You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang may kaugnayan sa
katangiang pisikal ng daidig.
2. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.
3. Makapagpapakita ng pagpapahalaga sa aralin sa pamamagitan
ng aktibong pakikipagtalastasan.

II. PAKSANG ARALIN


 Paksa: ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
 Kagamitan: Notebook Computer, PowerPoint Presentation,
Inihandang mga papel na may lamang puzzle at mga larawan.
 Sanggunian: Modyul: Kasaysayan ng Daigdig p.15-17

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalagin/Pagbati
 Pagkuha ng attendance
B. Pagganyak
 Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng papel na naglalaman ng “Word Hunt” puzzle.
Bawat pangkat ay hahanapin sa puzzle ang mga salitang
may kinalaman sa katangiang pisikal ng daigdig. Ang mga
salitabg ito na nakapaloob sa puzzle ay maaring mahanap
sa direksyong pahalang o pababa. Ang unang pangkat na
mahanap ang lahat ng salita ang siyang bibigyan ng
puntos bawat isa.
 Ang mga sumusunod na salita ang makukuha sa puzzle:
Planeta, Crust, Mantle, Core, Iron, Nickel, Plate,
Hemisphere.
C. Paglalahad
 Mula sa mga salitang nahanap sa puzzle, hayaang
magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral kung ano ang
mga kauhulugan ng mga salitang nakuha sa puzzle at ano
ang unang naiisip nila kapag narinig ang mga salitang ito.
 Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aralin ngayon ay may
kinalaman sa katangiang pisikal ng daigdig.
D. Pagtalakay sa paksa
 Gamit ang inihandang PowerPoint Presentation, talakayin
ang mga bumubuo sa katanging pisikal ng daigdig
1. Estruktura ng daigdig
2. Longitude at latitude
3. Klima
4. Mga Kontinente
E. Paglalahat
 Mga bumubuo sa katanging pisikal ng daigdig
1. Estruktura ng daigdig
2. Longitude at latitude

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8 – Kasaysayan ng Daigdig

1
3. Klima
4. Mga Kontinente

F. Paglalapat
 Hayaang sagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod
na tranong sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.

1. Gaano kahalaga ang posisyon at katangiang pisikal


ng daigdig bilang nag-iisang planeta na kung saan
maaring manirahan ang mga buhay na organismo?
Ipaliwanag.
2. Masasabi mo bang pinapangalagaan nating mga tao
ang daigdig? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA
 Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang mga sumusunod.
Isulat sa isang kalahating piraso ng papel ang ang iyong mga
sagot (2 puntos bawat isa):

1. Longitude
2. Latitude
3. Klima
4. Crust
5. Mantle

V. TAKDANG ARALIN
 Magsaliksik sa pamamagitan ng “Internet” ng iba pang datos at
impormasyon na may kinalaman sa pisikal na katangian ng
daigdig. Isulat ito sa inyong notebook.

Inihanda ni:

Danilo A. Blanco Jr.


Teacher Applicant

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8 – Kasaysayan ng Daigdig

You might also like