You are on page 1of 22

Banal na Kasulatan

Ang Bibliya o Banal na Kasulatan ay koleksyon ng ibat-ibang mga librong nasusulat


noong unang panahon. Nagsimula ito sa salitang BIBLIYA na ang ibig sabihin ay libro. Ito ay
nahati sa tatlong bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan at Apocrypha. Ang salitang
Tipan ay nagsimula sa salitang Latin na Testamentum, na nangangahulugang kalooban at
kasunduan.

Lumang Tipan

Sa mga Hebreo ang Lumang Tiopan ay nahati sa tatlong bahagi: Ang Batas,Mga Propeta
at Kasulatan. Ang mga naunang libro ng Lumang Tipan ay tinatawag na Penteuch. Ang mga
librong ito ay nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga kautusan, paglikha sa buong
sanlibutan at buhay ni Abraham. Si Abraham kasama ang kanyang pamilya ay naglakbay
patungo sa Canaan. Doon ginawa siyang alipin at nakatakas sa pangunguna ni Moises-EXODUS.
Sila ay napadpad sa Sinai Peninsula sa gitna ng Mediterranian Sea at Red Sea. Ang mga kwento
sa librong ito ay nagpapahiwatig ng mga kabanalan tulad ng paglikha sa sanlibutan, pagbaha, ang
templo ng Babel, ang Exodus, ang pagbibigay ng mga batas at kautusan at ang pagbagsak ng
mga tao. Ito rin ang nagtataglay ng mga dakilang tula, ang kanta ni Lameh, ang pagbabasbas sa
mga Patriarko, ang awit ni Moses at ang bendisyon ni Moises. Nagtataglay din ito ng mga piling
tao tulad ni Noah, Abraham, Lot at Jacob. Ipinaliliwanag din dito ang tungkol sa mga lupain at
ang Gawain noong una, ang usok at apoy sa bundok Sinai, ang nangyari sa Canaan, ang arko at
iba pa. Ang pagiging matapat ng tao ng tao ang nagdala sa kanila sa Lupang Pangako.

Bagong Tipan

Ito ang nagsasaad ng bagong relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay nasusulat sa panahon noong
nagibabaw ang Imperyong Romano hanggang sa huling panunungkulan ni Haring Herod (37
B.C.) ang mga tagasunod ni Kristo ay tinatawag na Apostoles . Si Jesus ay isang Hudyo na na
naninirahan sa Galilea sa hilagang bahagi ng Pales tin. Ang Ilog ng Galilea ang tinutukoy na ilog
kung saan napatigil ni Jesus ang isang bagyo. Napaloob din dito ang Sampung Utos ng Diyos na
ibinigay kay Moises sa bundok ng Sinai. Para naman sa mga Kristiyano ang bibliya ay buhay na
salita ng Diyos . Ang Lumang Tipan ay may 45 o 46 na libro samntalang ang Bagong Tipan ay
mayroon lamang 27 libro.

Sa Bagong Tipan ay may apat na ebanghelista sina: Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Ang
ebanghelyo kay san Marcos ang naunang isulat. Ito ay isinulat sa Roma. Ang sumunod naming
naisulat ay kay San Mateo na isinulat sa Antioch noong 90 B.C. ang ebanghelyo naman ayon
kay San Lucas ay naisulat sa Gresya noong 80 B.C. para sa kabutihan ng pinakamataas na sa
Theophilus na maaaring mataas na opisyal sa Roma. Ang ebanghelyo ni San Juan ang
nagsasaad ng muling pagkabuhay ni Kristo ang sumunod na grupo ay tinatawag na mga propeta,
dahil ito ay nagtataglay ng mga libro ng mga Hudyo sa pakikipag-ugnayan nila sa Diyos. Sina
Jerimiah ay isinilang noong panahon ng pagkasira ng Jerusalem. Si Isaiah ang nakasaksi sa
naging pag-aaway nina Judah at Assyriah. Si Ezekiel ang tinaguriang tagapagplano ng relihiyong
Judaismo dahil sa siya ang nagbigay ng plano sa mga Istraelitas. Ang pangunahing dibisyon ng
Lumang Tipan ay ang Miscellaneous. Dito matatagpuan ang mga salmo, koleksyon at ang mga
himno, Ang mga tulang gawa ni David, Proveros nanagbibigay ng mga magagandang payo sa
pang-araw-araw na buhay . Job kung saan matatagpuan ang kahulugan ng paghihirapng mga
tao, Song of Selemon, Ruth –tunay na pagmamahal, Lamentataions- kabiguan ng tao,
Ecclesiastes-libro ng kaalaman, Esther nagsasaad ng kasaganaan, Daniel- librong naglalaman ng
mga kwentong mga bayani, Chronicles1 and 2, Esrah at Nehomah na nagssalaysay ng
kasaysayan ng Israel.

Apocrypha

Nasulat sa pagitan ng 300 at 100 B.C. Sa mga Perotestante at Hudyo ito ay inirerespeto
ngunit hindi masyadong pinahahalagahan. Ito ay nagsimula sa unang libro ni Esdras at ang
pinakamahalagang bagay na nasulat dito ay ang tungkol sa 3 Guardsmen, na nagpapaliwanag na
ang katotohanan ang pinakamatibay na pananggalang sa mundo.
Aklat ng Mga Araw
Ang klasiko ng Confucianismo ay ang apat na libro ng limang klasika. Ang apat na libro
ay ang: Analects, Mencius, Dakilang karunungan, at Doktrina ng mga Aba. Ang limang klasika
ay ang:Libro ng Tula, Libro ng Kasaysayan, Libro ng Pagbabago, Taunang Tagsibol at pagtuturo
habang ang apat na libro ay tala ng mga opinion at teorya ni Confucious. Ang Doktrina ni Aba ay
kalimitang inilalarawan ang pilosopiya at kaisipan ng Confucianismo. Ito ay pinakamagandang
mapagkukunan ng impormasyon kung gustong matutunan ang tungkol sa pilosopiya ng
Confucianismo. Ang Dakilang Karunungan ang una sa apat na libro at ito rin ang unang librong
pinag-aralan ang mga batas sa paaralan. Sinasabi rin na ang Doktrina ng Aba at Dakilang
Karunungan ay kapakipakinabangan sa mga bata kung sasauluhin habang sila ay bata pa. Ang
Dakilang Karunungan ay tumatalakay sa relasyon ng indibidwal at kaayusan ng mundo na ang
ibig sabihin ay relasyon sa pagitan ng ethics at pulitika. Ang Mencius ay mayroong pitong
kabanata na may pangalan ngunit ito ay mas mabuti sa Analects. Iniisip ng mga tao ang
Dynastiyang Han na si Mencius mismo ang sumulat ng libro. Pagkatapos naman ng pananaliksik
ng mga iskolar ngayon ay lumalabas na ang estudyante ni Mencius ang sumulat ng libro at
inayos lamang ito ni Mencius.Ang libro ni Mencius ay nagpapaliwanag ng pilosopiya ni
Confucius. Ang Analects ay isang libro ng mga sipi ni Confusius habang kinakausap niya ang
kanyang mga estudyante o mga tao. Ito ay isinulat ng kanyang mga estudyante at 20 kabanata
dito ang may pangalan. Hindi gaanong kaayos ang Analects sapagkat ito ay isang simpleng
koleksiyon ng mga sipi mula kay Confucius kung saan hindi binanggit kung kailan, saan, bakit,
sino at ano ang nangyari pagkatapos. Kung kaya mahirap intindihin ang ibig sabihin nito. Hindi
magandang libro ang Analects para pagsimulaan ng pag-aaral tungkol kay Confucious.Ang
librong ito ay nangangailangan ng mahabang oras upang maintindihan ang bawat salita at
pangungusap.

Ang Libro ng Tula ay naglalaman ng mahigit sa 300 tula kasama ang pinakamatandang tula ng
Tsina. Pinasauli ni Confucious mula sa kanyang mga estudyante ang libro dahil gagamitin nya itong
material sa kanyang pagtuturo sapagkat naisip niya na kung hindi natin alam ang “poetry” ay hindi tayo
marunong magsalita. Naniniwala si Confucious na ang “poetry” ay makatutulong para maintindihan ang
katotohanan, palaganapin ang pagkakaisa sa bawat tao at palaganapin ang mas mabuting pag-intindi sa
kalikasan. Ang Libro ng ritwal ay tumatalakay sa maatos na porma ng seremonya. Ito ay mayroong 3
bahagi: 1. Ang Ritwal ng Zhou- tumutukoy sa gobyerno ng daynastiyang Zhou: 2. Ceremonya- naglalaman
ng mga batas sa pangyayari sa buhay ng mga matataas; 3. Libro ng Ritwal- ito ang pinakamahabang
bahagi ng libro na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga alituntunin at mg autos kung paano
pamunuanang mga kawal. Ang Libro ng Kasaysayan ay naglalaman ng kasaysayan ng tsina mula sa
pinakaunang panahon ng emperador na nagdala ng mga kagamitan ng sibilisasyon sa mga Tsino sa
pamamagitan ng dinastiyang Xia, Shang at Zhou. Tinuturing ng mga Tsino na ang kasaysayan ang
pinakaimportante dahil sa pagaaral sa nakaraan. Ang Taunang Tagsibol at Taglagas ay isang pahayagan ng
mga pangyayari na naganap sa bayan ni Confucious. Ang Libro ng Pagbabago ay libro ng paghihiwalay na
nagsasabi ng mangyayari sa hinaharap at intindihin ang pamumuhay ng tao at natural na pangyayari.
Iliad(Iliada)

"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad ng makatang
si Homer para sa kaniyang Iliada. May nakatanim na galit kay Agamemnon ang pangunahing
bayaning si Achilles, sapagkat inagaw ni Agamemnon ang gantimpalang napanalunan ni
Achilles, ang babaeng si Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito nakipaglaban kay
Agamemnon, sa halip sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa kasawian sa loob ng
kaniyang talabing okubol. Sinasabing naging mas naging mainam ang pagkatao ni Achilles dahil
sa kaniyang paghihirap na ito.[1]

Nang nararamdaman ni Agamamenon na nagwawagi ang mga Troyano, inalayan niya ng mga
handog si Achilles at nagmakaawa upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban sa mga Troyano.
Tumanggi si Achilles. Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan lamang si Achilles na
nagmumukmok sa kaniyang kubol. Nang lumaon, pinahuntulot nitong makipaglaban ang
kaniyang matalik na kaibigan si Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles ang sariling baluti.
Napatay si Patroclus ng prinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit, at ikinalungkot din, ni
Achilles ang pagkakapaslang kay Patroclus, kaya't napapayag din siyang makipaglaban sa mga
Trohano. Nagtagumpay si Hector at napatay din niya si Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng
Troy na si Haring Priam si Achilles para magmakaawang ibigay ni Achilles ang katawan ni
Hector. Pumayag si Achilles sapagkat, sa pamamagitan ni Priam, naalala ni Achilles ang sarili
niyang ama. Nagwawakas ang Iliada sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng
labanan sa pagitan ng mga Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na libing
ang Trohanong si Hector.
Odisea
May tatlong salaysaying patulang nakapaloob sa Odisea: ang kay Odiseo, ang kay Telemaco
(anak na lalaki ni Odiseo), at ang kay Penelope (ang asawa ni Odiseo): Ang unang nakahabing
salaysay ay hinggil sa pakikipagsapalaran ni Odiseo habang pabalik sa kaniyang kaharian sa
Ithaca, pagkalipas ng Digmaang Trojan, kabilang ang kaniyang mga naging suliranin nang
nakabalik na siya sa Ithaca. Samantala, umiinog rin ang akda sa anak ni Odiseong si Telemaco
(ikalawang salaysay); hinahanap ni Telemaco ang matagal nang nawawalang amang si Odiseo.
Naglalahad din ang epika ng nauukol kay Penelope (ang ikatlong salaysay), ang asawa at reyna
ni Odiseo, na matagal nang naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang asawang si Odiseo. Sa
kabuoan, dalawampung taon ang naging kahabaan ng paghihintay ni Penelope hanggang sa
makabalik na nga si Odiseo. Ganito ang bilang dahil sampung taong nasa digmaan si Odiseo na
nadagdagan pa ng sampung taon sa karagatan habang naglalakbay pabalik sa Ithaca.
Magkakahabi ang tatlong salaysaying ito ng buhay sa epikang Odisea.
Salaysay ukol kay Telemaco
Isang buwan pa lamang si Telemaco nang maglayag patungong Troy ang ama niyang si
Odiseo. Nagsisimula ang Odisea noong mga dalawampung taon na ang edad ni Telemaco, at
nakatira sa tahanan ng kaniyang ama, sa piling ng kaniyang inang si Penelope. Naroroon din ang
pangkat ng malaking bilang ng mga mayayabang na mga kalalakihang nanliligaw kay Penelope.
108 ang bilang ng mga manunuyong ito, na naniniwalang patay na si Odiseo, kaya't maaari nang
mapakasalan si Penelope kung mapapaibig ng isa man sa kanila.

Nagkatawang tao si Athena (o Atena), sa anyo ng isang datu o pinunong Taphianong si Mentes,
para hikayatin si Telemaco na hanapin si Odiseo. Nilisan nga ni Telemaco ang Ithaca upang
maghanap ng balita hinggil sa kaniyang amang si Odiseo. Pinangangalagaan siya ng diyosang si
Atenas, na siyang tagapananggalang din ni Odiseo. Dinalaw ni Telemaco ang isang matandang
nagngangalang Nestor, pati sina Menelaus at Helen, na mga nakabalik nang matiwasay mula sa
pakikipaglaban sa Troy. Wala siyang natanggap na balita ukol sa ama. Pinagbilinan siya ni
Atenang magbalik sa Ithaca.
Salaysay ukol kay Odiseo
Samantala, nasa isang pulo si Odiseo, sa isang pulong pag-aari ni diyosang si Calypso. Nanahan
si Odiseo sa pulong iyon ng may pito nang mga taon. Inalok ni Calypso na gagawin niyang isang
nilalang na walang-kamatayan o imortal si Odiseo, subalit mas ibig ni Odiseong magbalik sa
Ithaca. Sinugo ng diyos na si Zeus si Hermes upang pag-utusan palayain ni Calypso si Odiseo.
Gumawa ng isang bangka si Odiseo, sapagkat matagal nang nawasak ang kaniyang mga barko,
malaon na ring namatay ang kaniyang mga kasamahan. Narating ni Odiseo ang ang lupain ng
mga Phaeacian. Natagpuan siya ng prinsesang si Nausicaa. Sa palasyo ng amang hari ni
Nausicaa, nilahad ni Odiseo ang kaniyang naging mga pakikipagsapalaran. Naririto ang ilan sa
mga ito:
Sa lupain ng mga Kumakain-ng-Lotus
Narating nina Odiseo at ng mga kasamahan niyang manlalakbay ang lupain ng mga tinatawag na
Kumakain-ng-Lotus. Nang matikman ng mga kasama ni Odiseo ang halamang lotus,
nakalimutan nila ang kanilang mga nakaraan, kaya't ayaw na nilang lisanin ang pook, para
kumakain pa ng mas maraming mga lotus. Hinila ni Odiseo ang kaniyang mga tauhan paalis sa
lugar na iyon.
Sa lupain ng mga may-isang mata

Si Odiseo habang nilalasing si Polifemo.

Nabihag ng isang nilalang na may iisang matang si Polifemo (o Polyphemus),


isang cyclope (ocyclop), salitang nangangahulgang "may bilog na mata." Naninirahan si
Polifemo sa isang yungib, at kinakain ang mga tauhan ni Odiseo, dalawang tao bawat isang araw.
Nilinlang nina Odiseo si Polifemo. Nilasing ni Odiseo si Polifemo at pinaso nila ang mata nito
kaya't nabulag. Nang dating tanungin ni Polifemo kung ano ang pangalan ni Odiseo, sinabi ni
Odiseong "Walang-Sinuman" ang tawag sa kaniya. Kaya't nang humingi ng saklolo si Polifemo
sa iba pang mga cyclope, walang tumulong sa kaniya, sapagkat ang pangungusap na "Sinasaktan
ako ni Walang-Sinuman," ang sinasambit niya sa paghingi ng mga nagtataka lamang na mga
kauring nilalang. Nakaalis sina Odiseo sa pamamagitan ng isa pang panlalansi kay Polifemo.
May mga alagang tupa si Polifemo. Pinagtali-tali nina Odiseo ang bawat tatlong tupa, nakatali sa
ilalim ng panggitnang tupa ang isang kasama ni Odiseo, na hindi masasalat ng bulag na si
Polifemo kapag hihimasin ang dumaraang mga tupa. Bagaman iisang tupa na lamang ang natira
para kay Odiseo, isang lalaking tupa at siyang paborito ni Polifemo. Hindi rin napuna ni
Polifemo si Odiseong nasa ilalim ng paboritong tupa ni Polifemo. Bagaman nakatakas sina
Odiseo mula sa mga kamay ni Polifemo, naparusahan din pagdaka si Odiseo, sapagkat anak si
Polifemo ng diyos na si Poseidon.
Tulong ng diyos ng mga hangin
Nakatagpo nina Odiseo si Aeolus, ang diyos ng mga hangin. Binigyan si Odiseo ni Aeolus ng
isang buslong naglalaman ng mga hanging magagamit sana sa paglalayag, ngunit nagduda ang
mga tauhan ni Odiseo hinggil sa laman ng buslo. Inisip nilang kayamanan ng laman ng buso at
nililinlang lamang sila. Kaya't binuksan nila ang buslo. Nakawala ang mga hangin. Naantala
lamang muli ang kanilang paglalakbay. Tumanggi si Aeolus na tulungan silang muli.
Ang mga Laestrigoniano at si Circe
Winasak ng mga Laestrigoniano (mga Laestrygonian, mga kumakain ng laman ng tao) ang lahat
ng sasakyang-pandagat nina Odiseo. Pinaslang din ng mga ito ang mga tauhan ni Odiseong lulan
ng mga barkong nasira. Hindi nila pinatay si Odiseo. Dumulog si Odiseo kay Circe, isang
babaeng mangkukulam na ginawang mga baboy ang mga tauhan ni Odiseo. Binigyan ng
diyosang si Hermes si Odiseo ng isang halamang molyo (o moly), isang yerbang nakatulong kay
Odiseo para labanan ang salamangka ng mangkukulam. Napapayag ni Odiseong palayin ni Circe
ang kaniyang mga tauhan, subalit kinailangan niyang pumiling kay Circe nang may isang taon.
Sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa
Tumungo si Odiseo sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa upang humingi ng tulong kay Tiresias,
isang multong may kakayahang maglakbay-diwa, kung paano ang pagbalik sa Ithaca.
Nakahalubilo rin ni Odiseo ang iba pang mga kaluluwa ng mga naging bantog na mga tao, pati
ang kaniyang inang namatay sa kalungkutan noong wala si Odiseo sa Ithaca, habang naghihintay
sa pagbabalik ng bayaning hari.
Mga sirena at sina Scylla at Charybdis
Si Odiseo at ang mga sirena.

Nakatagpo rin nina Odiseo ang mga sirena, mga kabighabighaning babaeng may
nakakabatubalaning awitin. Handang makipagpatayan ang mga tauhan ni Odiseo para lamang
makalapit sa mga sirena, kaya't pinahiran ni Odiseo ng pagkit ang mga tainga ng kaniyang mga
kasamahan. Samantala, nagpatali naman si Odiseo sa isang haligi, kaya't kahit na marinig niya
ang awit ng mga sirena, hindi siya lulundag sa tubig para marating ang mga babaeng iyon.
Nakasagupa rin nina Odiseo ang halimaw-dagat na si Scylla, na kahawig ng isang pugita. Nahuli
ni Scylla ang anim sa mga tauhan ni Odiseo. Kinailangan ding matakasan nina Odiseo ang
isang uli-uli, isang ipu-ipong-tubig o tubig na umaalimpuyo, na may pangalang Charybdis;
nakaraan naman sila't nakalagpas sa buhawing-tubig na ito.
Sa Pulo ng Araw at ang mga Phaeaciano
Narating nina Odiseo ang Pulo ng Araw. Nang lisanin niya ang pook na iyon, may isang unos
sumira sa kaniyang nag-iisa nang barko, at namatay ang mga natitira niyang mga tauhan. Isang
kaparusahan kay Odiseo at sa kaniyang mga kasama, sapagkat pumaslang sila ng ilang mga
banal na baka. Naging mainam naman ang pagtanggap kay Odiseo ng mga mamamayan ng
Phaeacia nang marating niya ang lupain ng mga ito. Tinulungan si Odiseo ng mga Phaeaciano
para makabalik na sa Ithaca, sa pamamagitan ng pagpapagamit ng isa sa kanilang mga barko. Sa
lumaon, naging bato ang barko, bilang isang paghihiganti ni Poseidon kay Odiseo. Nakaligtas
naman si Odiseo.

Pagbabalik ni Odiseo sa Ithaca


Sa pagdaong ni Odiseo sa Ithaca, tinulunga siya ng diyosang Atena upang makapagpanggap
bilang isang pulubi. Narating ni Odiseo angdampa ng nag-aalaga ng baboy na si Eumaeus, ang
isa sa mga nalalabing kakampi ni Odiseo. Dito rin sa pamamahay ng magbababoy nakasalamuha
ni Odiseo ang anak na lalaking si Telemaco. Magkatulong nilang pinaghandaan ang pagpaslang
sa mga manliligaw ni Penelope. Sa paglitaw ni Odiseo sa kaniyang sariling tahanan, tanging ang
kaniyang asong si Argus at ang isang taong nagngangalangEurycleia ang nakamukha kay
Odiseo. Sa katuwaan sa pagkakakilala kay Odiseo, bumagsak nang walang buhay ang asong si
Argus, dahil ito sa labis na katuwaan nang makita ang among si Odiseo. Nakilala naman ni
Eurycleia si Odiseo nang hugasan nito ang kaniyang paa, nagpapanggap pa noon si Odiseo
bilang isang pulubi. Natiyak ni Eurycleia, dating tagapag-alaga ng sanggol pang si Odiseo, ang
katauhan ni Odiseo sa pamamagitan ng balat sa paa nang binubuhasan nito ng tubig ang paa ni
Odiseong nagkukuwaring pulubi.

Salaysay ukol kay Penelope

Ang pakikipagsagupaan ni Odiseo sa mga manliligaw ni Penelope.

Ipinahayag ni Penelope na pakakasalan niya ang sinuman sa kaniyang manliligaw na


makagagamit ng sandatang pana ni Odiseo, ngunit walang nagtagumpay sa mga ito. Habang
nagpapanggap pa rin bilang isang pulubi, sinabi ni Odiseong ibig niyang sumubok na gamitin
ang naturang pana. Pagkaraang magtagumpay, pinagpapaslang ni Odiseo sa pamamagitan ng
pana at mga palaso ang mga manliligaw ni Penelope. Tinulungan siya ng anak na si Telemaco, at
ng isa pang may malasakit na tauhan, sa pakikipaglabang ito. Ibinunyag ni Odiseo kay Penelope
kung sino siyang talaga, subalit hindi ito maniwala. Napatunayan ni Odiseong siya ang
nawawala nitong asawa, sa pamamagitan ng pagpapaalala at paglalarawan ng ginawa ni Odiseo
sa kanilang higaang mag-asawa, isang kamang may isang haliging nagmula sa isang tumutubong
puno. Isa itong lihim na tanging sin Odiseo at Penelope lamang ang nakakaalamNoong wala pa
si Odiseo, nakapangako na rin si Penelope sa mga dating nabubuhay pang mga manliligaw niya
na makikipag-isang dibdib siya sa isa sa mga ito kapag natapos na ni Penelope ang kaniyang
gawain sa pananahi. Subalit palagian niyang nalilinlang ang kaniyang mga manliligaw sa
pamamagitan ng pagtatastas na muli ng mga natatapos niyang tahiin tuwing gabi. Pagsapit muli
ng umaga, maipapakita niyang hindi pa tapos ang kaniyang mga tinatahi, kaya't hindi pa siya
makakapili ng mapapakasalan mula sa mga makukulit na mga manliligaw.

Pagwawakas at pahimakas
Kapagdaka, noong sumapit ang kinabukasan, nagsidating ang mga mag-anak ng mga
manunuyong napaslang ni Odiseo upang makapaghiganti, sapagkat dalawang salinlahi ng mga
kalalakihan ng Ithaca ang nawalan ng buhay dahil kay Odiseo. Subalit napigil sila ng diyosang si
Atena. Pagkaraan nito, sa utos ng diyos na si Zeus,muling nagkaroon ng kapayapaan sa Ithaca.
Dito nagtatapos ang Odisea.
Awit ni Rolando

Ang hukbo ni Charlemagne ay nakikipaglaban sa mga Muslim sa Espanya. Ang huling


siyudad na hindi pa natatalo ay ang Saragossa na pinamumunuan ni Marsilla. Dahil sa takot ni
Marsilla sa pagsalakay ng hukbo,nagpadala siya ng mensahe kay Charlemagne na bibigyan sila
ng kayamanan at magpapabinyag ito bilang Kristyano kung babalik ang mga Franks sa Pransya.
Si Charlemagne,kasama ng kanyang mga tauhan, ay napapagod na rin sa pakikidigma kaya’t
pumayag na din ang mga ito. Kinakailangan na nilang magpadala ng mensahero kay Marsilla.
Ang matapang na mandirigmang si Roland ay iminungkahi ang kanyang tiyuhin na si Ganelon.Si
Ganelon ay galit na galit.Takot siyang mamatay sa mga kamay ng mga uhaw sa dugong pagano
at sinususpetsa nito na ito ay sadyang layunin ni Rolando.Matagal na niyang kinapopootan at
kinaiinggitan ang kanyang lalaking anak na panguman. Pagsakay pabalik sa Saragossa,kasama
ang mga sugong Sarasen, siya ay nakahanap ng isang pagkakataon para sa paghihiganti. . Siya ay
nagmungkahi sa mga Saracens kung paano nila maaaring salakayin ang huling hukbo ni
Charlemagne na kung saan ay tiyak na si Rolando ang mamumuno sa pagbabalik ng mga Franks
sa Espanya sa pamamagitan ng bundok.
Gaya ng prediksyon ni Rolando,nagtraydor nga si Ganelon kaya’t nagpresinta itong
pamunuan ang hukbo. Napili niya sina Olivier at Turpin upang sumama sa kanya.Sinalakay sila
ng mga pagano sa Roncevals. Ang mga Kristyano ay nagulat sa dami nila.Inutusan ni Olivier si
Rolando na hipan ang sungay ng elepante upang makahingi ng tulong.Ngunit hindi ito sumunod
at sinabing hindi nila kailangan ng tulong..Ngunit unti-unting natalo sina Rolando at sila ay
nangamatay.
Nang dumating si Charlemagne at ang kanyang hukbo sa labanan,tanging mga bangkay
na lamang ang kanilang nadatnan.Dumating si Balignant,pinuno ng Babylonia, sa Espanya upang
tulungan si Marsilla. Kasama niya ang maraming Muslim at sinalakay nila ang hukbo ni
Charlemagne.Nang mapatay ni Charlemagne si Balignant,nagsitakas ang kanyang mga tauhan.
At ngayon,ang Saragossa ay wala ng tagapagtanggol at ito ay sa mga Franks na.
Nadiskubre ng mga Franks ang ginawang pagtatraydor ni Ganelon hanggang dumating
ang araw ng paglilitis.Sinabi niya na hindi siya naging matapat sa kanyang bansa kung iyon ay
paghihiganti. Sa huli,naparusahan siya ng kamatayan.
Koran

Ang Koran ay ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Naniniwala ang mga Muslim na
ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan,at isinaalang-alang ang orihinalna
tekstong Arabic,na salita ni Allah,diyos ng mga Muslim na ipinakita kay Muhammad sa panahon
ng dalawampu’t tatlong taon at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa sangkatauhan.
Sinasabing si Muhammad ang nagbunyag ng Koran sa pamamagitan ni Jibril. Ang
Koran ay isinulat ng mga kasamahan ni Muhammad noong siya ay nabubuhay.Noong 633
A.D.,pinagsama-sama ang mga ito at noong 653 A.D. ay ikinalat na ito sa Emperyong Islam at
nagkaroon pa ng marami nito.Ang kasalukuyang Koran ngayon ay ang rebelasyon ng Diyos kay
Muhammad ng mga iskolar.
Ang Koran ay naglalaman ng isandaan at labing apat na artikulo na iba-iba ang haba.
Ang bawat isang kabanata ay tinatawag na sura.Ito ay hinahati pa sa dalawang kategorya na
Meccan at Medinan,depende kung anong mga berso ang maipakita. Ang pamagat ng mga
kabanata ay hinango sa mga pangalang tinukoy sa teksto o sa unang letra o salita ng
sura.Naniniwala ang mga Muslim na si Muhammad ang nagbigay ng pamagat sa bawat
kabanata.Ang mahahabang kabanata ang nauuna samantalang ang maiikli ang nasa huli.Ang
pagkakaayos ng mga ito ay walang kinalaman sa pagkakasunod-sunod ng mga rebelasyon.
Ang mga sura ay naglalaman ng mga ayat na ang ibig sabihin ay senyales na ipinadala
ng Diyos.Iba’t-iba ang dami ng ayat ang makikita sa bawat sura.Ang isang ayat ay maaaring
konting letra lamang o kaya linya.Iba ang ayat o berso sa mga matataas na uri ng tula ng mga
Arabo sa nilalaman at sa mga pagkakatugma.
Meron ding paghahati sa tatlumpung parte na tinatawag na ajza. Ang bawat isa any
naglalaman ng dalawang yunit na tinatawag na ahzab na nahahati pa rin sa apat na bahagi(rub’al-
ahzab).Nahahati rin ito sa pitong istasyon(manazil).
Ang Koran ay walng simula,gitna at katapusan.Ang instraktura nito ay hindi pantay-
pantay.Ang mga nakasulat ditto ay hindi tapos,walang pinakatema at pag-uulit.Labing apat na
letrang Arabic ang bumubuo sa labing apat na magkakaibang grupo ng Qur’anic Initials” at
panlaping dalawampu’t siyam na surah sa Koran. Ang ibig sabihin ng mga ito ay hindi alam ng
mga Muslim. Noong 1974,Si Rashad Khalifa ay nagsasabing nakadiskubre siya ng koda ng
matematika base sa numerong 19,na hindi naman napapaloob sa sura ng Koran.
Ang mga Muslim ay naniniwalang ang Koran ay gabay nila sa pamumuhay at
kinokonsidera nila ang mga nakasulat ditto ay siyang sinabi ng Diyos sa kanila.Ang konsepto ng
mga Kristyano sa rebelasyon ay ito’y nangangahulugan na ang Diyos ay naging tao at namuhay
sa mundo pero ito ay kakaiba sa Islam.Sa Islam,ang kanilang konsepto ay ang Diyos ay
tumatawag ng indibidwal na siyang maglalahad ng kanyang mga mensahe.Ang tawag sa
prosesong ito ay tanzil o nuzul.
Uncle Tom's Cabin

Ang Uncle Tom's Cabin ay nagsimula sa usapan sa pagitan nina G.Shelby at G. Haley na
nagbebenta ng alipin.Tinatalakay nila kung ilang alipin pa ang kailangan ni G. Shelby para
mapawi ang kanyang utang.Napagdesisyunan niya na ibenta si Tom,ang kanyang matapat na
alalay at si Harry, ang anak ng paboritong katulong ng kanyang asawa,si Eliza.

Narinig ni Eliza na ang kaniyang anak ay naipagbili napagdesisyunan ng kumuha sa kanya


dalhin siya sa Canada nang gabing iyon. Mas maaga sa araw na iyon, ang kanyang asawang si
George Harris ay ipinaalam sa ang kanyang plano na tatakas siya sa kanyang amo at magkikita
sila sa Canada.

Nang makatakas si Eliza,sinundan siya ni G.Haley at muntik na siyang mahuli.Nakatakas siya sa


Ohio sa pamamagitan ng pagtawid sa ilog sa tulong ng isang bloke ng yelo.Pinasundan siya ni
G.Haley sa mga tagahuli at bumalik siya para kay Tom.Hindi tumakas si Tom para sa kanyang
among si G.Shelby.
Umalis sina Tom at G.Haley patungong Timog.At sa kanilang paglalakbay,iniligtas ni Tom ang
isang batang babae mula sa pagkalunod.Nagpasiya ang ama ng bata na bilhin si Tom para
maging alalay ng kanyang anak.Maswerte si Tom dahil ang nakabili sa kanya ay ang ama ng
bata,Augustine St. Clare, ay itinatrato ng maasyos ang kanyang mga alagad.Ang batang babae na
si Eva ay mabait din sa kanyang mga alagad.Kabaligtaran naman ito ng kanyang ina na si Marie
St Clare na mga luho lamang niya ang iniisip.

Lumaki si Tom na kinagigiliwan ang batang si Eva.Pinaguusapan nila ang kanilang


pananampalatayang Kristyanismo.Nabago ni Eva ang buhay ng isang batang alipin na
nagngangalang Topsy. Naturuan din niyang bumasa ang isa pang alipin na si Mammy.

Nang malapit ng mamatay si Eva,ipinatawag niya ang lahat ng kanyang mga alipin upang
pangaralan ng mga salita ng Diyos.Binigyan niya ang mga ito ng hibla ng kanyang kulot na
buhok upang maalala nila si Eva. Namatay si Eva sa sakit na tuberculosis.

Samantala, Si Eliza at ang kanyang asawang si George ay nagtagpo sa isang kampo


Kweiker. Mula doon,matagumpay silang nakatakas papuntang Canada.

Sa bahay ng mga St Clare,si Augustine St Clare ay nalulungkot sa pagkamatay ng kanyang anak


na si Eva gayun din lahat ng kanyang mga alipin.Ipinangako ni St Clare ang kalayaan ni
Tom.Ngunit bago pa amn matapos ni St Clare ang mga papeles,siya ay napatay.Naipagbili si
Tom kasama pa ng iba pang mga alipin.
Nabili si Tom ni Simon Legree, isang masama at marahas na tao na pinagtatrabaho ang kanyang
mga alipin hanggang sila ay mamatay,pagkataposn ay bumibili ng bagong alipin.Sa kabila ng
ugali ni Legree,nanatiling matapat sa kanya si Tom.Pilit binabago ni Legree ang ugali niTom
upang gamitin siya bilang isang tagapamahala sa mga plantasyon, ngunit si Tom ay tumangging
baguhin ang kanyang ugali kahit gaano kahirap o kung gaano kadalas siya pinapahirapan.

Hinikayat ni Tom ang dalawang babaeng alipin na tumakas .Sa kanilang pagtakas,pinarusahan ni
Legree si Tom hanggang siya ay mamatay.Pagkalipas ng ilang araw,dumating ang anak ng dating
amo ni Tom.Pumunta doon si George Shelby upang tubusin ang kalayaan ni Tom.Ngunit huli na
siya.Inilibing na lamang niya si Tom.

Ang dalawang babaeng alipin na nakatakas sa bahay ni Legree,sina Cassy at Emmeline, ay


nakasakay sa parehong barko na sinasakyan ni George Shelby.Isinalaysay ni Cassy ang kanyang
kuwento sa kaniya,sa paniniwalang ang puso ni George ay malambot sa kalagayan ng tumakas
na alipin. Isa pang babae sa barko sa lalong madaling panahon ay nagsalaysay ng kanyang
kuwento kay George , at napagtanto na siya ay kapatid ni George Harris, nabili siya sa timog sa
pang-aalipin maraming mga taon na ang nakalipas .

Isinalaysay ni George Shelby na si George Harris at ang kanyang asawang si Eliza ay parehong
nakatakas sa Canada. Si Cassy pagkarinig ng kuwento,ay napagtanto na anak niya si Eliza.

Ang dalawang babae ay naglakbay patungo sa Canada na magkasama at napasamang muli sa


kanilang mga pamilya. Kahit na ang buhay ni Tom ay natapos sa trahedya, maraming alipin ang
nagtamo ng kaligayahan sa gitna ng mga alipin na mga nakaligtas at nakatakas sa mga pagsubok
at hirap ng pang-aalipin, alinman sa pamamagitan ng palayain o sa pamamagitan ng pagtakas sa
Canada.
Divina Comedia

Ang Divina Comedia na sinulat ni Dante Alighieri noong kalagitnaan ng 1308 at


1321,ito ang sinasabing pinakasentral na epiko ng panitikan ng Italya.Ito ay binubuo ng 14,233
linya.Ang mga linyang ito ay nahahati sa tatlong canticas-ang inferno,purgatorio at paraiso.Ang
bawat isa ay naglalaman ng 33 cantos.Ang unang canto ay nagsisilbing panimula ng tula na
dumagdag sa mga cantos kaya naging 100.
Ang tula ay nasa unang panauhan at nagsasaad ng paglalakbay ni Dante sa tatlong
estado na patutunguhan ng mga patay.Si Virgil ay ang taong kasama niya sa impyerno ay
purgatoryo at si Beatrice naman sa paraiso.Si Beatrice ay ang pinangarap na babae ni Dante.
Ang Divine Comedy ay isa sa mga pinakadakilang tula sa kasaysayan.Dito,napagsama-
sama ni Dante ang temang relihiyoso,politikal at pilosopikal.Sa Italy,ang komedya ay isang
simpleng kwento na tumatalakay sa malungkot na panimula at masayang katapusan.Ito ay may
mas mababang kaanyuhan kaysa trahedya.Sa tulang ito,talagang lumabas ang galing ni Dante sa
paglalarawan ng bawat canto.Ang pag-iisa sa iba’t-ibang uri ng tema at istilong gumawa sa
komedya na walang pinipiling panahon na obra maestra.
Isang Libo’t Isang Gabi

Ang pinakapaksa ng kwentong ito ay ang isang hari at ang kanyang


mapapangasawa.Ang hari na si Sharyar ay nagpapakasal at pagkatapos ay kanyang pinapatay
ang kanyang asawa.Dumating ang pagkakataon na wala ng mahanap na maaaring mapangasawa
ng hari ang vizier.Napagdesisyunan ng anak ng vizier na siya na lamang ang magpapakasal sa
hari.Ngunit ayaw pumayag ng vizier.Sa sumunod na araw ay nagpakasal na nga ang hari at ang
anak ng vizier.Ang babaeng ito ay nagngangalang Scheherazade.Gumawa ng paraan si
Scheherazade upang hindi siya patayin ng hari.Tuwing gabi,nagkukwento siya sa hari ngunit
hindi niya ito tinatapos.Napilitan tuloy ang hari na hindi siya patayin upang matapos ang kwento.
Sa sumunod na gabi ay natapos na ang kwento kaya’t nagsalaysay na naman siya ng bagong
kwento.Sa sumunod na gabi ay hindi pa rin mapatay ng hari ang kanyang asawa sa kagustuhang
marinig ang buong kwento.Patuloy ang ganitong pangyayari hanggang abutin siya ng isang libo't
isang gabi. . Mga tradisyonal ang mga kuwento at nagmula sa maraming bahagi ng Gitnang
Silangan at Dulong Silangan. Nasa Arabe ang unang nakasulat na kopya na nagawa noong mga
1000 AD. Kabilang sa mga kuwento ang Sindbad ang Mandaragat atAladdin.
Mahabharata

Ang Mahabharata ay ginawa sa pagitan ng 300 B.C at 300 A.D. Ito ang
pinakamahabang epiko sa mundo ng panitikan.Binubuo ito ng 100,000 dalawang linyang
taludtod.Maikukumpara ito sa walong beses na haba ng Iliad at Odyssey ni Homer at tatlong
beses ng sa bibliya.Ayon sa bersyon ng Narasimhan,apat na libong linya lamang ang may
kaugnay sa kwento.Sa madaling salita,Ang Mahabharata ay kaparehas ng mahabang paglalakbay
na maraming daan.
Ang salitang Mahabharata ay nangangahulugang dakilang Bharata.Si Bharata ay
ninuno nina Pandavas at Kuaravas na naglaban.Ang salitang Mahabharata ay tumutukoy rin sa
mga Indian.Kaya minsan ay iniuugnay ang Mahabharata sa “ang Dakilang Istorya ng Indya”.Ang
epikong ito ay nahahati sa 18 libro.

Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi nito.
Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto ng Hinduismo, mitolohiyang
Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag
naHarvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa labinwalong mga
bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan o mga parva - mga aklat -
ang mga bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:
Isang pangyayaring may pagsusuyuan saMahabharata, sa pagitan nina Ravi Varma-Shantanu at
Satyavati.

Parva
Pamagat Mga nilalaman
(Aklat)
Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga
1 Adi-parva
prinsipe.
Buhay sa korte, ang larong betu-beto o dais[2], at
2 Sabha-parva pagpapalayas sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang
palasyo at korte (ang sabha), at Indraprastha.
Aranyaka-parva (o
Labindalawang taong pagtigil (na hindi nakababalik
3 Vanaparva,
pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya).
Aranyaparva)
Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil
4 Virata-parva
sa korte ng Virata.
5 Udyoga-parva Mga paghahanda para sa digmaan.
Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na
6 Bhishma-parva
komandante ng mga Kaurava si Bhishma.
7 Drona-parva Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.
8 Karna-parva Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.
9 Shalya-parva Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante.
Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng
10 Sauptika-parva mga nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang
natutulog (Sauptika).
Ipinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga
11 Stri-parva
kababaihan (mga stri) ang mga yumao.
Ang pagpuputong ng korona kay Yudhisthira, at ang mga
12 Shanti-parva
utos sa kaniya mula kay Bhishma
13 Anusasana-parva Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma.
Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa
14 Ashvamedhika-parva
ni Yudhisthira.
Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa
15 Ashramavasika-parva
isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.
Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na
16 Mausala-parva
may gamit na mga pamalo[2] (mga mausala).
Unang bahagi ng daan patungong kamatayan
17 Mahaprasthanika-parva (mahaprasthana, "dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at
ng mga kapatid niyang lalaki
Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa
18 Svargarohana-parva
(svarga).
19 Harivamsha Buhay ni Krishna.

Narito ang ilan sa mga tauhan ng Mahabharata:

Vyasa Tagapaglahad ng kwento at ama nina Pandu at Dhritarasha.

Gandhari Asawa ni Dhristarasha.

Dhristarasha Isang bulag na hari:ama nina Duryodhana at Kauravas.

Kunti Asawa ni Pandu.

Yudhishthira Pinuno ng mga Pandavas.

Bhima Pinakamalakas sa mga Pandava.


Aklat ng mga Patay

Ang Aklat ng mga patay ay mas kilala sa tawag na Spells of Coming.Ito ay ang
paglalarawan sa konsepto ng mga Ehipsyo sa buhay pagkatapos mamatay.Ang aklat na ito ay
nakasulat sa papiro at nilalagay sa mga kabaong.
Ang titulong Aklat ng mga Patay ay ginawa ni Karl Richard Lepsius.Nang una itong
madiskubre,napagkamalan itong bibliya ng mga Ehipsyo.Kaiba sa bibliya,ang librong ito ay
walang rebelasyon at walang mga kaugnayan sa mga rebelasyon ng Diyos. Ang librong ito ay
produkto ng mahabang proseso ng ebolusyon mula sa pyramid text ng Old Kingdom hanggang
sa coffin text ng New Kingdom.Ang isang katlo ng mga kabanatabay hinango sa coffin texts.
Ang Aklat ng mga Patay ay hinango sa The Book of Breathings ngunit ang librong ito ay
nananatiling popular hanggang sa panahon ng mga Romano.
El Cid Campeador

Simula noong labindalawang siglo,ang alamat ni El Cid ay napalathala na.Ang librong ito
ay naglalaman ng tungkol sa buhay ni El Cid at ng pagsakop niya sa Pransya.Ang totoong
pangalan ni El Cid ay Rodrigo Diaz.Ipinanganak siya sa Vivar sa lumang Kristyanong kaharian
ng Castilla. Naging tanyag siya sa kanyang mga taktika ng pamumuno.Mas kilala siya ng mga
kaaway niya sa ngalang El Cid na nangangahulugang “aking panginoon”.

Ang kabataan ni El Cid at ang kanyanf pagmamahal sa babaeng si Jimena ang naging
paksa ng Romanceros.Ang maikling tulang ito ay base sa El Cid Campeador.Ang librong El Cid
Campeador ay tumutukoy sa naging buhay ni El Cid at ang naging karanasan niya sa pagsalakay
sa Pransya.
Canterbury Tales

Ang Canterbury Tales ay koleksyon ng mga kwentong isinulat ni Geoffrey Chaucher


noong ikalabing-apat na siglo.Ang mga kwento,na ang iba ay orihinal at ang iba ay hindi,ay
ikinwento ng mga naglalakbay sa relihiyosong paglalakbay simula Southwark hanggang
Canterbury para bisitahin ang dambana ni Saint Thomas Becket at ang Canterbury
Cathedral.Sinasabi ng iba na hinango ito sa The Decameron na nabasa ni Chaucer noong una
siyang bumisita sa Italya.
Noong Abril,isang grupo ng dalawampu’t siyam na manlalakbay ay nagkaroon ng
relihiyosong paglalakbay mula London hanggang Canterbury upang magbigay respeto sa
dambana ni Saint Thomas Becket at Canterbury Cathedral.Ang grupo ay binibuo ng mga taong
may iba’t ibang disposisyon sa buhay.Kapag tumitigil ang mga manlalakbay tuwing
gabi,magtatalaga ang kanilang pinuno ng magsasalaysay ng kwento kinabukasan sa
paglalakbay.Ang manlalakbay na ito ay kinakailangang magsalaysay ng apat na kwento,dalawa
papuntang Canterbury at dalawa ulit pabalik.Ang may pinakamagandang kwento na mapipili ng
pinuno ay ililibre ng mga kasamahan ng hapunan.Ang bawat istorya ay maaaring maging
repleksyon ng posisyon nila sa buhay at ang ilan naman ay gusto lamang magpatawa.Walang
napili ang pinuno sa huli dahil kakaunting manlalakbay pa lamang ang nakapagsasalaysay nang
mamatay si Chaucer. Nais sana ni Chaucer na makasulat ng 124 na kwento pero namatay siya na
22 lang ang kanyang nagawa.Dalawa pang kwento ang nasimulan ngunit hindi natapos.Narito
ang iulan sa mga kwento:

The Knights Tale Ito ang pinakaunang kwento sa Canterbury TalesTungkol sa


dalawang magpinsan na parehas umibig sa isang dalaga at sila ay
naglaban para makuha ang pag-ibig ng dalaga.

The Miller’s Tale Tungkol sa isang mag-aaral na si Nicholas at si Alison.Nais ni


Nicholas na makasamang matulog si Alison

The Reeve’s Tale Tungkol sa karahasan,kabastusan at panggagahasa sa anak at asawa


ni Symkyn.Ito ang pang-insulto sa kwento ng maggigiling.

The Cook’s Tale Hindi ito natapos at binubuo lamang ng 58 na linya.Tungkol sa


katulong na si Perkyn na mahilig mag-inom.

The Man of Law’s Tale Tungkol sa babaeng Kristyano na ipakakasal sa isang sultan kung
ang sultan ay magigiong Kristyano.Hindi pumayag ang ina nito
kaya’t binigyan nito ng mga pagsubok ang babae.

The Wife of Bath’s Tale Ito ang isa sa pinakamagandang kwento sa Canterbury Tales na
nagbibigay halaga sa mga babae noong Middle Ages.

The Friar’s Tale Isinalaysay ni Hubert na nagsasaad ng tungkol sa pagsira sa isang


opisyal sa korte na pinipilit ang mga taong pumunta doon.

The Summoner’s Tale Sumasalungat sa The Friar’s Tale.

The Clerk’s Tale Ito ay kaparehas ng The Story of Griselda.Tungkol sa katapatan ni


Griselda sa asawa sa kabila ng mga pagsubok.

The Merchant’s Tale Sinasabing meron itong impluwensya ng The Decameron.Tungkol


sa mag-asawang May at Januarie at Damyan.

The Squire’s Tale Ito ay isa rin sa mga kwentong hindi tapos.Romantikong epiko na
kung natapos ay mas mahaba pa sa pinagsama-samang kwento.

The Franklin’s Tale Tungkol sa pag-iibigan ni Arveragus na isang kabalyero at Dorigen.

The Physician’s Tale Tungkol sa relasyon ng anak sa ama.The Romance of the Rose ang
naging inspirasyon ni Chaucer sa pagsulat nito.

The Pardoner’s Tale Tungkol sa isang grupo ng lasinggero na nais patayin si Kamatayan
na sinisisi dahil sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.

The Shipman’s Tale Tungkol sa mag-asawa at isang monghe

The Prioress’s Tale Sumunod ito sa The Shipman’s Tale.Ito ay istorya ng isang batang
martir na pinatay ng mga Jews.

The Tale of Melibee Pangalawang kwentong isinalaysay ni Chaucer.Mahaba ito kaya’t


sinasabing nakakabagot pakinggan.

The Monk’s Tale Koleksyon ito ng labinwalong maiikling kwento.Ang pinakapaksa


nito ay trahedya.

The Nun’s Priest’s Tale Ito’y isang pabula na gumagamit ng iba’t ibang uri ng hayop na
nagpapakita ng iba’t ibang ugali ng tao.

The Second Nun’s Tale Ito ay nagsasalaysay tungkol kay Saint Cecilia.

The Canon’s Yeoman’s


Tale

The Manciple’s Tale Tumatalakay kay Phoebus na mahal na mahal ang asawa kaya’t
nagawa nitong ikulong ito sa bahay.

The Parson’s Tale Ito ang pinakahuli sa lahat.Ito rin ang pinakamahaba sa lahat.Hindi
maikukunsiderang isang tula o kwento dahil ito ay isang prosa.
ANG MGA AKDANG
PAMPANITIKANG
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Inihanda ni: Radie R. Colendra IV-A Inihanda para kay: Gng.Violeta Huerto

You might also like