You are on page 1of 1

Mga Batayang Konseptong Pangwika

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


Wika

Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.

Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan atinterpretasyon sa
pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ngtainga, nakasulat man o binibigkas.

Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)


2 uri: likas at artipisyal
Pambansang Wika

Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
Wikang Rehiyunal

Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyongKailokanuhan-
Isabela, Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N)
Lalawiganin

Taguri sa wika ng probinsya. (Bulakeño, Pampangeño, Caviteño, Zamboangueño,Davaoueño)
Wikang Pampanitikan

Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.
Pabalbal o Kolokyal

Karaniwan at impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig.
Teknikal na Wika

Kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at wikangcybernetics.

You might also like