You are on page 1of 1

“Boses ng Kabataan. Laban sa Karahasan.

” ni Geraldo Mejillano

Ang bawat paaralan ay may ipinatutupad na Anti Bullying. Sila ay gumawa ng


mga hakbang upang iyo’y maging matagumpay. Kami, bilang mga estudyante at
isa sa mga nais makatulong sa aming paaralan ay gumawa kami ng mga hakbang
upang ipaalam sa iba kung ano ang naiidulot ng bullying sa pamamamagitan ng
pagsasalita. Iba sa pakiramdam noong nagturo kami sa mga kabataan ng
kagandahang-asal sapagkat dito namin maihahalintulad ang aming sariling mga
karanasan. Sa ating mga karanasan makikita ang katuturan sa pagtuturo ng
kagandahang-asal. Gumawa rin kami ng mga paskil kung saan ipinapaalam namin
na ang bullying ay nakakasira ng isang buhay ng tao. Napansin kong hindi dapat
ang kalakasan at kahinaan ng isang tao ang ang dahilan para tayo’y maging bully.
Ang bawat isa sa atin ay may sariling kalakasan at kahinaan. Kaya tayo’y tinawag
ng ating Panginoon na ‘Unique’. Iwasan natin ang mga masasakit na salita. Dito
nagsisimula ang pambubully at kadalasan ang salita ay mas masakit pa sa pisikal
na pananakit. Ang edukasyon ay nagsimula sa tahanan. Ito ay itinutuloy sa
paaralan. Kaya, tulong-tulong, sama-sama tayo sa iisang adbokasiya,
#NoMoreBullying.

You might also like