyante ang maga katuruan , at kaalaman na kanilang nakuha sa atin ay
gamitin nila para umasenso sa buhay .

Video 12 Diskriminasyon

Dont judge someone by simply looking on his or her physivcal attributes and appearance, Para sakin
totoo ito . Hindi natin makikita sa panlabas na anyo ng tao ang kabuuan ng kanyang pagkatao hindi
natin makikita ang kanilang mga paghihirap,damdamin at saloobin,mga problema at kanyang pagiisip.
Kaya dapat nating iwasan ang diskriminasyon. Sa tuwing gagawa tayo ng diskriminasyon at paghusga sa
ibang tao manalamin muna tayo ng ating sarili at tignan kung tayo ay karapatdapat manghusga ng ibang
tao .

Video 13 Mothers love

Mothers knows best,bawat ina ay walang ibang iniisip kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak.
Nandyan sya palagi sa oras ng pangangailangan at pati narin sa oras ng kabiguan ng kanyang anak .
Handa syang sumuporta at gumabay sa lahat ng bagay na pagdadaana natin saating buhay.

Video 14 Gift

It is better to give than to receive, para sakin totoo naman ito. Gaano man kaliit na tulong o
paghahandog ang ibigay natin sa taong nangangailangan basta bukal at buong puso mo itong ibinigay
nagiging malaking tulong. Huwag tayong magsawang tumulong, sabi nga ng iba , the more na
nagbibigay ka mas maraming blessing ang darating sayo .

Video 15 Kidney Transplant

Idadaan ko na lang ito sa isang kanta naa popular sa ating lahat ang kantang Iingatan ka

Iingatan ka

Aalagaan ka

Sa puso ko ikaw ang pagasa

Sa ating mundoy may gagabay sayo

Ang alay kong itong pagmamagal ko .

Ito ay wawit ng isang anak para sa kanyang ina pero sa aking pananaw pwede rin itong gamitin bilang
awit ng ina para sa kanyang anak na nagpapakita ng pagaalaga .

Video 16 Bingi at pipi (deaf and mute )


Dapat tayong matutung magpasalamat sa ating magulang . Hindi man nila naibibigay ang lahat ng
pangangailangan natin alam ko na pinipilit nilang punan ito sa ibang paraan . At walang kahit ano mang
sakit o kapansanan ang makakapagpabago sa pagmamahal ng magulang satin .

Video 17 Teenage pregnancy

Sa aking palagay ang teenage pregnancy ang isa sa dahilan kung bakit naghihirap ang isang bansa . Dahil
sa maagang pagbubuntis lumulobo ang populasyon at nagiging limitado ang kita nang bawat isa sa atin .
Isa ring dagilan ng pagkasira ng kalikasan ang teenage pregnancy dahil sa patuloy na pagtaas ng
populasyon nagiging limitado ang pinagkukunan natin ng yaman . Ang teenage pregnancy din ng dahilan
kung bakit marami sa ating mga kababaihan ang namamatay ng maagay o yung tinatawag nating
maternal death . Kaya para sa akin bilang isang kabataan dapat nating pagisipan ang mga bagay at
desisyon na ating gagawin na may kaugnayan sa maagang pagbubuntis para hindi natin ito pagsisihan sa
huli .

Video 18 Helping Others

Sabi nila the more na tumutulong ka sa iba the more na pinagpapala ka. Totoo naman ang mga
katagang ito kaya tayo dapat kapag tumulog wag tayong humingi ng kapalit lagi nantin ilagay sa isip
natin na sa maliit na bagay na naitulong natin ay ay malaking bagay ang magagawa nito sa ating
tinulungan .

Video 19 L ast day of school

Education is a key to success,totoo naman ito ang edukasyon ay susi sa kamangmangan ng tao . Ito
rin ang susi para makaahon sa hirap at maabot ang ating pangarap . Kaya kahit ano mag hirap ang
pagdaanan ng isang tao wag nya iaalis sa isip nya ang kahalagahan ng edukasyon at gamiyin nya ito para
maging inspirasyon sa pagasenso sa buhay.

Video 20 Mothers letter to her child

Para sa akin bilang mga anak dapat nating iparamdam ang ating mga magulang habang sila ay
nabubuhay pa . Gawin nating masaya ang bawat sandali na kasama natin sya . Dapat rin natin silang
alagaan kapag sila ay tumanda na dahil isa itong paraan nag pagtanaw nang utang na loob sa mahabang
panahon ng pagbabanat ng buto para lang buhayin tayo .

You might also like