You are on page 1of 2

1 Bakit kaugnay ng pagkamalikhain ang pagiging sensitive?

A. Ang emosyon ng kapwa ang nagbibigay inspirasyon upang makabuo ng mga bagay-bagay.
B. Sa mga angking kaalaman may mga nabubuong ideya.
C. Ang mga malikhain ay nabubuhay sa sariling mundo ng imahinasyon
D. Ang pamaraan ng mga malikhain ay pag-explore sa magkakaibang alternatibo.

2. Bakit karaniwang maraming nais gawin ang mga taong malikhain?


A. dahil marami silang karapatan at tungkulin
B. dahil nabubuhay sila sa sariling mundo ng imahinasyon
C. dahil sa mga angking kaalaman may mga nabubuong ideya
D. dahil sa tindi ng emosyon ng kapwa at ng kapaligiran

3. Paano nakakatulong ang pagkamalikhain sa pag-unlad ng isang bansa?


A. tumataas ang tiwala sa sarili ng mga mamamayan
B. nagagamit ang mga materyales na karaniwang nakikita sa pamayanan
C. maaaring gamitin ang isang orihinal na ideya sa ibang sitwasyon
D. nakasalalay sa ating interes na tuklasin ang ating pagkamalikhain

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng originality?


A. Ang mga pagkakataon upang maging malikhain ay nasa ating kapaligiran.
B. Nakakaisip ng mga bagay at gawain na hindi pa nasusubukan o nagagawa ng ibang tao.
C. Sakop ng pagkamalikhain ang pagpili ng pinakamahusay na solusyon.
D. Nagtatanong kung bakit nangyayari o hindi nangyayari ang isang sitwasyon.

5. Noong 2009, hinirang ng isang international TV network, si Efren Peñaflorida bilang CNN Hero of the
Year dahil sa kanyang pagkamalikhain. Bakit siya ginawaran ng ganitong parangal?
A. Tinulungan niyang makaligtas ang maraming tao mula sa isang malakas na bagyo.
B. Nakatuklas siya ng gamot na panlaban sa isang nakamamatay na virus.
C. Naging bahagi siya ng isang peace talk na nagresulta ng pagsuko ng mga rebelde.
D. Gumamit siya ng isang alternatibo ng edukasyon para sa mga mahihirap.

6. Paano nakakatulong ang pagkamalikhain sa pagkatao ng isang manggagawa?


A. Nagpapahayag ito ng kanyang iba’t-ibang talento.
B. Nakakagawa siya ng malalaking bagay mula sa mga retaso na kadalasan ay itinatapon na lang.
C. Umuunlad ang ekonomiya mula sa malikhaing paggawa.
D. Lahat ng nabanggit.

7. Alin sa mga sumusunod ang paraan sa pagtataguyod ng pagkakaisa o teamwork sa paggawa?


A. pagtutulungan tungo sa pagsasakatuparan ng layunin na magsilbi sa kapuwa
B. pagiging mahusay sa pagganap ng tungkulin sa samahang pinaglilingkuran
C. pagkilala sa kontribusyon ng lahat sa pangkat tuwing maaabot ang layunin
D. lahat ng nabanggit

8. Ano ang kahulugan ng teamwork sa paggawa?


A. pagpili ng mahusay na leader o pinuno ng team sa bawat aspekto ng paggawa
B. pagtutulungan ng magkakasama sa isang samahan tungo sa pagsasakatuparan ng layunin
C. pagsali sa mga teambuilding activities na itinatag ng pangkat.
D. paglahok sa mga programa ng pagsasanay upang lalong maintindihan kung ano ang teamwork

9. Bakit mahalaga ng panatilihin ang bukas na komunikasyon sa samahan?


A. upang maunawaan ng bawat kasapi ang kanilang bahagi sa pagtataguyod ng layunin ng pangkat
B. upang maibahagi ng bawat isa ang kanilang mga ideya kung paano gagawin ang isang bagay
C. upang malayang maipahayag ang damdamin ng mga kasapi, mabuti man o hindi
D. lahat ng nabanggit
10. Paano napangangalagaan ng teamwork ang kaalaman ng samahan?
A. Napabibilis ang mga inobasyon kapag patuloy ang pagkakaisa sa samahan.
B. Mababawasan o maiiwasan ang mga maling produkto na bunga ng di-mahusay na paggawa.
C. Maibabahagi ng maayos at mabilis ang mahahalagang impormasyon sa mga bagong kasapi.
D. “Two heads is better than one”, ayon sa kasabihan.

Isulat:
A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.
11. Paggawa at pagsabit ng isang poster tungkol sa paborito mong quote para magsilbing inspirasyon.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


12. Napapanatili ang malasakit ng mga kasapi kung nararamdaman nila ang pagtutulungan.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


13. Piliin ang lider na may malasakit sa hangarin ng pangkat.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


14. Pagbuo ng mga rules o alituntunin ng isang laro para sa family reunion.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


15. Pag-imbento ng isang produkto gawa sa lumang sapatos.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


16. Kung hindi maliwanag ang mga layunin, maaari itong maging balakid.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


17. Nagbibigay ang mga programa ng pagsasanay at pagkakataon na matuto ng mga makabago.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


18. Pananahi ng punda gamit ang mga hindi na sinusuot na damit.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


19. Pananagutan din ng tagapamahala ng samahan na maging tapat sa mga manggagawa.

A – kung TEAMWORK B – kung PAGKAMALIKHAIN.


20. Pag-compose ng isang maikling awit na nagpapahayag ng pasasalamat sa magulang.

You might also like