LP 4

You might also like

You are on page 1of 4

I.

Layunin:

a. Masabi at matukoy ng mga bata ang Sagisag ng Ating Komunidad


b. Maisa-isa ang simbolo at katangian na sumasagisag sa ating komunidad
c. Maipakita ang pagkilala sa Pambansang Sagisag ng Ating Komunidad

II. Paksang Aralin:

a. Paksa: Ang Sagisag ng Ating Komunidad


b. Sanggunian: Araling Panlipunan ph. 162-165
c. Kagamitan: Mga Larawan
d. Pagpapahalaga: Pagmamalaki ng sariling pagkakakilanlan

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panimulang Gawain
- Bago tayo dumako sa ating talakayan - (Tumayo ang mga bata at nanalangin)
tumayo muna tayo at manalangin

2. Pagbati
- Magandang Umaga mga bata! - Magandang Umaga din po binibini!

3. Balik Aral
- Ang Sining ng Ating Komunidad
- Mga bata ano nga ulit ang mga Sining - Mayroon po tayong iba’t-ibang uri ng
ng Ating Komunidad? Sining ng Ating Komunidad. Una ang
Pag-ukit at Pagpinta, Sayaw at Isport
binibini!
- Tama! Magaling mga bata!
- Maaari ba kayong magbigay ng iba’t- - Ang iba’t-ibang uri ng Isport ay mga
ibang uri ng Isport? Patintero, Palo Sebo, Dakpaway, at
Bato panyo binibini!
- Magaling mga bata!
- Maaari din ba kayong magbigay ng - Opo!
iba’t-ibang uri ng Sayaw? - Ang iba’t-ibang uri ng sayaw binibini
ay mga Tinikling, Canao, Singkil,
Sayaw sa Bangko at maglalatik
binibini!
- Magaling mga bata!
- Naintindihan na ba mga bata? - Opo!
- Magaling!
4. Pagganyak
- Mayroon akong ipapakitang mga
larawan mga bata!
- ( Ipinakita ng Guro ang larawan)
- Sa tingin niyo mga bata ano ang - Ang larawang ito binibini ay isang
larawan na inyong nakikita? pook
- Tama!
- Mga bata ano sa tingin niyo ang
sumasagisag o sumisimbolo sa
larawang ito?
- Jana, Maaari ka bang magbigay ng isa - Opo binbini, ang nakikita ko na
sumasagisag ay ang Watawat binibini!
- Tama! Magaling Jana!
- Rafael, maaari ka rin bang magbigay - Opo, ang nakikita ko na sumasagisag
na sumasagisag sa larawan? ay ang bantayog ng isang bayani
- Tama! Magaling Rafael!
- Eula, sinong bayani ang nasa larawan? - Si Dr. Jose Rizal po binibini!
- Magaling Eula!
- Ang larawang inyong nakita ay isang - Opo binibini!
pasyalan o pook na kung saan nakita
niyo ang bantayog ni Dr. Jose Rizal at
Watawat
- Ngayon mga bata nakita niyo na ang - Opo binibini!
larawan at natuklasan niyo rin kung
ano ang nasa larawan
- Magaling mga bata!

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
- Bilang mag-aaral, paano mo - Ang bawat komunidad ay may mga
maipagmamalaki ang mga sagisag sa sagisag. Ang mga sagisag na ito ay
inyong komunidad? karaniwang nakikita sa sentro n gating
komunidad. Mahalagang
maipagmalaki ang mga sagisag dahil
ito ay nagpapakilala sa atin bilang
isang pangkat
- Tama! Magaling mga bata!
- Sa tingin niyo mga bata, patungkol - Tungkol po sa Sagisag n gating
saan ang ating talakayan ngayon? Komunidad binibini!
- Tama!
- Handa na ba kayong makinig sa ating - Opo binibini!
talakayan mga bata?
2. Pagtatalakay
- ( Nagpakita ng larawan ang Guro)
- Ano ang nakikita niyong larawan mga - Ito po ay isang Watawat binibini!
bata?
- Tama! Magaling!
- Sophia, ilan ang sinag ng araw sa - Walo po binibini!
ating watawat?
- Tama! Ano ang sinasagisag ng walong - Sinasagisag nito ang walong lalawigan
sinag sa ating watawat Sophia? na unang naghimagsik laban sa
Espanya!
- Tama! Magaling Sophia!
- At ito ang lalawigan ng Maynila,
Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva
Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas.
- Zejae, ano naman ang sinasagisag ng - Sinasagisag nito ang tatlong
tatlong bituin sa ating watawat? malalaking pangkat ng mga pulo sa
ating bansa
- Tama! Magaling Zejae!
- Anu-ano ang mga pulong ito? - Ito ay ang Luzon, Visayas, at
Mindanao binibini!
- Magaling!
- McTheo, anu-anong mga kulay ang - Ang mga kulay na ito binibini ay mga
nakikita mo sa watawat? pula, bughaw, dilaw at puti
- Tama! Magaling McTheo!
- Jana, ano ang sinasagisag ng pula sa - Ito ay sinasagisag ng katapangan
ating watawat? binibini
- Tama!
- Rafael, ano naman ang sinasagisag ng - Ang puti ay sagisag ng kalinisan
kulay puti sa watawat?
- Tama!
- Eula, ano naman ang sinasagisag ng - Ang bughaw ay sagisag ng ating
kulay bughaw sa watawat? kapayapaan
- Tama! Magaling Eula!
- Naintindihan po ba an gating - Opo binibini!
talakayan mga bata?

IV. Pangwakas na Gawain


A. Paglalapat
- Mga bata mayroon akong ididikit na - Opo binibini!
larawan
- Tatawagin ko kayo isa-isa upang - Opo binibini!
kulayan ang idinikit kung larawan
- ( Nagpakulay ang Guro sa idinikit - ( Nagkulay ang mga mag-aaral sa
niyang larawan) idinikit ng Guro)

B. Paglalahat
- Mga bata batay sa ating natalakay ano - Ang mga ito binibini ay mga pula,
na ulit ang mga kulay na nasa ating bughaw, puti, at dilaw
watawat?
- Tama! Magaling!
- Ibigay nga ang sinasagisag ng mga - Ang puti ay sagisag ng kalinisan, ang
kulay sa ating watawat? pula ay sagisag ng katapangan at ang
bughaw ay sagisag ng kapayapaan
binibini
- Tama! Magaling mga bata!

V. Pagtataya:
A. Panuto: Kulayan ang watawat. Gumamit lamang ng kulay dilaw, puti, bughaw, at
pula.

VI. Takdang Aralin:


 Gumupit ng mga larawan na sumasagisag sa ating komunidad.

You might also like