You are on page 1of 4

PAKITANG GURO SA BAITANG X

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO X

I. MGA LAYUNIN
A. Natutukoy at nagagamit sa pangungusap ang aspekto ng
mga pandiwa.
B. Naisasagawa ng buong husay at sigla ang bawat halimbawa
ng pandiwa sa klase.
C. Napahahalagahan ang paggamit ng pandiwa para sa
maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

II. PAKSANG ARALIN


A. Pandiwa
B. Mga kagamitan
Kagamitang biswal, mga larawan, headdress, power
point, laptop, ispiker

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
 Pagpaparinig ng isang awiting pambata na
pinamagatang “Ang mga ibon na lumilipad”

 Mga gabay na tanong:


 Ano-ano ang mga kilos na ating ginawa habang
tayo ay kumakanta?
 Sa inyong palagay, anong bahagi ng pananalita
ang mga salitang nagsasaad ng kilos o gawa?
 Sino- sino ang makapagbibigay ulit ng kahulugan ng
pandiwa?
 Magbigay ng iba’t ibang halimbawa ng pandiwa.
B. Panimulang Gawain
“Dinggin Galaw”
Mga Hakbang:
 Pangkatin ang klase sa apat na grupo.
 Ibigay ang panuto ng gawain.
 Sa unahan ang may magkukunwaring reyna na
hindi nakapagsasalita.
 Ang apat na grupo ay ang magsisilbing tagahula.
 Ngunit hindi maaring sabay-sabay na sasagot
ang apat na grupo bagkus unahan ito sa pagtaas ng kamay
at tsaka sabay-sabay babanggitin ang kilos na hinulaan.
 Ang grupo na may pinakamaraming nahulaang
kilos ang siyang makakukuha ng puntos.

C. Pagtalakay sa Aralin:

Panuto: Tutukuyin ang mga salitang kilos batay sa


larawang ipakikita at pagkatapos ay gamitin ito sa
pangungusap gamit ang mga aspekto ng pandiwa.
Halimbawa:

Pangungusap:
Ako ay nagbabasa ng libro.
Ako ay nagbasa ng libro.
Ako ay magbabasa ng libro.
IV. Pagtataya

 Tukuyin ang aspekto ng pandiwa ng mga pandiwang


nakasalungguhit sa pangungusap.
 Nagluto si Mang Jose ng adobong manok.
 Nagwawalis si Rosa sa kanilang bakuran.
 Si Aling Maria ay naglalaba sa may tabing ilog.
 Maglalaro kami ng basketbol sa susunod na Biyernes.
 Kami ay sasayaw mamayang gabi.
Ako ay gumuhit ng iba’t ibang larawan.
 Tumalon sa dagat ang mga pirata.
 Ang mga isda ay lumalangoy sa ilog.
 Natutulog ang mga sanggol.
 Ang mga bata ay iinom ng tubig.

V. Pagpapahalaga

 Mga gabay na tanong:


 Sa iyong palagay, mahalaga ba ang gamit ng pandiwa
sa pang araw-araw na komunikasyon at pakikipag-ugnayan
sa kapwa? Bakit?
VI. Takdang Aralin

Panuto: Bumuo ng limang pangungusap na


gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nito. Gawing tema
ang iyong karanasan sa paaralan at tahanan.

3 2 1

 Wasto at  Wasto at  Di malinaw ang


malinaw ang malinaw ang paglalarawan;
paglalarawan; paglalarawan; di wasto/di wasto
angkop ang mga wasto ang nag paggamit ng
bantas at paggamit ng bantas at
malaking titik sa bantas at malaking titik sa
pangungusap. malaking titik sa pangungusap.
pangungusap.

Inihanda ni:
Abigail Loise V. Tan

You might also like