Professional Documents
Culture Documents
Filipino CG
Filipino CG
Bikol
Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate
Ang rehiyon V o ng Biko ay matatagpuan sa timog silangan ng Luzon, Binubuo ito ng mga
lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate. Ang mga
mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol, pero iba-ba ang uri ng Bikol nila. Biko na may halong
Tagalog ay sinasalita sa Camarines Sur dahil malapit sa Quezon. Ang Bikol na hawig sa Cebuano ay
sinasalita sa Masbate at iyong lalawigang malapit sa Kanlurang Bisaya ay may halong Hiligaynon.
Iba rin ang Biko ng Sorsogon, Catanduanes at Albay bagamat ang Bikol Naga ang ginamit sa
kanilang panulatan.
Sa kabila ng maraming wikang ginagamit dito marami sa kanila ay bihasa sa Ingles a Filipino
na siyang ginamit nila sa pagsulat ng tula, dula, maikling kwento at nobela.
Kakaunti ang nalalaman sa Panitikang Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban sa
“Daragang Magayon” at “Sarong Banggi”. Karamihan sa mga akdang nasusulat sa wikang Bikol ay
hindi nailimbag at kalat-kalat pa, bagamat mayaman ito sa bugtong, salawikain, awiting-bayan at
kwentong-bayan. Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Marami ring mito at alamat
ang matatagpuan kaugnay ng mga magagandang lugar, lawa at bulkan. Halimbawa nito ay ang
Alamat ng Bulkang Mayon.
Ang mga matatanda ng lugar ay patuloy na ginagamit ang Ariwaga o sasabihon (kasabihan)
para bigyang diin ang kahalagahan ng katapatan, kasipagan, pagtitiyaga at iba pang magandang
ugali sa mga kabataan.
Isang misyonerong Kastila ang humanga sa kakayahan ng mga Bikolano sa pagsulat ng tula
at musika.
Uri ng Panitikan
MGA SALAWIKAIN
Ang salawikain o kasabihan ay malaking ginagampanan sa buhay ng mga Bicolano noon. Ang
mga ito ay nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa “pagpapaalala sa mga tao ng
maaaring kalabasan ng maling gawa.” Ang mga salawikain ay karaniwang tumatalakay sa moral,
kabutihang loob at nagpapahiwatig ng pawang katotohanan tungkol sa buhay.
c. Payong ng ita
Di nababasa (dahon ng saging)
4. Awiting-bayan
Sarong Banggi
Katorog, katorog
Sakloton nin barog
Ipaglayolayog
Sa poon manuyog
Ipaglakawlahaw
Sa poon makakaw
Ipagduyanduyan
Sa poon kawayan.
Matulog, matulog
Kukunin ka ng baong
At dadalhin ka
Sa puno ng niyog
O, dadalhin ka
Sa puno ng hakaw
O, ipagduduyan
Sa puno ng kawayan
Ang engkanto ay maaaring maging anumang uri ng hayop, ibon, isda o tao. Naniniwala ang mga taga-
Bikol na ang banong ay isang uri ng engkanto, na lumalabas sa oras ng gabi para manguha ng mga bata at
ihuhulog mula sa puno ng niyog, kakaw o kawayan hanggang sa mamatay ito.
Isa pang kanta na nagpapakita ng paniniwala ng mga ito sa masasamang espiritu; sa ngayon ito ay
tinatawag na aswang, na nagpapaiba-iba ng hitsura at porma tulad ng taong lumilipad sa gabi at kumakain ng
ibang nilalang.
Dumaan sa samuya
Islang rapurapu
An ang tawo diya
Anas milyonaryo
Mayo man nin landing
May bitbit na tawo
Igwang eroplano
Na layong kun banggi
Sa aming bayan
Isla ng Rapu-rapu
Ang lahat ng tao
Aay milyunaryo
Wala namang lalandingan
Pero mayroong eroplano
Na lumilipad kung gabi
May bitbit na tao.
Tunay ngang ang paniniwala sa mga espiritu ay may kaugnay sa pamumuhay at paniniwala ng mga
taga-Bikol. Halimbawa nito ay ang “Panyong Binurdahan”, na kung saan ang isang babaeng nagngangalang
Lulay ay inutusang paikut-ikutin ang ulo ni Juat at isang mahabang kantang pinamagatang “Papel de Canton”,
ito ay isang sulat na ipinadala ng isang lalaki bilang pagsuyo sa kanyang minamahal.
Ang tula at awit ay minana pa ng mga sinaunang tao sa Bicol, maraming mga awitin ang biglaang
komposisyon na sadyang ginawa sa ilalim ng liwanag ng buwan. Iyon ang karaniwang pampalipas oras at
ginagawa pa rin ito sa mga rural areas hanggang sa kasalukuyan Nagtitipun-tipon ang mg tao sa isang
tindahan, nauupo sila sa mga upuang gawa sa katawan ng puno ng niyog at naguusap tungkol sa mga
pangyayari sa kanlang lugar at kasabay nito ang kantaan. Ang mga kumakanta nang solo ay lubusang
pinapalakpakan, ngunit ang pag-awit ng paglisan ng bawat grupo ay mas masaya. Tuwing may mga
kasayahan ay hindi nawawala ang mga paligsahan, at mga sorompongaon o dugsungan (paligsahan sa pag-
awit) ay ginanap.
Ang kapitan ng baryo ay siyang namumuno sa mga paligsahan. Magbibigay siya ng isang sitwasyon at
ang mga kalahok ay gagawan ito ng awitin. Ang pinakamahusay na mang-aawit na mas mapalungkot ang
malungkot na istorya mas mapasaya ang masayang sitwasyon, mas mapatawa ang nakakatawang sitwasyon
o kaya’y mas malaswa ang malaswang insedente. Sa ganitong paraan, ang mga paligsahan ng pag-awit ay
isinilang tulad ng:
UNANG MANG-AAWIT
Tilibong, tilibong, tilibong
Nadasmay si Ramon
Nahulog sa babon,
Nagkaborolokan.
IKALAWANG MANG-AAWIT
Tilibong, tilibong, tilibong
May gandang sa ibon
Dai kinalabong
Ta muklit sa ibong
IKALAWANG MANG-AAWIT
Susay daw dai mabihag
Ay Neneng, nan saimong piad
Maski gadanang dumulag, lalay,
Masuhat ta manonoag.
Arin an makulog?
An matatagalan
Arin an may sakit
An di nagaagrangay
Kon si Oloperes
Bantog kaisugan
Por dahil ki Jodit
Buay dinanay.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantog kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib
at sinalakay si Rabot samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Si Rabot ay
namilipit sa sakit at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan.
Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabot sa Libmanan. Ipinakita niya kay Handyong na indi
makapaniwala sa kapangitan ni Rabot. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castano. Nangako si Kadugnung
na ipagpapatuloy niya ang kwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na narinig ng pari ang iba pang
bahagi ng epiko kaya’y kung narinig man ay hindi na naisalin kung kaya’t nananatilling walang karugtong ang
epiko.
Manalang-Gloria, Angela
Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, C.V. Wickers, na siyang pumatnubay sa kanya sa
pagiging makataya. nakilala ang pangalan niya sa pagiging makata sa kolehiyo nang magwagi siya sa
Literary Contest at nalathala ang kanyang tula sa Sunday Tribune, Philippine Collegian, Literary Apprentice
at herald Mid-Week Magazine.
PHILIPPINE POETRY
YELLOW MOON
Angela Manalang Gloria
TO A LOST ONE
Angela Manalang Gloria
Brutal 1980
Miss X 1980
Playgirl 1981
Relasyon 1982
Cain at Abel 1982
Haplos 1982
RPX 1982
Karnal 1983
Baby China 1984
Sinner or Saint 1984
White Slavery 1985
Dyesebel 1990
BRUTAL
Ricardo Lee
CLASSROOM/INTERIOR/HAPON
Panay ang bulungan nina Monica at Cynthia sa hulihan pero nagkukunwaring nagtitake notes. Inaantok
ang lahat habang binabasa ng teacher si Lady Macbeth. Malapot ang punto niyang Bisaya.
Panay ang sulyap ni Tato kay Monica. May 18 na si Tato pero sinong ina ang maaaring magalit dito?
Guwapo ito at charming kumilos. Katabi nito sina Jerry at Ogie, kasing edad at kasing ugali nito. Barkada sila.
Lahat ay para sa tatlo. Anumang bagay basta good time papasukan nila. Kanila ang tatlong bangkay na
natagpuan sa apartment nina Monica sa simula ng pelikula.
Cynthia: (pabulong). Talo pa nitong si Balgos and Tranquilizer. Bumagsak tayo lahat.
Monica: Shhhh…
Cynthia: Anong Shhh? (titingnan si Monica saka bubulong). Alam mong problema sa’yo? Masyado kang
maraming inhibitions. Lagi kang takot (susulyap sa teacher). Sabihin mo nga, putang ina, sir.
Monica: Ayoko nga!
Cynthia: Kita mo na! Parang putang ina lang! Kalat na kalat sa campus yan e. Ulit-ulitin mo lang di na
nakakatakot ‘yan!
Monica: (mapapsulyap kay Tato; kikindat ito sa kanya). Basta ayoko (mapapayuko)
Cynthia: Sige na. Putang ina.
Monica: (babalik s pagkukunwaring nagtitake-notes). Ayoko.
Cynthia: (smiling) Wala ka talagang pag-asa. Gaya niyang pangalan mo. Ni wala kang palayaw. Monica. Hind
man lang Moonick. O kaya’y Ikang. O kaya Mona. O baka gusto mo Moninay!
Kukurutin ni Monica si Cynthia sa hita. Susulyap ulit kay Tato. Ituturo ni Tato ang puso niya, aarteng
mamamatay. Mapapangiti nang lihim si Monica.
Cynthia: (lalakas ang boses) Alam ko na! Mickey! (hihinaan ang boses dahil napatingin ang teacher). Mickey
Mouse! Bagay sa’yo dahil para kang dagang laging takot! (nagpipigil matawa). Mickey.
Monica: (susulyap ulit kay Tato; may idinodrowing ito) Ayoko nga!
Cynthia: Puwede ba ‘yung ayoko! Mickey ha ha! (titingnan ang reaksiyon ni Monica) Tumawa ka naman!
Monica: Nakatingin sa’tin si Sir.
Dadako sandali ang kamera sa idinudrowing ni Tato. Isa itong babaing hubo. Nilalagyan nia ng buhok ang
genitals nito. Babalik ang kamera kina Monica.
Cynthia: Napapansin ko, lagi kang malungkot. Di pa kita nakitang tumawa. Subukin mo ngang tumawa. Maski
walang sound.
Monica: Wala namang dapat pagtawanan e.
Cynthia: Titingnan ko lang kung bagay sa’yo!
Dadako uli ang kamera sa drowing ni Tato. May nakasulat nang pangalan sa ibaba ng hubong babae. Babalik
ang kamera kina Monica.
Cynthia: Sige na. Tumawa ka na. Di ako titingin!
Monica: Ayoko sabe eh!
Cynthia: Hindi kita titigilan!
Monica: (mangingiti na). Para tayong mga luka-luka dito!
Cynthia: (matatawa rin). Ayan, lumalabas na! Huwag mong pipigilan! Kakabagan ka!
Tuluyang matatawa si Monica. Tatakpan ng palad ang bibig pero lalakas nang lalakas ang tawa niya.
Makikisabay na rin si Cynthia. Sa loob ng ilang saglit ay makikita sa mukha nila ang inosenteng tawa.
Malayang tuwa.
Teacher: (mapapatingin sa kanila.) What’s going on there?
Nagpipigil pa ring yuyuko sa mga notes nila ang dalawa.
Sumikat siya ng taong 1950 at 1960 bilang isang kinikilalang manunulat na Pilipino sa Ingles. Nakasulat
siya ng maraming sanaysay, maikling kwento at mga artikulo sa lahat halos ng pambansang pahayagan. Ilan
sa mga napatanyag niyang isinulat ay ang nobelang “The Hand of the Enemy” (1962); “Stories, A Collection,
1968”; “Imelda Romualdez Marcos”; A biography, 1970.
GAWAIN
1. Talakayin ang bawat akdang nakalahad sa kabanatang ito at sikaping masuri ang mga kahalagahang
panlipunan, pangmoral at pangkaisipang ipinahihiwatig ng bawat isang akda.
2. Mula sa talaan ng mga manunulat ng Rehiyong Bicol, pumili ng tatlo at saliksikin ang alinman sa
kanilang mga akda.