You are on page 1of 4

I.

Layunin

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nalalaman ang mensaheng nais iparating ng sanaysay na pinamagatang “Ang

Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon”

B. Nalalaman kung ano ang sanaysay at kung paano ito naiiba sa mga ibang

akdang pampanitikan

C. Napapahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan.

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa

sanaysay gamit ang teknolohiya at mga pangatnig upang makapaglahad ng sariling

opinyon sa ilang napapanahong isyu

Pamantayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ang mag-aaral ng mahusay na

opinyon/pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu.

II. Paksang-Aralin

A. Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon Sanaysay –

Taiwan Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

B. Sanggunian

Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

C. Pagpapahalaga

Pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan.

D. Kagamitan

Larawan, visual aids, cartolina at powerpoint presentation.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng silid-aralan

3. Pag-iisa ng mga lumiban

B. Pagganyak

Mayroong inihandang awitin ang guro ito ay may pamagat na “Dalagang Pilipina” na

pakikinggan ng mga mag-aaral, isinulat ito ni Jose Corozon De Jesus at sa musika ni

Jose G. Santos, matapos mapakinggan ang nasabing awitin, magtatawag ang guro sa

kanyang mga mag-aaral kung anong mensaheng nakapaloob sa awitin. Papakinggan

ang awitin ng dalawang beses.

C. Paglalahad ng Paksa

Pagtatanong: Batay sa inyong napakinggan, tungkol saan kaya ang ating paksa sa

araw na ito?

D. Pagtalakay sa Paksa

-Babasahin ng mag-aaral ang akda sa pamamagitan ng tahimik na pagbabasa.

Pagkatapos ay magtatawag ang guro kung sino ang pupunta sa harapan at sa

pamamagitan ng Venn Diagram maipapakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga

kababaihan sa Taiwan.

Noon Pagkakatulad Ngayon

-Pagkatapos matalakay ang akda ay uuriin naman ito kung anong uri ng akdang

pampanitikan at kung paano ito naiiba sa iba pang mga akda.


Magkakaroon ng gawain ang mga mag-aaral.

Ang apat na pangkat ay mag-iisip ng mga tatlong karapatang ng mga kababaihan at

ipapakita ito sa pamamagitan ng dula-dulaan, bawat pangkat kailangan tatlong

karapatan ang maipakita.

Pamantayan:

Nilalaman -40, Presentasyon -30, Orihinalidad -20, Pagkakaisa -10 = 100

F. Paglalahat

1. Dapat ba talagang magkaroon ng pantay na kapangyarihan ang mag babae sa

lalake? Bakit.

2. Kung ilalapat natin sa pamilya o sa tahanan, sino ang nararapat na masunod? Babae

o Lalake? Bakit.

3. Ano ang natutunan mong aral sa ating sanaysay na tinalakay?

IV. Pagtataya

Sumulat ng isang sanaysay gamit ang paksang Droga. Hindi bababa ng 300 salita.

Isulat ito sa buong papel.

V. Takdang-Aralin

Magbigay ng mga patunay sa ating sariling bansa kung paano nagkaroon ng pantay na

karapatan ang mga kababaihan.


Republika ng Pilipinas

Pulung Santol High School – Annex I

Poblacion, Porac, Pampanga

Mala-Masusing Banghay Aralin

Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at

Noong Nakalipas na 50 Taon

Sanaysay – Taiwan Isinalin sa Filipino ni

Sheila C. Molina

Inihanda ni:

Gng. Liza D. Libu

You might also like