You are on page 1of 1

Pagbabasbas

(by: MV Francisco)

Babae:
Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa "Yong kadakilaan
Ano pa kaya itong abang tahanan,

Lalaki:
Ngunit ikaw ang Ama na sa ami'y nagkalinga,
Sa harap ng 'Yong dambana,
Kaya sasamo ng madla: magdalang habag Ka.

Lahat:
Pumanaog Ka, Poon, sa tahanang laan sa 'Yong kal'walhatian.
Puspusin mo ng biyaya ang dumudulog sa 'Yong dambana.

FINALE
Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa.
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa 'Yong kadakilaan
Ano pa kaya itong abang tahanan.

Ulitin: Pumanaog..... dambana

You might also like