You are on page 1of 3

GNED 11: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Yunit 1
WIKA
✓ Arbitraryong Sistema ng mga tunog na ginagamit sa paghahatid at pagtanggap ng
mensahe.
✓ Kalipulan ng mga salita na ginagamit sa isang lipunan.

✓ Dinamiko sapagkat patuloy itong nababago, dumarami, at nadaragdagan.


✓ Maaring di pormal at pormal.

✓ Mahalaga sa sarili, kapwa at lipunan.

✓ Tinatawag ding salita.

✓ Tinatawag ding LENGGUWAHE na nagmula sa salitang kastila.

Teorya sa Pagkatuto ng Wika


1. BEHAVIORIST- ang bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto ng wika. 2.
NATIVIST- ang bata ay nagtataglay ng isang likas na salik upang matamo ang pagkatuto sa
wika.
3. COGNITIVIST- ang pagkatuto sa wika ay walang humpay.
4. MAKATAO- nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang tao.

Antas ng Wika
▪ Pambansa- wikang ginagamit ng buong bansa.
Hal. Pamahalaan, paaralan, kaibigan, edukasyon
▪ Pampanitikan- pinakamayamang antas ng wika.
Hal. Mabulaklak ang dila, nagsusunog ng kilay, balat sibuyas
▪ Lalawiganin- ginagamit ng isang partikular na lalawigan.
Hal. Guyam, pumanaw, amiga
▪ Kolokyal- ginagamit sa pang- araw araw na pakikipag-usap.
Hal. Ika, taumbayan, meron, antay
▪ Balbal- pinakambabang antas ng wika.
Hal. Eklaboo, jowa, jubis

Barayti ng Wika
Idyolek- wikang ginagamit ng isang partikular na indibidwal.
Dayalek- wikang ginagamit sa isang partikular na lugar.
Sosyolek- wikang ginagamit pansamantala dahil nadedebelop sa pamamagitan ng
sosyalisasyon.
Etnolek- wikang ginagamit ng isang partikular na etniko.
Ekolek- wikang ginagamit na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Pidgin-
wikang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa pangangailangan. Creole- salitang
mula sa isang pidgin, nagkakaroon ng pagpapalawak na leksikon at gramatika. Rehistro-
espesyalisadong wika na ginagamit sa isang partikular na larangan.

Baybayin- lumang paraan ng pagsulat ng mga tagalog. Bahagi ng Sistema o pamamaraang Brahmic
at pinaniniwalaang ginagamit simula noong ika-8 siglo sap ulo ng Luzon.

Teorya ng Wika
o Teoryang Bow-wow- Tunog na nilikha ng kalikasan at hayop.
o Teoryang Ding-dong- Ang lahat sa kapiligiran ay may sariling tunog.
o Teoryang Pooh pooh- Tao ang lumilikha ng tunog batay sa kanyang nadarama.
o Teoryang Yo-he-ho- binibigkas kapag gumagamit ng pisikal na lakas.
o Teoryang Ta-ta- binibigkas ng dila ng pataas- pababa.
o Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay- Tunog ng mga taong kalahok sa ritwal, selebrasyon o
okasyon.

Yunit II
Komunikasyon
➢ nagmula sa salitang latin na communus na ang ibig sabihin ay “karaniwan” o “pang-lahat”. ➢
Paraan ng paghahatid at pagtanggap ng impormasyon na kinasasakupan ng magkakambal na
proseso: Pagsasalita at pakikinig.

Elemento
Taghatid o encoder- nagpapadala o pinagmumulan ng mensahe/ Bumubuo sa mensahe/ Nagpapasya
sa layunin.
Mensahe- ang ipinadalang salita.
Tsanel- daluyan ng mensahe/ verbal o di verbal.
Tanggap o decoder- tumatanggap sa mensahe. Nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa
mensahe. Ganting mensahe o feedback- proseso sa pagbabalikan ng mensahe.
Mga hadlang o barriers- tagahatid, mensahe, tsanel, katayuan, lugar, edad.

Kontekstwal- nilalaman ng pangungusap o kung paano ito iaangkop. Parte ng diskurso. Kultura-
sining, batas, moral, mga kaugaliaan at iba pang mga kaugalian nakamait ng tao bilang
miyembro ng lipunan.

Kategorya ng Kultura batay sa pagpapadala ng mensahe:


1. Low- context culture- culture ay pagpapahayag ang ideya, saloobin, at opinion ng isang
indibidwal ng direkta.
2. High- context culture- ay mga salitang hindi lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang
indibidwal.

You might also like