You are on page 1of 2

Buod ng “Tambuli ni Ilig”

Noong unang panahon malapit sa Zamboanga Del Sur may mga pangkat na naninirahan, sila ay ang mga
“Subano” Ang ina (G’libon Hap) at ama (Thimuay Gabun) ni Ilig ay isang pinuno sa pangkat nila. Nung
malaki na si Ilig niligawan ni Ilig si Tam. Palagi silang nagsasama sa batis kasama niya si Tam. Isang araw
napagusapan nila Ilig at Tam ang mga banyaga na gustong sumakop sa lupain nila sabi ni Tam na
paghihigantihan natin ang mga banyaga sa pagsakop nila sa mga lupain ng mga Subano, pero hindi
nagustuhan ni Ilig ang desisyong iyon. Tapos mas tumatagal pa ang samahan nila Tam at Ilig at isang
araw nagpasya na sila na magpakasal na silang dalawa. Sumang ayon naman din ang kanilang mga
magulang at nag-impake na sila sa paghahanda sa kasalan nila, ang mga Taong bayan naman ay
nagaabala rin sa paghahanda sa kasalan nila Ilig at Tam. Dahil nandarayuhan lamang sila ni Ilig at Tam sa
kabilang bukid hinihingi-an din sila ng mga alahas bago makapasok o makagawa ng isang kilos.
Kinagabihan sa pag salo salo nila binawi-an ng buhay ang mga magulang ni Ilig sina Thimuay Gabun at
G’libon Hap. Sabi ng mga Kalalakihan dahil iyon sa pang-aagaw ng lupa sa kanilang tribo. Sa araw ng
libing ng mga magulang ni Ilig, sabi ni IligAma! Ina! Ano ang nangyari sa amin ngayong wala na kayo?
Ano nalang ang gagawin namin? Sabi ng asawa(Tam) ni Ilig Tama na Ilig. Ipaubaya na lang natin kay Apo
Megbebaya ang matiwasay na pagpanaw nina ama at ina. At kinaumagahan pinauubaya nila kay Apo
Megbebaya ang dalawang minamahal nila sa buhay. At gumawa sila ng iba’t ibang mga ritwal. Sa kabila
ng kabataan ni Ilig nakita nila ang kahusayan niya sa pag-iisip at pagbibigay ng mga desisyon. Kaya
pinauubaya nila kay Ilig ang pamumuno ng pangkat nila. Isang araw patuloy parin ang pag-aabuso ng
mga Banyaga sa mga Subano, Sabi ng isang mamayanan “Lumaban nalang kaya tayo? Galit ang mga
mamayanan sa desisyon ni Ilig na hindi labanan ang mga Banyaga na sumasakop sa lupa nila. Ang tugon
ni Ilig Hindi iyan magugustuhan ni Apo Megbebaya at gayun din ni Thimuay Gabun.

At sabi niya “Huwag tayong ganyan mga kasama. Pinapahalagahan natin ang Kapayapaan kaya iwasan
natin ang kaguluhan dahil hindi iyan ikatutuwa ni Apo Megbebaya” Sabi ng isang Mamamayan “Pero Ilig
Hahayaan na lang ba natin na agawin ang ating mga lupain? Ang tugon ni Ilig “Hindi iyan ang ibig kong
sabihin kung gusto nilang agawin ang ating lupa, atin itong ibibigay o ibenta sa kanila. Doon tayo sa
kabundukan manirahan tutal naroon naman ang malapad na kabukiran. Naroon ang matiwasay na
pamumuhay kasama ang mga ibon sa kalawakan.

Dumaan ang maraming araw napansin nila Ilig at kanyang mga kasamahan na mas lalo na silang
umuunalad ang kanilang mga pamumuhay. Sa pagkakaisa nilang lahat magagawa talaga nilang maunlad
ang kanilang pamumuhay. Sumama si Thimuay Ilig sa pangangaso nila Diut. At biglang nawala si Thimuay
Ilig! Noong nalaman nila Bal at Diut na nawawala na si Ilig laking kaba nila kung nasaaan na si Ilig!
Hinanap at Hinanap nila si Ilig hanggang lumipas na ang gabi. Noong sinabihan nila si Tam na nawawala
si Ilig hindi maka panipaniwala ang kanyang asawa sa mga sinasabi nila na nawawala si Ilig. Napansin ni
Diut na tumutunog ang “Tambuli ni Ilig” ito ay isang senyales na “Ipagpatuloy ang kanilang pamumuno
kahit pumanaw na si Thimuay Ilig ” Sama sama silang lahat at pinagluksaan ang pagpanaw ni Ilig. Sabi
nang kanyang asawa na si Tam“Maraming Salamat Thimuay Ilig”
Sa kabila ng pagkawala ng kanilang pinuno na si “Thimuay Ilig” Pinatuloy padin nilang ang pamumuhay
nila ng Mapayapa.

You might also like