You are on page 1of 3

Activity Card 1

Isang araw, napansin ni Karim na kinuha ni


Joshua ang krayola ni Rose na nasa learner’s kit
nito. Kinausap ni Karim si Joshua at sinabing
nakita niya ang ginawa nito. Sinabihan siya ni
Joshua na huwag sasabihin kay Rose ang
ginawa niya. Kung ikaw si Karim, ano ang
gagawin mo?

Activity Card 2
Napapansin ni Anthony ang palagiang
paglabas ng kuya niya sa paaralan nang wala
sa oras. Isang araw, sinundan niya ito at nakita
niyang nasa tindahan at naninigarilyo. Ano ang
maaaring gawin ni Anthony upang matigil ang
hindi magandang ginagawa ng kanyang
kuya?
Activity Card 3
Sina Marlo at Andrei ay magkaibigan. Isang
araw, hiniram ni Marlo ang bagong laruan ni
Andrei. Hindi sinasadyang nahulog niya ito sa
ilog habang tumatawid siya pauwi sa kanilang
tahanan. Kinabukasan, hinanap ni Andrei sa
kanya ang laruan. Ano ang dapat sabihin ni
Marlo sa kanyang kaibigan?

Activity Card 4
Kitang- kita mo na ang iyong kaklaseng si
Marcus ay napikon sa pangangantiyaw ng
inyong kaklase kaya sinuntok niya ito.
Ipinatawag ka ng inyong guidance counselor
upang isalaysay ang buong pangyayari. Sino
ang iyong kakampihan?
Activity Card 5
Recess na. Bumili ka sa kantina ng paaralan.
Matapos mong magbayad, napansin mong
labis ang sukli na napabigay sa iyo. Ano ang
iyong gagawin? Ipaliwanag ang sagot.

You might also like