You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG WIKA

Henry Gleason > Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Rolando Bernales > Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
cues na maaaring berbal o di-berbal.

Josefina Mangahis > May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na
ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Constantino at Zafra > Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao

Bienvenido Lumbera > Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan
natin

UP Diksiyonaryong Filipino > Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang
sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.

KATANGIAN NG WIKA

 Ang wika ay sina-salitang tunog

 Ang wika ay masis-tema

 Ang wika ay arbi-traryo

 Ang wika ay gina-gamit

 Ang wika ay naka-batay sa kultura

 Ang wika ay nagba-bago

 Ang wika ay may antas

 Ang wika ay maka-pang-yarihan

ANTAS NG WIKA
PORMAL - Ang mga estandard na wikang ginagamit at kinikilala ng higit sa nakararaming tao lalo na ang mga may pinag-
aralan.
o Pambansa – wikang itinadhana ng batas na ginagamit sa iba’t ibang larangan at nauunawaan ng lahat.
o Pampanitikan – Pinakamataas na lebel ng wika sapagkat mayaman ito sa paggamit ng idyoma , tuyutay , at
matatalinghagang pananalita
DI- PORMAL – Karaniwang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
o Pabalbal – Pinakamababang lebel ng wika. Tinatawag din salitang kalye
o Kolokyal – Salitang ginagamit sa pang araw-araw na halaw mula sa pormal na salita
o Lalawiganin – Mga wikang ginagamit sa ibat-ibang wika
REGISTER NG WIKA

Pagkakaroon ng magkakaibang kahulugan ng isang salita batay sa larangang pinaggagamitan.

HAL.
SALITA LARANGAN KAHULUGAN

KOMPOSISYON MUSIKA AWITIN


STRESS PSYCHOLOGY TENSYON
STATE POLITIKA BANSA , ESTADO
KOMUNIKASYON SABIHIN/IPAHAYAG

VARAYTI SA HEOGRAPIKAL

Ang pagiging isang arkipelago ng Pilipinas ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang iisang
bagay o konsepto ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan

*** Sa Heograpikal na Varayti, nasa katawagan at kahulugan ng salita ang pagkakaiba. Sa Morpolohikal na Varayti, ang
pagkakaiba ay nasa anyo at baybay ng salita at hindi sa taglay na kahulugan nito. Samantala, sa Ponolohikal na Varayti,
nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba

IDYOLEK > Personal na paraan o estilo sa pananalita ng partikular na indibidwal

SOSYOLEK > Barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika

ETNOLEK > Nagkakaroon ng etnolek dahil sa iba’t ibang wika na ginagamit ng mga pangkat etniko.

DAYALEK > Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirhan.

EKOLEK > Kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan Hal . Palikuran – banyo/kubeta Ama – papa/tatay

PIDGIN > Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lenggwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito ng mga taong
dayo sa isang lugar/bansa

CREOLE > Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na
wika. Tinatawag din itong “Pinagyamang Pidgin”.

You might also like