You are on page 1of 11

MGA SANGKAP NG

MAIKLING KWENTO
1. BANGHAY –borador, balangkas, krokis,
plano, proyekto. Ito rin ay tumutukoy sa
buod ng kwento
- Ito ang gabay na sinusundan ng kwentista
sa kanyang pagsisimula.
-Kilala ito bilang estruktura ng isang
naratibo
- Hindi lamang ito simpleng buod ng
kwento. Sa halip, ito ay nagiging
pamantayan sa kasiningan ng kwento.
- Ang simula, gitna, at wakas ng kuwento
ang maituturing na utak, puso at kaluluwa
ng isang kuwento.
ESTRUKTURA NG BANGHAY

Rurok

Komplikasyon/
Tumitinding Galaw Kakalasan

Eksposisyon/ Resolusyon
Panimulang Galaw

Estruktura ng Klasikong banghay Ayon kay


Freytag
2. TUNGGALIAN – isa sa mahalagang elemento ng
anumang naratibo.Tinutukoy sa katha ang
labanan, salpukan, at banggaan ng mga lakas ng
mga tao o kaya’y mga puwersa at kapangyarihan
- Hango sa salitang “tunggali” na tumutukoy sa
pagtatalo o hidwaan. Nangangahulugan din
itong dahilan o mga dahilang ibinibigay para sa o
laban sa isang bagay.
- Tunggalian ang dahilan kung bakit umuusad,
sumusulong o pumapaimbulog ang kuwento.
- Ito rin ang nagsusulong sa banghay
- Kung walang tunggalian, walang kuwento
TEMA
- Nagbibigay ng bigat, lalim, at tunguhin sa isang
sulatin at gawaing nangangailangan ng
pagkamalikhain at kritikal na kaalaman
- Walang halaga ang pagsusulat kapag walang
mahagilap na layunin ang manlilikha sa kanyang
pag-akda
- Tema nag kahulugan ng pagkatha
- Tinutukoy ng tema ang anumang paksain ng
isang akda. Sentral na mensahe ito ng anumang
sining.
4.TAUHAN AT KARAKTERISASYON
• TAUHAN – tumutukoy sa personalidad na inilalarawan,
kinakatawan at inilalahad sa kuwento, nobela, o dula.
• KARAKTERISASYON – proseso ng paglikha, pagpapaunlad,
pagbibigay-katangian at ang pagganap ng isang tauhan
• -sa pamamagitan ng karakterisasyon nailalantad ang ilan pang
impormasyon tungkol sa tauhan tulad ng kanyang hitsura,
edad, personalidad, pakiramdam, pananalita, kasarian,
oryentasyong sekswal, pinag-aralan, hanapbuhay, estadong
sibyl, estadong pinansyal, kulturang pinagmulan, relihiyon,
aliwan, ambisyon, motibasyon at ideolohiya.
5. ANG TAGPO: LUNAN AT PANAHON

• tinutukoy ng tagpo ang lunan


• (kung saan nagaganap)
• anong panahon
• (kung kailan nagaganap) ang pinangyayarihan
ng naratibo o galaw sa akda.
6. DIYALOGO
• kumbersasyon, pag-uusap, at palitang-kuro sa
pagitan ng dalawa o higit pang tauhan
• tauhan ang ugat ng diyalogo
• binubuo ng diyalogo ang tono at damdamin
ng isang katha
7. PANAUHAN (point of view)
• perspektibo, posisyon o pagtinging
pinagmumulan ng kuwentong isasalaysay o
susulatin para sa mga mambabasa
• inilalarawan ng panauhan ang tinig na
pinagmumulan ng isang katha
• sinisikap sagutin ng panauhan ang mga
sumusunod:
• Sino ang nagsasalaysay sa kuwento?
• Paano ito ikinukwento
UNANG PANAUHAN – gumagamit ng “ako” at “tayo”
sinasabing madalas na ginagamit

IKALAWANG PANAUHAN – gumagamit ng “ikaw” sa halip na


“ako” o “siya”
may pakiramdam na personal na kinakausap ng may-akda ang
mambabasa

IKATLONG PANAUHAN – ang karaniwang ginagamit na panauhan


sa mga kuwento at nobela
gumagamit ito ng pananaw na “siya” at “sila”
itinuturing na pinakmadaling isulat
Mga Katangian ng Maikling Kathang
Pampanitikan
1. Bagong pagtalakay sa paksa
2. Payak na banghay
3. Maingat na paglalarawan ng tauhan
4. Paggamit ng pahiwatig
5. Paggamit ng sagisag

You might also like