You are on page 1of 2

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V (Bicol)
SANGAY NG CATANDUANES
Virac, Catanduanes

Hulyo 25, 2018

SOCORRO V. DELA ROSA, CESO VI


Pansangay na Tagapamanihala
Sangay ng Catanduanes
Virac, Catanduanes

Madam:

Mapagpalang araw po!

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Kongreso ng Wika Hinggil sa
Adyenda sa Pagbuo ng Gramatika ng Wikang Pambansa mula ika- 2 ng hanggang ika- 4 ng Agosto, 2018 na
gaganapin sa Dr. Robert C. Sy Grand Ballroom 2nd floor Buenaventura Garcia Paredes OP Building Unibersidad
ng Santo Tomas, España, Maynila.

Ang layunin ng Kongreso ay ang mga sumusunod:


1. Maisakonteksto ang pag-aaral ng gramatika sa pangkalahatang larang ng pag-aaral ng wika;
2. Matalunton ang simula at pag- unlad ng gramatika ng Wikang Pambansa sa Filipinas;
3. Masuri ang nilalamang panggramatika ng Kurikulum ng K to 12;
4. Matalakay ang mga aspekto at katangian ng ilang pangunahing katutubong wika sa Filipinas;
5. Maitampok ang mga saliksik, mga piling institusyon at organisasyon sa Filipinas; at
6. Matalakay ang ilang estratehiya ng pagtuturo ng gramatika.

Ang seminar pong ito ay may malaking kapakinabangan upang higit po naming maunawaan ang Filipino
bilang isang disiplina at ang potensiya ng tamang pagtuturo nito kaugnay ng bagong kurikulum na K to 12.
Makatutulong din po ang sesyon na ito sa aming ginagawang tesis sa antas masteral.

Kaugnay nito, kami po ay may kababaang-loob na humihingi sainyo ng pahintulot na makadalo sa


Pambansang Kongreso ng Wika sa OPISYAL NA ORAS.

Kalakip po ng liham na ito ang DepEd Advisory Blg 82 s. 2018 at polyeto mula sa Komisyon sa Wikang
Filipino. Maraming salamat po.

Sumasainyo,

PINKY T. TALION
Guro I, Tubli National High
School

REINA O. TATAD
Guro II, Calatagan High School

NOREEN M. UCHI
Guro III, Catanduanes National
High School
Nabatid:

MARIA B. VEGIM
Guro III, Officer- in Charge
Tubli National High School

DANILO V. TAWAY
Punongguro II, Calatagan High School

AMELIA R. EUSEBIO
Punongguro II, Catanduanes National High
School

Itinagubiling Pagtibayin

MA. GINA M. TEMPLONUEVO, Ed.D.


Pansangay na Tagamasid sa Filipino

Pinagtibay

SOCORRO V. DELA ROSA, CESO VI


Pansangay na Tagapamanihala

You might also like