Professional Documents
Culture Documents
Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryong Isyu
SA PAG-AARAL
NG
MGA
KONTEMPORARYO
NG ISYU
GRADE 10
1.ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?
Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang
com+tempor na nangangahulugang current o napapanahon.
Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy sa mga
isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong
isyu. Sa madaling sabi, ito ng pinakapinag-uusapan sa ating lipunan
ngayon. Matutunghayan sa ibaba at sa susunod na pahina ang mga
isyu ngayon.
3.ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
SA LIPUNAN
EKONOMIY
A
AGRIK
ULTURA
Kung ating
titingnan sa
kahit saang
aspekto, ang
ekonomiya
ang labis na
maapektuha
n kung
magpapatulo
y ang labis
na
pagbabago
ng klima sa
ating mundo (climate change). Pinakaunang maapektuhan dito ay ang
mga produkto sa ating agrikultura katulad ng palayan. Ayon sa balita,
maraming mga palayan ang higit na napinsala sa init ng panahon.
Hindi maitatangging ang lahat ng ito’y nagdulot ng kakulangan ng
suplay sa bigas kung kaya’t ang Pilipinas sa taong ito ay nag-aangkat
na lamang ng mga bigas upang mapunan ang kakapusan. Sa tindi ng
init na tinatamasa ng Pilipinas ngayon, gumawa naman ang
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng gobyerno ng mga paraan upang
magkaroon ng maayos na irigasyon sa tubig ang mga palayan upang
hindi tayo araw-araw na kakapusin sa bigas. Ginagawa nila ang
kanilang makakaya upang maging sapat para sa mga Pilipino ang
bigas na nakukuha natin mula sa pagtatanim, kaya sana ang lahat ay
maging masinop rin sa pagkain hindi lamang sa bigas kundi sa ulam
at iba pa nating pagkain. Hindi dapat tayo basta-bastang nagtatapon
ng anumang pagkain.
3. ISYUNG PANG-EKONOMIYA
3.1 UNEMPLOYMENT
3.2 GLOBALISASYON
Kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng mga multinasyonal na
kumpanya o korporasyon na nag-aalok ng mga produkto at serbisyo na
hindi likas na nagmumula sa Pilipinas. Nagbibigay ito ng suliranin
hindi lamang sa pamahalaan ngunit maging sa mga sambahayan at
bahay-kalakal sa kung ano at paano sasabay sa globalisasyon sa buong
mundo. Simula sa isyu ng kakayahang magtrabaho sa ibang bansa
hanggang sa mga produktong dapat tangkilikin, lahat ay apektado ng
globalisasyon.
BRUNDTLAND REPORT
Noong 1983, napakalaking isyu sa mga ordinaryong mamamayan
ang kapaligiran kung kaya’t pinagtuunan ito nang pansin ng United
Nations General Assembly (UNGA). Bumuo sila ng panibagong
komisyon o organisasyon na siyang mamamahala sa mga kritikal na
isyu na may kaugnayan sa kapaligiran at pag-unald o development .
Sa madaling sabi, nagkaroon ng panibagong samahan upang pag-
aralan ang kritikal na mga isyu sa kaugnyan ng konseptong
kapaligiran at kaunlaran.
Sa pamumuno ni Prime Minister Gro Harlem Brundtland ng
Norway, ang malayang samahan na ito ay nabuo at nabigyan ng
bagong pangalan bilang World Commission on Environment and
Development (WCED) sa taong 1987. Kasama sa pagbuo ng nito ay
tatlong layunin na kanilang ginawa upang mas mapagtibay pa ang pag-
aaral na ito. Ito ang ilan sa mga sumusunod na layunin:
SOCIAL EQUITY
REORYENTASYON SA KAUNLARAN
Ang Kaunlaran ay kinakailangang bigyang-linaw upang
magkaroon ng kalidad ang ating ginagawa. Sinimulan ito sa pagbigay-
kaibahan ni Jacobs ng “standard of living” sa “quality of life” Aniya,
ang standard of living ay tumutukoy sa mga simpleng bagay na
nabibili ng ating pera na kinikita samantala ang quality of life naman
ang mga bagay na hindi kayang bilhin ninuman. Tumutukoy ito sa
kalidad ng buhay mayroon tay katulad ng pagkakaroon ng sariwang
hangin, malinis at sapat na tubig, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng
maayos na klima na angkop sa ating bansa.
Ang mga salik ng kapaligiran na ito ay hindi makikita sa
pamamagitan lamang ng pag-aaral sa ekonomiya ng bansa katulad ng
Gross National Product (GNP) at Per capita income. Sa katunayan,
kahit iyong ibang bansa na nagtala ng pinakamataas na per capita
income ay nahihirapan pa rin sa pagrecover ng mg nasirang
kapaligiran kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng
paglilinaw sa konseptong Sustainable Development.
Ekonomiya
Sa ating ekonomiya nakasalalay ang kapakanan ng ating bansa, ngunit
hindi nangangahulugan na dapat nating ibuhos lahat ng mayroon tayo
upang mapaunlad ang ekonomiya. Ang mga negosyo ay dapat na
maging sensitibo sa ating kapaligiran kung kaya’t hindi maiaalis sa
isipan na ang dalawang konseptong ito ay magkakaugnay. Ito naman
ang paliwang ng ilan patungkol sa ekonomiya: