You are on page 1of 1

“Benepisyo sa paggawa ng alak mula sa Prutas”

Ang mga iba’t ibang prutas ay maaaring gawing alak sa pamamagitan


ng isang proseso na tinatawag na pagbuburo. Ang pagkain ng mga prutas araw-
araw ay napaka kapaki-pakinabang sa kalusugan ng bawat tao. Tulad ng alak na
ginawa mula sa purong prutas, ang alak na ito ay marami ang benepisyo. Ang
pagkain o paginom ng higit pang mga prutas ay maaaring makatulong sa mga tao
na mabuhay ng isang mas mahaba at malusog na buhay. Ayon rin sa siyentipikong
pananaliksik ito din ay nakakatulong na palakasin ang iyong immune system at
labanan ang sakit.
Isa sa mga pinaka magandang benepisyo ng paginom ng alak mula sa iba’t
ibang klaseng prutas ay ang kasiyahan sa mga magiinom at titikim nito, narerelax
nito ang katawan, isip at maging ang pagbabawas ng stress sa sarili. Binabawasan
din nito ang panganib sa Type 2 Diabetes. Tiyak na tumutulong rin ito hindi
lamang dagdagan ang haba ng isang buhay kundi pati na rin ang kalidad nito.
Sinabi din ng doctor na ang paminsan minsang paginom nito ay tumutulong upang
mapalabnaw na dugo na kung saan ito ay nakakatulong upang mapigilan ang
stroke.
Nakaisip ng magandang ideya ang mga guro ng STI College Balayan
Senior Highschool upang subukan at tuklasin ang iba’t ibang uri ng prutas
upang gawing alak kaya’t nagpaggawa sila ng Science Investigatory project sa
mga studyante na STEM. Gumawa sila ng ibat’t ibang klase ng alak na mula sa
prutas, hinati hati ang mga studyante sa limang pangkat at kada pangkat ay
gagawa at magbuburo ng isang klaseng prutas upang gawing alak..
Bagamat mas sikat ang alak mula sa ubas, marami din ang gumagawa
ng alak mula sa iba’t ibang klaseng prutas. Hindi lamang ubas ang prutas na
maaaring gawing mahusay na kalidad ng alak. Ang mga native na prutas tulad ng
cashew (kasoy), Duhat, pinya, bayabas, manga, santol strawberry, saging, bignay
at iba pang mga prutas ay maari ring maproseso sa masarap na alak. Ang mga ito
ay ginawa ng bawat grupo at sa bawat alak na natikman ng mga guro sila ay
nasarapan at namangha dahil nagawa ito ng mga studyante na parang tunay na alak
at base sa kanila ang lasa nito ay kapit na kapit sa lalamunan at purong puro ang
pagkalasa dahil purong prutas ang ginamit nila, dahil ditto ang proyektong
paggawa ng alak mula sa prutas ay kanilang napagtagumpayan, nadiskubre nila na
pwede nga pala talagang gawing alak ang simpleng prutas. .

You might also like