You are on page 1of 3

PANUKALA PARA SA PAGPAPAGAWA NG DEBRIS FLOW

AT LANDSLIDE BARRIERS

Mula kay Engrid Benedico at Jestoni Cuadra

Purok 2

Barangay Caidiocan

Valencia, Negros Oriental

Ika-3 ng Hulyo 2017

Haba ng panahong gugugulin: Mahigit-kumulang limang buwan

Pagpapahayag ng Suliranin

Ito ay isang proposal para sa debris flow at landslide barriers sa aming komunidad.
Ang barriers na ito ay siyang magsisilbing abong sa mga guguhong parsyal ng lupa na
maaaring makalikha ng aksidente sa bawat indibidwal ng aming pamayanan. Ang
barriers na ito ay may malaking kahalagahan sapagkat maiiwasan ang mapapanganib
na pangyayari tulad ng pagkalibing ng buhay sa ilalim ng lupa at iba pa. Mas
magiging matiwasay at iwas sa panganib ang komunidad kung isasakatuparan ito.

Layunin

Ipanukala ang pagpapagawa ng debris flow at landslide barriers na magsisilbing


abong sa pagguho ng lupa upang maging ligtas ang aming pamayanan.
Plano ng Dapat Gawin

A. Pag-aproba ng badget
B. Paghahanap ng contractor at mga tauhan na magtatrabaho
C. Pagbili ng mga kinakailangang materyales na gagamitin
D. Pagpapasimula sa paggawa ng barriers
E. Pagsusuri sa kalidad at resistensya nito
F. Pormal na operasyon ng lugar kung saan ito’y maaari ng gamitin para sa kaligtasan
ng bawat indibidwal

Badget

Kinalkulang badget Php2,346,000.00

Semento Php200.00 x 3000 = Php600,000.00

Kabilya Php150.00 x 5000= Php750,000.00


Graba Php5000.00 x 20 trucks = Php25,000.00

Pintura (Dilaw at Itim) Php1200 x 80= Php. 96,000.00

Sweldo ng mga manggagawa Php12,500.00(bawat isa kada buwan) x 70= 875,000

Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito

Sa kasalukuyan, nanganganib ang buhay ng aming pamayanan sapagkat halos


araw-araw ay may nangyayaring pagguho ng lupa at ang mga lupang ito ay napupunta
sa kalsada kung saan dumadaan ang iba’t ibang klase ng transportasyon, mga
mag-aaral, guro, manggagawa at buong komunidad. Noong nakaraan nga’y natabunan
ng lupa ang isang bahay na nasa gilid ng kalsada sa kadahilanang dire-diretso sa
kanila ang parsyal ng lupa na noo’y gumuho. Sa pamamagitan ng pagpapagawa ng
desbris flow at landslide barriers, walang bahay o kalsada ang matatabunan ng lupa
kaya’t maiiwasan ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari at mas mapapanatili ang
kaligtasan ng aming komunidad.

You might also like