You are on page 1of 2

Ang taba

Nagsimula ang lahat nung una kitang makita

Mga mapupulang labi at mapupungay na mata, ang aking unang napuna

Nang ikaw ay aking nang lapitan, akin pang napagtanto na

bukod sa maamo mong mukha at mabango mong amoy, taglay mo rin ang kabaitan.

Kabaitan na mas lalong nagppapungay sa iyong mukha

Kabaitan na hindi tinataglay na aking ibang kakilala

Kabaitan na nagustuhan ko sayo, kayat ako’y na ng tuluyang nahulog sa iyo

Ngunit sa kabila ng mga kabaitang na iyong ipinapakita

Mayroon mga tao paring nangungutya sa iyong panlabas na kaanyuan

Mataba, malaki, baboy, dalawang tao

Ilan lang yan sa mga salita na alam kong nakakasakit sa damdamin mo

Dumating ang araw na nabigyan ako ng pagkakataon na patunayan sa mga ngungutya sayo

Na hindi sa panlabas na anyo makikita ang tunay kabutihan ng isang tao

Bakit masarap magmahal ng taong mataba?

Bakit nga ba? Dahil yung timbang ng katawan nila, higit pa doon ang pagmamahal na ipinadarama nila sa
mga taong minamahal sila

Yung mga braso at kamao nila ay may kakayahang ipagtanggol ka lalo na kung payat ka

Yung tyan nila na parang unan, yung unan mo na nagbibigay sayo ng ginhawa habang ikaw ay
mahimbing na natutulog ay katulad ng kanilang pagaaruga, aalagaan ka nila kahit pagod sila

Lahat ng bagay ito ay aking naranasan

Pagmamahal na pangdalawang tao ang naibibigay ng aking kasintahan


Kayat andito ako para ayun ay suklian at handa siyang ipagtanggol sya sa mga taong patuloy parin
nangungutya sa kanyang panlabas na kaanyuan

Wala man akong malaking katawan

Wala man akong malaking braso at kamao

Mayroon naman akong malaking kasintahan at papatunayan namin na walang pinipiling timbang ang
pagmamahalan.

You might also like