You are on page 1of 4

Lanting Region National High School

Masusing Banghay – Aralin


Araling Panlipunan Grade 10
Disyembre 10, 2015

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nalalaman ang dahilan at bunga ng implasyon;
b. nakokompyut ang CPI, antas ng implasyon at at purchasing power.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: “Ang Implasyon”
Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al.
Pahina: 272-285
Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Panimula
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Pagbabalik-aral
B. Pagtuklas
1. Pagganyak
Suriin at pag-aralan ang larawan at ibigay ang
opinion tungkol dito.

1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan? Lester?


Ma’am, ipinapahiwatig po sa larawan ang patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ating bansa.
2. Ano ang basehan ng inyong naging obserbasyon?
Angelica?
Ma’am dahil po sa may pakpak siya at may malaking
logo ng salapi, kasama na rin po ang mga bilihin.
3. Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging
dahilan ng ganitong sitwasyon?
Ma’am maaari pong isa sa dahilan ang pagtaas ng
presyo ay depende sa demand ng mga tao at kung
magkano ang pera na naiuuwi ng mga OFW.
Mahuhusay! Lahat ng sinabi ninyo ay tama.
C. Paglalahad
Basahin ang paksang-aralin natin sa araw na
ito.
“Ang Implasyon”
1. Mga Gabay na Tanong
Ngayon, basahin naman natin ang mga Gabay
na Tanong.
1. Ano ang Implasyon?
2. Ibigay ang iba’t ibang uri ng Price Index.
D. Paunlarin
1. Pagtalakay
Basahin ang unang islayd, Karen.
Implasyon. Ayon Sa The Economics
Glossary, Ang Implasyon Ay Tumutukoy Sa Pagtaas
Ng Pangkalahatang Presyo Ng Mga Piling Produkto
Na Nakapaloob Sa Basket Of Goods.
Ayon Naman Sa Aklat Na Economics Nina
Parkin At Bade (2010), Ang Implasyon Ay Pataas Na
Paggalaw Ng Presyo At Ang Deplasyon Ay Ang
Pagbaba Sa Halaga Ng Presyo.
Ito ay ang patuloy na pangkalahatang pagtaas
ng presyo ng mga bilihin sa lahat o halos lahat ng
pamilihan sa buong bansa Nakaakibat na sa ating
buhay ang implasyon. May kasabihan nang “till death
do us part”. Basahin ang sumunod na islayd, Jessa.
Hyperflation. Ang presyo ay patuloy na tumataas
bawat oras, araw at linggo sa isang bansa.
Naganap ito sa Germany noong dekada 1920.
Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo
• Karaniwang Ginagamit Sa Pagsukat Ng
Implasyon Ang Consumer Price Index (CPI)
Basahin ang sumunod na islayd, Micha. Mula Sa Market Basket, Ang Price Index Ay
Nabubuo Na Siyang Kumakatawan Sa Kabuuan At
Average Na Pagbabago Ng Mga Presyo Sa Lahat Ng
Bilihin. Ang Price Index Ay Depende Sa Uri Ng
Bilihin Na Gusting Suriin.

Iba’t Ibang Uri Ng Price Index • GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
• Wholesale or Producer Price Index (PPI)
• Consumer Price Index (CPI)

GNP Implicit Price o GNP Deflator ito ang


sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga
tao at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng
isang bansa.
Wholesale or Producer Price Index (PPI)
Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng
final goods,intermediate goods at crude materials sa
bilihang whole sale at retail.
Consumer Price Index (CPI) Ito ang mas kilalang
panukat ng implasyon . Ito ay pagsukat ng average na
pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing
pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili .
Narito ang mga pormula sa CPI,

May mga dahilan ng implasyon. Basahin moa ng


islayd, Jerwin. Demand-pull. Nagaganap Ito Kapag Nagkaroon Ng
Paglaki Sa Paggasta Ang Sambahayan, Bahay-
kalakal, Pamahalaan At Panlabas Na Sektor.

Cost-push. Ang Pagtaas Ng Mga Gastusing


Pamproduksiyon Ang Siyang Sanhi Ng Pagtaas Sa
Presyo Ng Mga Bilihin.
Mga Dahilan at Bunga ng Implasyon

Basahin ang mga Epekto ng Implasyon sa mga


Mamamayan, Gilbert.
EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA
MAMAMAYAN
Mga nakikinabang sa implasyon
• Mga umuutang
• Mga Negosyante/may-ari ng kompanya
• Mga speculator at mga negosyanteng may
malakas ang loob na mamuhunan
Mga Taong Nalulugi
• Mga taong may tiyak na kita
• Ang mga taong nagpapautang
• Mga taong nag-iimpok
E. Pagpapalalim
1. Ano ang Implasyon? Ivan?
Ma’am ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas
ng presyo at mga bilihin.
Tama! 1 puntos sa grupo mo.
2. Ibigay ang iba’t ibang uri ng Price Index. Sammy.
Ma’am, GNP Implicit Price Index o GNP Deflator,
Wholesale or Producer Price Index (PPI) at
Consumer Price Index (CPI)
Magaling! Magkompyut naman tayo! Kompyutin ang
mga sumusunod:

F. Pangwakas na pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod:
IV. TAKDANG ARALIN

1. Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon?


2. Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan?
3. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong imungkahi bilang iyong ambag sa pagharap at
pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya?
4. Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita?
5. Ano ang iyong reaksiyon matapos mong basahin ang balita?
6. Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamilya ay naapektuhan ng isyung tinalakay? patunayan.

Sanggunian:
1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 282-284

Inihanda ni:
ALMARIE S. MALLABO
Praktis Titser

Sinuri ni:

Gng. SOTERA P. MOLINA


Koopereyting Titser

Disyembre 10, 2015

You might also like