You are on page 1of 2

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN
1. Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap. ( F7PT-Ia-b-1 )
2. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-
bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. ( F7PN-1a-b-1 )
3. Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito. ( F7PU-Ia-b-1 )

II. NILALAMAN
A. Paksang-Aralin: Kuwentong-Bayan, “Kung Bakit Umuulan” (Contextualized)
‘’Ang Albularyo at ang Lalaki’’ (Indigenized/localized)
B. TG, pp. __; LM, pp. 8-10
C. Overhead Projector, laptop, 1/8 illustration boards, MP

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Mga gawaing routine( panalangin, attendance tsek )

2. Pagganyak (Verbal MI)


K-W-L tungkol sa Kuwentong-bayan ( Gawaing pisara )

ALAM NAIS MALAMAN NATUTUNAN

3. Paglinang ng Talasalitaan (Verbal MI)


Pagbibigay ng kasingkahulugan ng salita. ‘’HULAAN MO ITO’’. Pangkatang Gawain gamit
ang illustration board.
Panuto: IpaFlash sa Projector ang pangungusap at ang pagpipiliang sagot. Basahin nang tahimik at
paghudyat ng “GO” ay isulat ang sagot. Paghudyat ng “STOP” ay itaas ang “Illustration Board”.
1. May sangkap itong apog at tabako.
2. Bahagi ng katawan ng tao na nasa likurang bahagi ng tuhod.
3. Kalagayan ng araw na kasisikat lang sa umaga.
4. Magandang hugis ng katawan.
5. Mga gawaing nakasanayan na sa isang lugar.
6. Tahanang inilaan ng Diyos sa tao.
7. Mga naniniwala sa taglay na kakayahanng isang tao.
8. May kakayahang gumawa ng isang bagay na di pangkaraniwan.
9. Halamang-gamot na may maanghang na lasa.
10. Isang matandang paraan ng panggagamot gamit ang nganga.
( santinakpan, matikas, bagong likhang araw, kaugalian, lumikha)Hango sa contextualized
( “butbot”, nganga, buyo, parokyano, alak-alakan )Hango sa Indigenized na teksto

B. Presentasyon (Classroom Discussion); HOTS Q&A


Inasahang nabasa na ng mag-aaral ang Kuwentong-bayan kaya simulan na lamang ang
pagtatanong nito:
1. Ano-anong kaugalian ang makikita sa binasang kuwentong-bayan? Ipaliwanag.
2. Katanggap-tanggap ba sa inyo ang mga ginawa ni Tungkung Langit kay Alunsina?
Bakit?
3. Maging masaya kaya kayo kung nasa kalagayan kayo ni Alunsina? Ipaliwanag.
4. Kung kayo si Tungkung Langit, paano n’yo hihikayating bumalik si Alunsina?
5. Masaya o malungkot ang kalagayang panlipunang ginagalawan ng mag –asawa? Bakit?

C. Paglalahat (Reflection)
Sa kasalukuyang panahon, uso pa ba na ang asawang babae ay nasa bahay lang? Bakit?

D. Paglalapat ( HOTS Q&A; Interpersonal MI)


Ihanda ang bawat pangkat sa babasahing Kuwentong-bayang “Ang Lalaki at ang Albularyo”
(Indigenized/Localized). Pasagutan sa kanila ang mga inihandang mga tanong.
PATNUBAY NA TANONG:
1. Anong kaugalian ang makikita sa binasang kuwentong-bayan?
2. Anong kalagayang panlipunan ang mahihinuha ninyo sa binasa? Bakit?
3. Kung kayo ang maysakit, saan n’yo gustong magpagamot? Sa doctor o albularyo? Bakit?
4. Bakit marami pa ring naniniwala sa paraang panggagamot ng albularyo sa panahon ng
siyensya at makabagong paraang ng gamutan?
5. Dapat bang tangkilikin ng mga Pilipino ang kaugaliang magpagamot sa albularyo?

Pagbibigay-puna at ‘’ INPUT/Feedback giving’’ ng guro.

IV. EBALWASYON (Logical MI)


Panuto: Isulat ang tamang sagot sa ½ pirasong papel.
A. Pagbibigay ng Kasingkahulugan
1. Ang buyo ay nginunguya ng matanda. ( kinakagat, nginangata, kinakain)
2. Tinatangkilik ng marami pang tao ang ‘’pambubutbot’’. ( pinupuntahan, inaasikaso,
sinusuportahan)
B. Paghihinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan
3. Sa kwentong-bayang “Kung Bakit Umuulan” ipinakita ang kaugaliang ang bana lang
ang dapat_________sa pamilya.(sumigaw, magpagod, magtrabaho)
4. Nakaugaliang panggagamot gamit ang nganga.( albularyo, “butbot”, tapal)
5. Kwentong lumalaganap sa bibig ng mamamayan katulad ng pagbubutbot na umaabot
pa sa ibayong dagat.(maikling kwento, adbertismo, kwentong-bayan)
C. FAS. Dugtungan ang pahayag upang maibigay ang patunay na ang kwentong-bayan ay
salamin ng kaugalian ng lugar na pinagmulan sapagkat______________________
______________________________________________________.”( 5 puntos bawat
malamang sagot.)

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng kuwentong-bayan na napakinggan sa inyong lugar. Isulat ito nang maayos sa ‘’yellow pad’’.

You might also like