You are on page 1of 26

PANGKAT 3

Amaba, Franchezka Shane U.


Bellen, Anne Camile E.
Buison, Christian Carl M.
Florendo, Kristine Claire F.
Geronimo, Jericho G.
Gicana, Exequiel R.
Pulgado, Luisito C.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG DATOS
PAGSUSURING
HUMANISMO SA
LIMANG PILING
SALITANG PATULA NI
ANTONIO BATHAN JR.
(2018-2019)
Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga
pahayag na nasuri ng mga mananaliksik
sa pamamagitan ng pagbabasa sa
limang piling salitang patula at
pagsasagawa ng paglalahad ng
interpretasyon ng mga pahayag mula sa
mga salitang patula na napili sa
pagsusuring ito.
PAKBET
1. "Dagdagan ng sibuyas sa mga sugat na humahapdi.“
Paliwanag: Inahalintulad ng awtor ang paniniwala niya
sa pag-ibig sa pakbet. Sa pahayag na ito ay
ipinahihiwatig ng awtor na habang mas nararamdaman
natin ang sakit o lungkot, mas lalo tayong nagiging
matatag sa pag-ibig o buhay.
2. "Pride ko lang ang kailangan kong malunok."
Paliwanag: Ipinaliliwanag ng awtor na kapag ikaw ay
umiibig, ay marunong kang magpakumbaba. Dahil ayon
din sa kaniya ay hindi magiging maganda ang relasyon
ninyo kung pataasan lang ng sarili.
3. "Lahat ng sobra ay masama."
Paliwanag: Ipinapabatid rin ng awtor na pagdating sa pag-ibig
ay dapat balanse. Hindi sobrang lagkit ngunit hindi naman
sobrang lamig.
4. "Ilulubos ang lahat ng pag-ibig at pangarap."
Paliwanag: Sinasabi rito ng awtor huwag puro pag-ibig lamang
ang pairalin. Dapat ay parehas kayong may pangarap na
gustong tuparin dahil kung pag-ibig lang ay walang mararating.
5. "Ang pinakamalapit na daan patungo sa puso ng mga
kababaihan ay ang kanilang mga tiyan."
Paliwanag: Sa pahayag na ito makikita at mapapansin ang
paniniwala ng awtor tungkol sa pag-ibig. Naniniwala siya na mas
nagugustuhan ng mga kababaihan ang matiya kaysa puro itsura
lamang.
LUNA
1. “Yung tao, na magpapaliwanag sa dumidilim mong
mundo.”
Paliwanag: Ayon sa salitang patula na pinamagatang Luna,
ang mga tao ay may ugali na kung saan tayo ay may
kakayahang magpasaya ng iba. Marahil sa paraan ng ating
pagkilos at pagsasalita.
2. “Yung tao, na magpapaliwanag ng para sayo ay
magulo.”
Paliwanag: Ayon kay Antonio Bathan Jr., likas na pag uugali
ng mga tao na ipaliwanag sa isa’t – isa ang mga bagay –
bagay na nagpapakumplikado sa mga pangyayari at
sitwasyon.
3. "Ako nga pala si buwan, yung hindi kasing liwanag ng
araw at kasikatan pero nangangako na lagi lang akong
nanjan sa tabi-tabi"
Paliwanag: Isa sa magandang katangian ng mga tao ay
ang pagiging maaasahan. Kung kaya't sa linyang ito ng
salitang patula ni Antonio Bathan Jr. ay pinapahayag na ang
mga tao ay maaasahan.
4. “Ako nga pala si buwan, na hindi kayang magpaliwanag
ng daigdig sa kanyang kalawakan pero nangangako na lagi
kang sasamahan kahit sa kadilimab parati at palagi"
Paliwanag: Sa linyang ito ng salitang patula ni Antonio
Bathan Jr. na pinamagatang Luna ay pinapahayag na ang
mga tao ay hindi perpekto ngunit mapagkakatiwalaan sa
oras ng panganib.
5. "Itago man ako ng ulap, matabunan man ng
ulan, palaging alalahanin na ako ay nanjan"
Paliwanag: Ayon sa linyang ito ng Luna, walang
makakapigil sa mga tao sa oras ng
pangangailangan. Na kahit anong unos man
ang dumating ay likas nang matulungin ang
mga tao.
DAY CARE
1. "Nagsimula akong magtanong kung bakit Day Care ang
tawag. At ang nakuha kung sagot ay maharil sa bukod sa
ating mga magulang ay mayroon pang mga taong
handang magparamdam ng pagmamahal kase They care.“
Paliwanag: ipinapahiwatig ng awtor sa kanyang salitang
patula ay hindi ginawa ang Day care para mahirapan ang
mga bata sa pagaaral kundi, para magkaroon sila ng
kaalaman at malaman nila na hindi lang ang mga
magulang ang nagmamahal sa kanila kundi pati na rin ang
mga guro na nagtitiyaga upang maturuan sila kung paano
magsulat, magbasa at magbilang ng pa onti-onti dahil
pinapahalagahan at binibigyan nila ang mga bata ng
nararapat ng attention para hindi nila maramdaman na
nagiisa sila kase They Care for their little children's.
2. "Walang ibang dahilan kung bakit biglaan na
lamang na nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay
ng isang estudyante. “
Paliwanag: tinutukoy dito ng awtor na may iilang
estudyante na tumataliwas o bumamaliko ang
landas dahil sa kanilang kapabayaan. Pero isang
araw bigla na lang silang namulat sa katotohanan na
mali ang kanilang ginagawa, dahil sa kanilang mga
pangalawang magulang na laging nagpapaalala,
naguunawa at nagmamahal sa kanila at nagbibigay
ng motibasyon upang patatagin ang kanilang
kalooban.
3. "Tuwing sinabi niya na 'mag-aral ka ng mabuti' hindi
nila yun binibigkas para magbida, sa katunayan mas
ikinatutuwa nila kapag may nararating kang higit pa sa
kanila“
Paliwanag: Ipinaaalam ng awtor na hindi sa lahat ng
oras ay gusto kang saktan o ipahiya ng iyong guro, gusto
ka lang niyang palakasin at galitin upang mag seryoso
ka sa pagaaral at pagbutihin ito. Hindi nila intensyon na
saktan ang iyong damdamin ngunit kailangan para
malaman mo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay
nariyan ang iyong magulang o ang iyong pangalawang
magulang upang kabayan ka sa iyong paglalakbay,
sarili mo lang ang maaasahan mo sa oras na wala ka ng
makakapitang iba.
4. "Minsan din silang naging estudyante, minsan din silang
nahirapan noon, kaya't wag kang magtataka kung bakit
pinahihirapan ka nila kase 'yan ang dahilan kung bakit sila
naging matatag ngayon“
Paliwanag: Ipinahihiwatig nang awtor na hindi lang ang
mga estudyante ngayon ang nahihirapan kundi pati rin
ang mga guro, bago sila mapunta sa harapan ay madami
rin silang pinagdaang hirap katulad ng pinagdaraan mo
ngayon. Hindi nila gustong pahirapan ang kanilang mga
estudyante ngunit hindi sila matututong bumangon sa sarili
nilang paa kung palagi lang isusubo sa mga estudyante
ang mga dapat nitong malaman. Kaya nga mayroong
tinatawag na tiyaga para magsipag ang bawat isa para
marating nila ang rurok nang paghihirap.
5."Mam, Sir, kayo ang dahilan kung bakit ang CLASS
DISMISS ay dahilan kung bakit I will MISS DIS CLASS“
Paliwanag: Nais iparating ng awtor na sa lahat ng mga
pagkakamali, pagpapasaway, pagiingay, pagbibigay
ng sakit sa ulo sa mga guro ay lahat ng iyon ay parte ng
pagmamahal ng mga estudyante sa kanilang mga guro.
Hindi man nila nasasabi ng harapan pero
naipapararating naman ito sa pamamagitan ng
pagpapasaway. Lahat ay may hangganan ang pag-
iyak at pag-tawa. Dahil sa mga guro na hindi
nagsawang magpaaalala, magsaway, at umunawa ay
naging maganda ang kinalabasan ng kanilang mga
estudyante.
AKO
1. “Pangalawa ang pagpapatawad Yung bukal sa loob
yung tipong ika'y mabubusog sa'yong paglunok ng'yong
dangal dahil maniwala ka 'yan ay mabisang paraan
patungo sa tunay na pagmamahal”
Paliwanag: Ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito ay
dapat sa pagmamahal ay may kasamang
pagpapatawad. Hindi mo matatawag na pagmamahal
kung walang kasamang pagpapatawad. Sabi din dito,
kung ikaw ay magpapatawad dapat ito ay bukal sa
puso at kalooban, wala kang pagaalinlangan na
patawadin ang isang tao.
2. “Nang minsang umulan ng pulang likido mula sa nanunuyo
kong katawan. Animo'y muling nalanggasan ang mga pilat at
peklat ng mundo na noon ay sugatan. “
Paliwanag: Nang minsan siya ay nasaktan muli, tila bang bumalik
lahat ng nangyari sa kanyang nakaraan. Lahat ng masamang
alaala ay kaniyang muling naramdaman dahil sa isang simpleng
sakit lamang. Tila bang pinaparating ng pahayag na ito ay kahit
nakalimutan mo na ang masamang nangyari kapag nangyari ito
ulit ay babalik lahat.
3. “Alalahanin mo lahat ng ginawa niyang masama ikutin mo
pabaliktad at gawin mong maganda.”
Paliwanag: Ang pahayag na ito ay nagpapakita na dapat
kapag may masamang nagawa ang iyong minamahal ay dapat
mo itong baliktadin sa isang positibong paraan, kumbaga hindi
mo ito kailangan pang dagdagan ng negatibong salita.
4. “Sapagkat ang pinakamabisang pantanggal ng gusot at
ng mantsa sa inyong dalawa ay ang magandang gawaing
sa kanya ay iyong ipadama.” Paliwanag: Katulad ng nasabi
sa nakaraang pahayag ang mabisang pangalis sa mga
problema ay ang pagtingin sa positibong kakalabasan nito
hindi iyong sa negatibong kakalabasan. Mabisa rin na
huwag puro masasamang gawain ang iyong ipadama kundi
ang magagandang gawain.
5. “Minsan maliwanag, madalas ay maulan subalit hindi tayo
hihinto na lang, hihinto na lang dito.”
Paliwanag: Ang pahayag na ito ay nagpapakita na ang
buhay ay may dalawang parte, ang una ay ang pagiging
maginhawa sa buhay, pagiging komportable ngunit hindi
mawawala ang pagiging malungkot sa buhay ang
kahirapan ngunit hindi dapat tayo huminto dapat tayo ay
magpatuloy sa buhay at lumaban.
LUNES NA NAMAN
1. "Lunes na naman, panibagong linggo ng pakikipag-
sapalaran dito sa mundong hindi ka pinakakawalan.“
Paliwanag: Inililalahad ng awtor dito na isa sa
magandang katangian ng isang tao ang pagiging
palaban at hindi pagsuko sa mga pagsubok sa buhay.
2. "Lunes palang uubusin ng buong araw ang iyong
lakas, lunes palang uubusin ng buong araw ang iyong
pakikibaka ng iyong lakas."
Paliwanag: Tinutukoy ng awtor dito na sa bawat oras at
araw na tayo ay lumalaban sa mga problema ay
nawawalan minsan tayo ng tiwala sa sarili kung papano
natin malalampasan ang mga problema sa ating buhay.
3. "Kung lunes palang sumusuko kana paano na ang Martes,
Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo.“
Paliwanag: Inilalahad ng awtor dito na kung susuko agad
tayo sa isang iglap at araw ay papaano pa ang mga
susunod na mga araw. Kung kaya't hindi dapat agad tayo
sumusuko sapagkat may mga paraan tayo na dapat gawin
upang malampasan natin ang lahat ng problema at
pagsubok sa ating buhay.
4. "Lunes na, ito'y nagpapakita ng panibagong simula para
lumaban sa mga hamon na nagpapawala sayo ng tapang.“
Paliwanag: Sinasabi dito na sa bawat araw na dumadating
ay nagbibigay ito ng panibagong simula upang harapin ang
mga problema at pagsubok sa ating buhay. Bukod pa rito,
kailangan natin ng pagtitiwala sa sarili upang hindi mawala
ang katatagan at tapang na nanggagaling mismo sa ating
sarili.
5. "Kung susuko ka lamang sa isang iglap mawawalan ng
saysay ang lahat, normal lang mabigo pero ibang
usapan na ang pagsuko.“
Paliwanag: Sinasabi ng awtor dito na mababalewala at
mawawalan ng saysay ang lahat kung susuko tayo sa
ating mga problema dahil ang kabiguan ay normal
lamang ngunit ang pagsuko sa mga problema ay
nagpapakita ng mababang kompyansa sa sarili.
Samakatuwid, tibayan natin ang ating mga loob at
magtiwala sa sarili upang ang mga problema na
dumarating sa'ting buhay ay ating malampasan.
PAMAGAT MGA PANGYAYARI SA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
NG AKDA TOTOONG BUHAY

Kung literal ang pag- May Ang pagkakaiba


uusapan, nangyayari pagkakatulad ito nito sa totoong
talaga sa totoong sa totoong buhay buhay ay hindi
buhay ang pagluluto sa paraang lahat ng
ng pakbet ngunit magkasintahan ay
PAKBET kung iintindihing nangyayari talaga
sa mga mag- may ganitong
mabuti, ang mga
nobyo't nobya pag-iisip o hindi
linya ng salitang
ang mga bagay na lahat ay
patula na ito ay
tunay ngang katulad ng pag- pinahahalagahan
nangyayari sa mga aaway at ang relasyon sa
magkasintahan. pagsusuyuan. isa pang tao.
PAMAGAT MGA PANGYAYARI PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
NG AKDA SA TOTOONG BUHAY
May mga tao tayong Ang tula at ang Ang pagkakaiba ng tula
hindi natin alam na totoong pangyayari sa at ng totoong
nandyan para satin at buhay ay may pangyayari sa buhay ay
may mga tao tayong pagkakapareha dahil pinaparating sa tula na
lihim nating ang tula ay galing at lubos-lubos siyang
LUNA pinapahalagahan dahil ginawa din hango sa umaasa na siya'y
sa ating pagmamahal. totoong pangyayari sa mapapansin ng
May mga umaasa at buhay na may mga kanyang iniibig na halos
nasasaktan lamang dahil gawin na niya itong
taong umaasa,
umaasa sila na mayroon mundo subalit hindi
nagmamahal at
silang matatanggap na siya ang hanap nito,
nananatili sa kabila ng
pagmamahal gaya ng ngunit siya'y nanatili sa
hindi pag pansin at kabila ng hindi pag
pinaparandam nila sa
pagbibigay halaga nila. pansin sa kanya.
isang tao.
PAMAGAT MGA PANGYAYARI SA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
NG AKDA TOTOONG BUHAY
Dito sa mundong puno ng Ang pagkakatulad ng Ang pagkakaiba ng
paghihirap, pagkukumpara salitang patula na "Day salitang patula na ito sa
at panlalait ay mayroon pa Care" sa tunay na tunay na buhay ay hindi
ding nananaig na buhay ay pareho silang lahat ng estudyante ay
pagmamahal at pauunawa. nararamdaman at tumatatag pag
DAY Karamihan sa mga nararanasan ng isang nahihirapan bagkus sila
CARE kabataan ngayon ay tamad estudyante at guro. Na ay mas lalo pang
ng pumasok sa nagiging matatag pag pinanghihinaan ng loob
eskuwelahan, ang dahilan nahihirapan at at ang iba ay natatakot,
nila ay puro tambak ng hinaharap lahat ng takot na sumubok kung
gawain, mga problemang pagsubok na kaya ba nila o hindi ang
dapat hanapan ng dumarating sa isang bagay dahil sa
solusyon kahit na hindi nila kanilang buhay. kanilang takot na
iyon problema, at marami magkamali o pagalitan ng
pang iba. kanilang guro.
MGA PANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY

Pero dahil sa mga guro na laging nariyan para puntahan


ang kanyang estudyante na hindi pumapasok para
pagsabihan at bigyan ng malinaw na pagiisip kung tama
ba o mali ang kanyang ginagawa. Guro o ang
pangalawang magulang ng mga estudyante sa loob ng
kanilang silid aralan na hindi napapagod na ipahayag
ang kanilang kaalaman sa kanilang mga anak na
pasaway at makukulit. Mga guro na nagbibigay ng
kahulugan sa salitang eskuwelahan, mga kuwelahan at
pakikisabay ng mga guro sa kanilang mga estudyante,
mga hugot tungkol sa pagibig na iniuugnay sa leksiyon
ngayon at ang higit sa lahat ang pagmamahal ng isang
guro sa kaniyang mga estudyante at ganun din ang mga
estudyante sa kanilang mga guro.
PAMAGAT MGA PANGYAYARI SA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
NG AKDA TOTOONG BUHAY

Tulad sa nasabi o May pagkakatulad Ang pagkakaiba


nabanggit sa salitang ito sa totoong nito sa totoong
patula na AKO mayroon buhay dahil buhay ay hindi
ding pangyayari na nangyayari talaga
maihahalintulad sa lahat ng tao ay
ang mga ito o ang marunong
totoong buhay. Katulad
AKO pagmamahal at
na lamang ng magpatawad at
pagpapatawad at pagpapatawad sa
marunong
pagmamahal. Lahat ng totoong buhay lalo
magmahal lalo na
ito ay nangyayari sa na sa mga
totoong buhay at ang magkasintahan at
sa mga nasaktan
lahat ay nakaranas na magkarelasyon. sa nakaraan.
nito.
PAMAGAT MGA PANGYAYARI PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
NG AKDA SA TOTOONG
BUHAY
Karamihan sa mga Ang salitang patula ay Ang salitang patula ay
estudyante ay may pagkakatulad sa may pagkakaiba sa
nawawalan ng totoong buhay sapagkat totoong buhay
tiwala sa sarili at ito ay hango sa totoong sapagkat sa salitang
katatagan pangyayari sa ating patula ay binibigyang
LUNES linaw at kaalaman
pagdating sa pag- paligid. Sapagkat, may
NA lamang ng awtor ang
aaral dahil na rin sa mga ilang estudyante
NAMAN mga tao tungkol sa
walang kompyansa na napanghihinaan ng pagiging tamad ng
sa sarili at loob at nawawalan ng ilang estudyante
napanghihinaan ng tiwala sa sarili habang sa tooong
loob upang labanan pagdating sa pagharap buhay naman ay may
at harapin ang mga at paglaban sa mga ilang tao na likas na
pagsubok sa buhay. pagsubok sa buhay. matalino ngunit tamad.

You might also like