You are on page 1of 2

YUNIT I PANSARILING KALUSUGAN

(Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan)


Aralin 4 Kahalagahan ng Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Pagpapanatili ng Kalusugan
Bilang ng Araw: 1

I. Batayang Kasanayan
a. Nasasabi ang kahalagahan ng mabuting pakikipag-ugnayan sa pagpapanatili ng
kalusugan
b. Naipaliliwanag kung paano positibong nakakaapekto sa kalusugan ang mabuting
pakikipag-ugnayan sa iba

II. Karagdagang Kaalaman para sa Guro


Kapag ang isang bata ay masaya sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay,
nangangahulugan ito na siya ay may mabuting pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.
Mahalaga ito sa pagpapanatili ng kalusugan dahil nalilinang nito ang kakayahan ng
isang bata na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay

III. Pamamaraan
A. Pag-usapan Natin
1. Pangkatin sa 3 ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng ginupi-gupit na larawan at
buuin ang puzzle.
2. Ipapaskil sa pisara ang nabuong mga larawan.
3. Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawang nabuo ninyo?
Sa palagay mo, paano ito makatutulong sa iyong pang-araw araw na
pakikisalamuha sa kapwa?

B. Pag-aralan Natin
1. Isa-isang talakayin ang mga nakapaskil na larawan sa pisara.
2. Itanong:
a. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
b. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang mensaheng ipinakikita ng bawat isa?
c. Nais mo bang maging katulad nila? Bakit?

C. Pagsikapan Natin
Gawain 1 - Pagsasadula ng mga sitwasyon na nakasulat sa LM.
Gawain 2 - Pagbibigay ng reaksyon sa mga ipinakitang dula ng bawat grupo.

D. Pagyamanin Natin
Gawain 1 - Sagutan ang bahaging Pagyamanin Natin sa LM.
Gawain 2 - Magpahayag ng damdamin sa mga sitwasyon sa Ipahayag Mo sa LM.

E. Pagnilayan Natin (Ulat Pangkalusugan)


Punan ng angkop na salita upang mabuo ang talata sa Pagnilayan Natin sa LM.
F. Takdang Aralin
Magsaliksik ng mga di-kanais nais na gawain na nakahahadlang sa pagkakaroon
ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa. Maaring magpatulong sa magulang kung
kinakailangan.

You might also like