Professional Documents
Culture Documents
Halimbawa NG Dulang Komedya
Halimbawa NG Dulang Komedya
(Dobu Kacchiri)
Mga Tauhan:
KOTO
KIKUICHI
ISANG NAGDARAAN
KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi?
KIKUICHI : Nariyan na!
KOTO : Nasaan ka?
KIKUICHI : Heto na ‘ko.
KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin
sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.
KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake.
KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.
KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na!
KIKUICHI : Nakahanda na ako.
KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga
tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang
nalalasap mo.
KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat
lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.
KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko.
KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas
ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?
KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung
maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob.
KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso.
KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO : “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang
mga mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-
pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba
nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga
sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin!
Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!…”
KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO : Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin!
KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako.
KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong
mabuti.
KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo,” gagawin kitang isang “Koto”.
KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO : Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat.
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga ‘yon.
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?
KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano
itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa ‘yon? TitigiI
muna ako rito at panoorin sila pansumandali.
KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO : Malalim doon.
KIKUICHI : Malalim na malalim doon.
KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO : Mababaw doon.
KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon.
KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali.
KOTO : Bakit?
KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.
KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.
KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang
painut-inot.
KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking likuran.
KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili
mo.
KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako.
NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte
talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI).
KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan
nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa ako.
KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki-ku-i-chi! Na-sa-an ka?
KIKUICHI : Na-ri-to a-ko!
KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid?
KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo.
KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid.
KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawidna muli rito Amo?
KOTO : Kailan? Aba’t walanghiya ‘tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’t buhatin mo na ako agad.
KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa likod ko.
KOTO : Huwag kang magalaw.
KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito.
KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw.
KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo!
NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!
KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa.
KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod ako. Patawarin ninyo ako.
KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sa sake?
KIKUICHI : Anong sabi n’yo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya.
KOTO : Giniginaw na ‘ko. Tagayan mo ako.
KIKUICHI : Sige po.
NAGDARAAN: Aba’t may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.
KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug!
KOTO : Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.
KIKUICHI : Sigurado, Amo.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!
KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lang po’t binigay ko sa inyo.
KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko na ang baso.
KOTO : Sige, bilisan mo.
KIKUICHI : Eto na. Glug, glug!
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Aba’t may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng ito!
KOTO : Tama na ‘yan. Uminom ka rin nang kaunti.
KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba?
KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo.
KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako
pinatikim, kasi sinosolo mo’ng pag-inom.
KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon
ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay.
KOTO : Aba’t talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ‘ko at pinalalabas na iniinom ko’ng tinatagay mo nang di mo
alam. Tagayan mo ako ulit.
KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bangg!
KOTO : Aray,aray ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman may gana ka pang bugbugin ako.
KIKUICHI : Ano’ng sabi ninyo? Bugbugin?
KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol!
KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang mga kamay ko.
KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?
KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan n’yo na nga ako ng kung anu-anong hindi ko naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa
ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang katulad ko?
KOTO : Aba’t ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko.
KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa?
KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?
KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko.
KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo.
KOTO : Ano? Abusuhin?
KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo?
KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo.
KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanununtok sa akin?
KOTO : Aray, ano ka ba?
KIKUICHI : Aray ko po, tama na!
NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero, teka! Aba’t tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado
pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako habang may araw pa.
KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!
KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan?
SILANG DALAWA: A-a-ray….
KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong mabait. Santo-santito!
KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao rito? Hulihin n’yo siya, hulihin n’yo!
Huwag n’yo siyang patatakasin!
(Mananatiling nakaupo sa sala si Regina, nababaghan, hindi makapaniwala. Pagkuwa’y kikilos siya, tatayo, maglakad-lakad,
nakayuko at magkadaop ang palad. Mauupo siyang muli pagkaraan. Sa kanyang harap, pagkaraan ng ilang saglit makikita
niya si Tony).
TINIG NI TONY: Walang mangyayari sa demanda niyo, Inay.
(Mag-aangat ng mukha si Regina).
Alam ko na ang aking gagawin. Gaganti ako. Papatayin ko siya.
REGINA: (Nagugulumihan) Tony!
TABING
(Sa pagbubukas ng tabing, makikitang nakaupo si Regina, nakapikit, naiidlip, ang isang kamay ay nasa katangan ng upuan at nakasapo sa noo,
ang isa’y nasa kanyang kandungan. Sa labas, maririnig ang manaka-nakang pagdaraan ng taksi. Sa labas din, maririnig ang
pahagok na ingay ng trak na nangongolekta ng basura at ang pagkala-kalantog ng mga inihahagis na lalagyan ng sukal).
(Mula sa itaas ay bababa si Aida, nakaputing damit-pantulog, nakalugay ang buhok at nakatapak. Nakikita niya ng naiidlip na Ina nguni’t hindi
ito gigisingin. Tutuloy siya sa komedor, bubuksan ang ilaw at may hahanapin sa kabinet. Matatabing niya ang isang bote ng
gamot at ito’y mababasag. Magigising si Regina).
REGINA: (parang naalimpungatan): Sino iyan? (Lalabas, makikita si Aida na nakadukdok sa mesa)
Aida!
AIDA: (mahina) Ang gamot, Inay?
REGINA: (maaalala) Si Tony? Wala pa?
AIDA: Bakit pa?
REGINA: Bumili ng gamot. Anong oras na ba?
AIDA: Pasado alas-dos na po siguro.
REGINA: (kinabahan) Umaga na. Saan kaya nagsuot ang Antoniong ito? (Mauupo, gulo ang mukha) Sinabi namang agahan at kailangan –
AIDA: May nabasag po akong bote.
(Walang kibong kukunin ni Regina ang walis na tambo at “dustpan” at dadakutin ang basag na bote. Patingkayad siyang mauupo at pupulutin
ang ilang bubog).
AIDA: Hindi ako makatulog, Inay.
REGINA: (inililigpit ang dinampot) Gusto mo ng --- gatas?
AIDA: (tatango, nanlalambot na nakatingin sa lumapit na ina) May dugo kayo, Inay.
REGINA: (pagulat) Saan?
AIDA: Hayan.
REGINA: (titingnan ang damit, ang mga kamay) Saan?
AIDA: O, akala ko’y may dugo sa inyong palad.
REGINA: (ikakaskas ang kanang palad sa damit) Wala.
AIDA: Akala ko’y mayroon.
REGINA: (naguguluhan) Ano ba ang gagawin ko? A, gatas. Gatas nga pala.
(Pupunta sa may kabinet, kukuha ng termos, sa reprihedora, kukuha ng gatas).
AIDA: (nakadukdok pa rin sa mesa, nakatingin sa dingding) Lagi kong naiisip ang luma nating bahay, Inay.
REGINA: (dala ang gatas) Ano ‘ka mo?
AIDA: Ang ating lumang bahay, lagi kong naiisip ‘ka ko.
REGINA: Bakit?
AIDA: (nakasandal na ngayon, bahagyang tatango) Aywan. Basta lagi ko lang naiisip. Parang gusto ko pang naroon tayo. Parang natatakot ako
dito.
REGINA: (nakatingin sa palad) Bakit ka naman matatakot dito?
AIDA: Sabi niya’y huwag raw tayong magsusumbong. Hindi ako natatakot kung ako. Pero baka kayo o si Ben- o si Kuya. Buti pa ako. Kung
anu-ano ang naiisip ko, Inay. At kasa-kasama ng aking napapanaginip. Naparito raw siya at ang kanyang mga kasama.
Marami silang mga dalang baril. Nasa eskuwela kayo, may pinuntahan si Tiya Ana at pumasok si Ben. Kami lang dalawa ni
Kuya ang naiwan. Nakakatakot, Inay. Pinaupo nila sa mesa si Kuya, nakapaligid sila at siya’y may inaabot na bote ng lason
kay Kuya. Inumin mo sabi sabi niya kay Kuya. Inumin mo! At binunot niya ang baril at itinutok kay Kuya. Sinabi ko na sa
iyong huwag magsusumbong, nagsumbong ka pa rin, sabi niya niya kay Kuya. Kaya inumin mo ito- iniaandot niya ang bote
ng lason- inumin mo! At-atnagmamakaawa ako sa kanya. Pasensiya na kayo, sabi ko, pasensiya na kayo sa kapaatid ko.
Anong pase-pasensiya, sabi niya, nagsumbong siya. Inumin mo! At ininom ni Kuya ang lason. Inay.
REGINA: (aaluin ang anak) Iyang gatas, Aida. Huwag mong isipin iyan.
AIDA: (ibaba ang baso) Kay bait pa naman ni Kuya kung sa kanya gagawin iyon.
REGINA: Hindi nila gagawin iyon. Hindi nila aanuhin ang kuya mo.
AIDA: Huwag naman sana nilang sasaktan, ano, Inay?
REGINA: Oo, hindi nila sasaktan.
AIDA: (nagpapahid ng labi) Ang bait-bait pa naman ni Kuya.
REGINA: Mahal na mahal ka nga niya.
AIDA: (malumanay na): Noon, noon naisip ko, kung - kung pipili ako ng mapapangasawa, ang pipiliin ko’y kamukha niya. Mabait siya at
mapag-alala. Aywan ko, pagkaraan si Itay siya na ang para kong naging ama. Hindi ba’t parang siya naman talaga, ha Inay?
REGINA: (balisa) Oo. (Mapapatingin sa may pinto, mahina) Saan kaya nagputa itong Toning ito?
AIDA: Anong sinasabi ni Kuya tungkol sa nangyari?
REGINA: (parang mabibigla) Wala, wala namang sinasabi.
AIDA: (mangingiti) Kung pumapasok siya sa kuwarto at kinakausap ako, nahuhuli kong tinitingnan niya akong mabuti. Medyo nalalaglag pa
ang salamin sa kanyang ilong. Ang lalim niyang tumingin! Sabi lang ni Tiya Ana’y pangit ang nakakunot-noo, pero sa tingin
ko, bagay pa nga kay Kuya. (Uubusin ang laman ng baso).
REGINA: Siya, siya panhik ka na.
AIDA: (kikilos) Kayo?
REGINA: Hihintayin ko siya. Ano na kayang oras?
AIDA: Umaga na.
REGINA: Umaga na?
(Papanhik si Aida. Maiiwan sa komedor si Regina, may nakalaylay ngayong mga hibla ng buhok sa noo. Nakatayo siya, wala na ang antok,
parang namamalik-matang nakatingin sa pinto.
(Isang taksi ang pasagadsad na hihinto sa kanilang tapat. Mapapasugod si Regina sa pinto. Kakalapag ang pinto ng taksi. Iingit ang pintong
bakal. Lalabas si Regina.)
REGINA: (sa labas) Tony! Ano’ng nangyari sa iyo?
(papasok sila, halos yakap ni Regina si Tony na sapo ang duguang kaliwang balikat. Mapapaupo si Tony sa sala, hawak ni
Regina).
AIDA: (Makakaramdam sa itaas): Kuya?
REGINA: Ano’ng nangyari sa iyo?
(Sesenyasan siya ni Tony na huwag maging maingay).
TONY: Aalis tayo rito, Inay. Dali! Gigisingin ninyo sina Ben.
AIDA: (sa itaas, pakalabog na babangon at manggigising) Tiya Ana! Ben! Ben!
TONY: Sa Nueva’y ‘cija, sa mga kamag-anak na magsasaka ni Itay. Sa Tarlac, sa Pampanga, sa bundok.
REGINA: (matatag) Hindi, Tony. Hindi tayo aalis. Susuko ka.
TONY: Inay!
REGINA: (kakapkapin kay Tony ang baril) Bigay mo sa akin ang baril.
TONY: (pipigilin ang kamay ng ina) Kailangan ko ito, Inay. Tiyak nila akong papatayin. Madali silang makagagawa ng dahilan.
REGINA: (aagawin ang baril at ipapaloob ang baywang ng damit niyang pambahay) Susuko ka, Tony.
TONY: (tumututol) Inay, Inay---
REGINA: Ibang krimen kaysa nangyari kay Aida.
TONY: (magugulat) At ako’y kriminal?
REGINA: Pinatay mo siya.
TONY: “Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila sa amang bata,”habilin ng Diyos kay Moses. “ Kapag sila’y inyong sinaktan sa
anupamang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin, ang panawagan nila’y tiyak kong diringgin. At ang poot
ko’ymaglalatang, at kayo’y papatayin ko sa tabak.” Naglalatang ang poot ng Diyos sa masasamang kamay na umagaw at
humahawak ngayon ng kanyang tabak! Sasabihin ninyong ako’y kriminal? Saan paano kanino ako hihingi, hahanap at
makapagtatamo ng katarungan? Sino ang magbibigay? Inay, ang kidlat ng Diyos ay ihahagis ng kamay ng naaapi at ang tabak
ng hustisya ay itataga sa lipunan ng mga pinagkakaitan ng katarungan.
(Maliban sa panginginig at abut-abot na paghingal ni Aida ay matahimik silang lahat. Sa labas, maririnig na ang mga sirenang papalapit).
TONY: Nariyan na sila!( Tatayo, magpapalinga-linga).
REGINA: (nakasunod) Susuko ka, Tony.
(May sisigaw sa labas ng “Calderon, napapaligiran ka na namin. Sumuko ka”.)
REGINA: (kay Ben) Buksan mo ang pinto, Ben.
(Bubuksan ni Ben ang pinto) Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya.
(Bunot ang mga baril, papasok ang mga pulis, karamiha’y nakauniporme, ang ila’y nakasibilyan at may mga taling panyo sa ulo).
Hayan siya. (ituturo si Tony na nakatayo sa may komedor).
(Papasok ang alkalde, bunot ang baril. Itututok nito ang baril kay Tony nguni’t matatabig ni Regina. Sa dingding tatama ang
bala).
REGINA: Maayos siyang susuko,”Mayor”. Hayan, nariyan ang aking anak, arestuhin ninyo.
(Pagtutulung-tulongan ng mga pulis si Tony. Malakas na mapapatili si Aida.Pagkabaliti kay Tony, may kakadyot dito, may sisipa, may papalo,
may dadagok. Mapapaluhod si Tony, at makalawang makapagpapaputok si Regina bago maagaw ng isang pulis ang kanyang
baril. Babagsak si Tony).
ALKALDE: Bakit mo binaril?
REGINA: (hawak nang dalawang pulis): Kapag sinaktan ng ibang bata ang ating anak, at tayo’y walang magawa sa nanakit sa kanya, di ba
ibinubuhos natin ang parusa sa ating anak? Ang sabi ninyo’y aarestuhin ninyo ang aking anak ano ang inyong ginagawa?
PULIS1: Inaaresto!
REGINA: Inaaresto!
PULIS II: Dadalhin namin sa presinto!
REGINA: Dito pa lamang ay pinapatay na ninyo!
PULIS III: Kalokohan!
PULIS I: Paano’y nanlalaban!
REGINA: Nanlalaban!
PULIS II: “Resisting arrest!” Ha-ha-ha!
PULIS: Nagtatangkang tumakas!
REGINA: O! O!
ALKALDE: Pinatay niya ang aking anak!
REGINA: Kayo ang batas kapag inyong anak!
PULIS I: Dadalhin namin sa husgado!
REGINA: Husgado, anong husgado?
PULIS II: Bakit ba marunong ka pa sa husgado?
PULIS III: Sa hustisya!
REGINA: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng hustisya? Kayo, “Mayor” alam ba ninyo ang kahulugan niyan?
(Ubus-lakas siyang sasampalin ng alkalde at siya’y babagsak. Mapapayakap sa kanya si Ben).
PULIS I: Posasan iyan.
PULIS II: Masyadong makatuwiran!
REGINA: (umiiling) Hindi ninyo nalalaman, “Mayor”, ang kahulugan niyan. Hindi ninyo nalalaman. (Malakas) Kayo, lahat kayo, hindi ninyo
nalalaman ang kahulugan niyan!
PULIS III: Binaril mo ang sarili mong anak!
PULIS I: “Parricide!”
ALKALDE: Pananagutan mo ito.
REGINA: Pananagutan mo ito.
PULIS II: (hihiklatin si Ben kay Regina): Halina! Halina!
Sa presinto!
PULIS III: Sa presinto!
PULIS I: Doon ka makipagdebate.
ALKALDE: Dalhin ninyo!
REGINA: (napoposasang ilalabas): O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Dalhin ninyo ako kahit saan.
Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Ako ang pumatay sa aking anak!
(Papalakas) Pinatay ko ang aking anak! Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak!
(Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapuwa nakatingin sa bukas na pinto sina Ben at Ana, sinusundan ng tingin ang
mga nagsilabas. Nakalupasay sa isang tabi si Aida at umiiyak. Nasa kanyang kinabagsakan si Tony).