You are on page 1of 34

Colegio de Sta. Rita de San Carlos, Inc.

(formerly: Colegio de Sta Rita)


San Carlos City, Negros Occidental
Tel. # Main (034) 3126212/Annex (034) 312-5185
Fax. No. (034) 312-6824
Website: www.csr-scc.edu.ph
Email: csrbasic@gmail.com

S.Y. 2016 - 2017

TEACHER/DESIGNER: MR. JOSEPH D. LAPARAN SUBJECT: FILIPINO GRADE LEVEL: GRADE 3 QUARTER: 3rd Araw: 25 Days

STAGE 1 DESIRED RESULTS

LSAR # 1 Ang pamantayan ng pagkatuto ay nakatuon sa mga Maiklling Kuwento, Sanaysay, Parabula, Liham, upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang
mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos
na paggalang sa buhay at kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. Samakatuwid nalilinang ng mga estudyante ang pagbibigay pansin at paggamit
ng magagalang na pananalita sa pang-araw-araw na gawain.
Mauunawan ng mga mag-aaral na:
1. Mahalagang tanggapin at igalang ang ibang tao kahit may naiiba silang katangian sa atin upang mapanatili ang kapayapaan at mabuting
KAKAILANGANING samahan.
PAG-UNAWA 2. Ang panitikan ay makagagabay sa mambabasa upang maisabuhay ang mga aral na taglay nito lalo na’t patungkol sa mabuting
pakikipagkapwa-tao.
3. Mahalagang matutuhan at magamit nang wasto ang mga pangngalan para maging mas maayos ang pakikiusap o pakikipagtalastasan. Kapag
nawala ang pangngalan, maaaring hindi na tayo magkaintindihan.
MAHAHALAGANG TANONG  Bakit mahalagang tanggapin at igalang ang ibang tao kahit naiiba sila sa atin?
 Bakit mahalagang magbasa ng mga babasahing nagtuturo ng mabuting pakikipagkapwa-tao?
 Bakit mahalagang matutuhan ang mga pangngalan? Paano na kaya kung walang mga pangngalan?
TRANSFER GOALS  Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang…
 Makapagsasabi ng pangunahing diwa ng kuwento o saknong ng tula.
 Makapagbabasa nang may wastong paglilipon ng salita.
 Makapagsusulat nang kabit-kabit na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.
 Makapaggagamit ng iba’t ibang estratehiyang upang mahinuha ang nilalaman at kahulugan sa pamamagitan ng visual media.
KAALAMAN Malalaman ng mga mag-aaral ang:
 Maiklling Kuwento “Si Bingo at Si Kiko”
 Magagalang na Salita sa Pagbati
 Maikling Kuwento “Isang Sorpresa!”
 Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Paghingi ng Permiso
 Ang mga Kambal-Katinig o Klaster
 Tula “Ang Bata at ang Puno”
 Mga Salitang Magkakatugma
 Pagpapantig at mga Anyo ng Pantig
 Maikling Kuwento “Isang Naiibang Bakasyon”
 Ang Iba’t Ibang Kulay
 Kayarian ng mga Salita
 Maikling Kuwento “Ang Kuwento ng Isang Buto”
 Ang Pangungusap at ang Dalawang Bahagi Nito
 Tula “Ang Magsasaka at ang mga Butil”
 Uri ng Pangungusap
 Maikling Kuwento “Ang Tito ni Darren”
 Ang Bagong Alpabetong Filipino
 Parirala

MGA KASANAYAN  Ang mga mag-aaral ay:

 Nakakikilala sa kasingkahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap.


 Nakasasagot ng mga tanong na bakit at paano.
 Nakakikilala at nakapagbibigay katangian sa tauhan batay sa sinabi ng mga ito.
 Nakapagsasaayos ng mga pangyayari sa kuwento ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
 Nakakikilala sa alamat bilang akdang nagsasaad ng pinagmulan ng bagay-bagay at maaaring kapulutan ng aral.
 Nakapipili sa mga pahayag na nagpapakita ng paggalang sa kapwa.
 Nakasusulat ng isang pangako sa sarili na igagalang ang kapwa at iiwas sa panunukso dahil hindi nakabubuti ang ugaling ito.
 Nakababasa sa mga nakalimbag na ngalan ng tao at pook.
 Nakapagbibigay ng angkop na pangngalan ng tao, bagay, hayop o pook ayon sa larawan o sitwasyon.
 Nakapagmamasid ng mga larawan ng bagay, hayop, o pook.
 Nakapagsasagawa ng maayos na pag-upo sa pagsulat at malinis na paraan.
 Nakasisipi ng pangungusap na may wastong anyo at hugis ng titik.
 Nakabubuo ng payo para sa mga mag-aaral upang matuto silang gumalang at huwag manakit sa damdamin ng kanilang
kapwa.

STAGE 2 ASSESSMENT EVIDENCES


PERFORMANCE TASK
G - goal G - Makahikayat ng ibang tao upang igalang ang kapwa anuman ang kanilang itsura o kalagayan sa buhay.
R - role
A - audience R- Ikaw ay isang batang lider.
S – scenario/situation
P - product A – Mga mag-aaral sa inyong paaralan.
S – standard/rubrics
S – Alam mong sa inyong paaralan ay madalas tinutukso o pinagtatawanan ang mga taong may mga kapansanan. Minsan nama’y ayaw kaibiganin ang isang tao
dahil sa kanyang kulay, itsura o kalagayan sa buhay. Bilang isang batang lider, gusto mong mahikayat ang mga mag-aaral sa inyong paaralan upang igalang at
pahalagahan ang kapwa anuman ang kalagayan sa buhay.

P – Pagbuo ng islogang hihikayat sa iba upang igalang o tanggapin ang kapwa anuman ang kulay, anyo, o kalagayan sa buhay. Ang mga islogan ay isusulat sa bond
paper, lalagyan ng wastong sining at ididikit sa bulletin board o sa matataong lugar.

S – Ang bubuuin mong islogan ay dapat magtaglay ng mga pamantayan na nasa ibaba.

Pamantayan:

1. Ang islogan ay talagang makahihikayat sa iba upang bigyang-pansin ang ipinapanawagan.


2. Ito ay malikhain, may angkop na guhit at kulay at malinis.

IBA PANG PAGPAPATUNAY o Formative tests, long tests, periodical tests, and quizzes
o Answers to chapter tests and exercises
o Dyornal
o Takdang Aralin

ANTAS 3 MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Day 1-5
Aralin 1- “Batang may Tibay, Alertong Tunay”

PAGTUKLAS
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Hikayatin silang iguhit sa kalahating manila paper ang kani-kanilang ginagawa tuwing
araw ng Linggo. Sa ibaba ng larawang iginuhit ay pasulatin sila ng pangungusap tungkol dito. Ipalahad sa harap ng klase ang kanilang ginawa.
Matapos ang paglalahad ng bawat pangkat ay magkaroon ng maikli ngunit masiglang talakayan.
Pagkatapos ng paglalahad ng lahat ng pangkat ay itanong ang reaksiyon ng mga mag-aaral sa ginawa. Magsisilbi itong balik-puna.
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Papunan sa kanila ang grapikong pantulong na KWL sa ibaba. Hikayatin
silang gumamit ng pandiwa sa kanilang mga sagot.

Know Want to learn Learned How can I learn more


Alam ko… Nais kong matutuhan Natutuhan ko Paano pa madagdagan ang natutuhan

Maghanda ng isang grap. Ito ay maaaring naglalaman ng totoong datos mula sa inyong paaralan tulad ng bilang ng mga mag-aaral, bilang ng aklat, at marami pang iba.
Ipakita sa mga mag-aaral ang ginawang grap. Tanungin sila tungkol sa nilalaman ng grap.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Magbigay ng sitwasyon na maaaring pagagamitan ng grap.
* Magbigay ng kahalagahan ng mga grap.
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita. Ipabaybay nang tama sa mga mag-aaral ang salitang natutuhan. Pagkatapos nito, ipabasa
at ipasagot sa kanila ang mga tanong sa Handa Ka Na Ba?
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang sanaysay na “Tuwing Linggo.”
Linangin ang kaalaman, dating karanasan, at pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa ideyang matatagpuan sa binasa gamit ang grapikong pantulong na ANA (Alam ko, Nalaman
ko, Alam ko na).
Ang ANA (Alam ko, Nalaman ko, Alam ko na)

Ang ANA ay isang grapikong pantulong na maaaring gamitin matapos basahin at talakayin ang kuwento, seleksiyon, o teksto. Sa pamamagitan ng
grapikong pantulong na ito ay matatasa ng guro kung gaano kalalim ng natutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa paksa. Masusuri rin niya kung gaano
kalawak ang karanasan at dating kaalaman ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng grapikong pantulong na ito ay matatasa ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na suriin ang kanilang sarili tungkol sa kanilang natuklasan, natutuhan, at dating karanasan.

Pagsasagawa:
1. Himukin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging datos ang grapikong pantulong na tulad ng sa ibaba:

Alam ko… Nalaman ko… Alam ko na…

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.

PAGLINANG

Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa dayagram, mapa, at grap na matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Hikayatin ang bawat pangkat na magpakita ng maikling iiskit tungkol sa kahalagahan
ng mapa. Pagkatapos ng ibinigay na oras sa paghahanda, hikayatin ang mga mag-aaral na panoorin ang presentasyon ng mag-aaral. Sa pagtatapos ng bawat presentasyon ay
2. Matapos masugatan/mapunan ng mga mag-aaral ang grapikong pantulong ay tumawag ng ilan sa kanila upang magbahagi ng kanilang ginawa.
magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng komento.
3. Magkaroon ng masiglang talakayan ayon sa kanilang mga ibinahagi.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang panimula ng aralin sa wika.
Magbigay ng kaugnay na tanong tungkol dito na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa pandiwa. Bigyang-linaw sa mga mag-aaral ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwang pawatas.
Hikayatin ang mga mag-aaral na maghanap ng kapareha. Ang isa ay gaganap na tagapagtanong at ang isa naman ay siyang tinatanong. Pag-uusapan nila kung paano
mananatiling alerto at matibay. Kailangan nilang gumamit ng mga pandiwa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pag-sasanay tungkol sa pandiwa na makikita sa Talasan pa ang Dunong.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Hikayatin ang bawat pangkat na bumuo ng iiskit ng kapaki-pakinabang na gawain ng
isang bata tuwing Sabado o Linggo. Ipaalala sa kanila ang wastong gamit ng mga pandiwang natutuhan.

TRANSFER

 Bilang paglalahat, basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.
Day 6-10
Aralin 2- ”Pampatalas ng Isipan, Itong Bugtungan”

PAGTUKLAS

Ipanood o iparinig sa mga mag-aaral ang awiting Bugtong-Bugtong ni Florante.


Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga bugtong na itinanong sa awitin.
Magkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa pinakinggang awitin.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Handa Ka Na Ba?
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin silang ibigay ang kasingkahulugan ng sumusunod na salita gamit ang vocabulary ma. Ipaalala sa kanilang gamitin
ang pandiwa sa pangungusap.
* marangya * marungis * malawak * mautak
Matapos ang ibinigay na oras ay tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang kasagutan.
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral: Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
*Paano ninyo naibigay ang kahulugan ng mga salita?
* Bakit mahalagang magkaroon ng kasanayan sa pagkilala ng kasingkahulugan ng salita?
* Paano magagamit sa araw-araw na buhay ang kasanayan sa pagkilala sa kasingkahulugan ng salita?
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita.
Pagyamanin pa ang bokabularyo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapatukoy sa kanila ng mga maiikling salita mula sa mahahabang salita.
Hikayatin silang magbigay ng maiikling salitang nagmula sa mga sumusunod na salita:
a. nasisiyahan -- _________________________________ _____________________________
b. palaisipan -- _________________________________ _____________________________
c. lumalakas -- _________________________________ _____________________________
Pagkatapos nito, magtawag ng isang mag-aaral upang basahin ang panimula upang sa Tuklasin Natin.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin silang bumuo ng usapan ukol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng bugtong sa kabila ng modernong panahon.
Ipabasa/Iparinig sa mga mag-aaral ang maikling kuwentong “Magbugtungan Tayo” gamit ang pamaraang Pinatnubayang Pagbabasa na may Pag-iisip o DRTA.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat at clustering ng mga salita na matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.

PAGLINANG

Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin silang magtala ng 10 pandiwa. Ipagamit din ito sa pangungusap.
Itanong sa mga mag-aaral kung paano nabubuo ang pandiwa.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang gawain tungkol sa wika.
Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa pandiwa. Magbigay ng mga halimbawa sa bawat panlapi na ipakikilala sa kanila. Hikayatin din ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling
halimbawa.
Magpakita ng mga larawan kung saan kakikitaan ng kilos. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng pangungusap na ginamitan ng pandiwang pangnagdaan,
pangkasalukuyan, at panghinaharap kaugnay ng ipinakitang larawan.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Sabihin sa bawat pangkat na bumuo ng sarili nilang bugtong. Isusulat nila ito sa
kalahating kartolina. Ipaalala sa kanilang mahalagang magamit nila sa pagbuo ng bugtong ang mga pandiwa. Bigyan sila ng sapat na oras upang isagawa ito.
Matapos ang ibinigay na oras ay tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang ginawa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay tungkol sa pandiwa na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.

TRANSFER

Bilang paglalahat, basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.

Day 11-15
Aralin 3- ‘’Si Kap at ang Iba Pang Lingkod-Bayan”

PAGTUKLAS

Magpakita ng mga larawan ng mga lingkod-bayan: president, bise president, mga senador at iba pa.
Hingin ang opinion ng mga mag-aaral tungkol sa ipinakitang larawan. Magkaroon ng masiglang talakayan tungkol dito.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gwain sa Handa Ka Na Ba?
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin ang bawat mag-aaral na ibigay ang kahulugan ng pinaikling salita:
* Bb. * G. * Gng.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Saan/Kanino ninyo nabasa o narinig ang mga binanggit na salita?
* Paano ninyo nalaman ang kahulugan nito?
* Bakit mahalaga ang paggamit ng pinaikling salita?
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral: Hikayatin ang mga mag-aaral na sagutan ang IRF chart sa ibaba. Himukin ang mga mag-aaral na ibigay ang kanilang ideya,
opinion, o nalalaman hinggil sa paksa. Ilagay ito sa Initial Idea.

Mga Salitang Dinaglat Initial Idea Refined idea Final Idea


Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita. Pagkatapos nito, magtawag ng isang mag-aaral upang basahin ang panimula upang sa
Tuklasin Natin. Pangunahan ang pagtalakay hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga lingkod-bayan.
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang maikling kuwentong “Si Kap at Ako” gamit ang pamamaraang 5-Dimensiyon sa Pagbasa.
Magkaroon ng larong dugtungan. Sisimulan ng guro ang paglalahad ng mga pangyayari sa teksto. Dudugtungan ito ng mga mag-aaral hanggang sa ang lahat ay magkaroon ng
pagkakataong makapagbahagi.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Pangkatin ang klase sa lima. Sabihin sa bawat pangkat na iguhit sa manila paper ang mga pangyayari sa binasang akda. Ipaalala sa kanilang dapat mailahad nila ito ayon sa
wastong pagkakasunod-sunod. Matapos ang ibinigay na sapat na oras ay tawagin ang bawat pangkat upang ipakita sa klase ang ginawa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa mga salitang dinaglat na matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.
Balikan ang IRF chart. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang huling dalawang hanay.

PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong na semantic webbing sa ibaba:

Bahagi ng Pananalitang
inilalarawan

Mga halimbawa Halimbawang


Pangungusap
Pang-uring
Panlarawan

Ipanood sa mga mag-aaral ang video clip tungkol sa pagiging isang mabuting mamamayan.
Magkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa ipinanood na video clip. Iugnay ito sa binasang kuwentong “Si Kap at Ako.”
Tumawag ng isang mag-aaral upang basahin ang panimula ukol sa wika.
Maaaring magbigay ng kaugnay na katanungan na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa pang-uri. Magbigay ng mga halimbawa ng pang-uri. Hingan din ng halimbawa ang mga mag-aaral.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin silang bumuo ng diyalogo tungkol sa paksang: “Mga Lingkod-bayan, Marapat na igalang.” Hikayatin silang
magamit nang tama ang natutuhang aspekto ng pandiwa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan pa ang Dunong.

TRANSFER

Bilang paglalahat, basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.

Day 16-20
Aralin 4- “Mga Pangyayari Ay Nahihinuha sa Pamamagitan ng mga Balita”

PAGTUKLAS

Bisitahin ang Web site na http://www.youtube.com/watch?v==buwp-EAQC31. Hayaang mapanood ng mga mag-aaral ang halimbawang balita. Matapos mapanood, ay itanong
sa mga mag-aaral ang mga sumusunod. Ito ay upang makapagbigay sila ng hinuha tungkol sa napanood na video clip.
* Sa inyong palagay bakit kaya gayon na lamang kalakas ang bagyong Yolanda?
* Ano-ano kaya ang dapat na gawin ng mga tao upang maging ligtas sila sa panahon ng kalamidad?
* Sa paanong paraan kaya makatutulong ang mga mamamayan sa mga nasalanta ng bagyo?
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Magpanood ng isang patalastas sa mga mag-aaral.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin ang bawat kapareha na pag-usapan ang aral na hatid ng pinanood na patalastas.
Matapos ang ibinigay na oras ay tumawag ng ilang pares ng mag-aaral upang ibahagi sa klase ang napag-usapan. Maaaring magbigay ng katanungan na siyang tatasa sa
kakahayahan ng mga mag-aaral sa paghihinuha. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong na quadrant.

Paghihinuha (Paksa) Kahulugan ng sariling pahayag

Mga salitang maaaring iugnay rito Kasalungat

Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita.


Hikayatin ang mga mag-aaral na palitan o dagdagan ang tunog ng sumusunod na salita upang makalikha o makabuo ng bagong salita:
* umaga -- ________________________ ___________________________
* bansa -- ________________________ ___________________________
* araw -- ________________________ ___________________________
* tubig -- ________________________ ___________________________
Pagkatapos nito, ipagawa sa kanila ang pagsasanay sa Handa Ka Na Ba? Hingin ang kanilang reaksiyon tungkol sa ginawa. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito.
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang tekstong pinamagatang “Mga Balitang Pambansa” gamit ang pamaraang 5-Dimensiyon sa Pagbasa.
Magtawag ng ilang mag-aaral na magbahagi ng binasa o pinakinggang teksto na kahawig ng binasang balita.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa paghihinuha ar pagbibigay ng hula at palagay.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas marami o mas kaunti depende sa laki ng klase). Sabihin sa bawat pangkat na bumuo ng maikling dula-dulaan tungkol sa paksang:
“Suliranin ay gumagaan kung may pagtutulungan.” Ipaalala sa mga mag-aaral na marapat na magamit nila ang kanilang natutuhang kasanayan tungkol sa paghihinuha at
pagbibigay ng hula at palagay.
Matapos ang ibinigay na panahon ay tawagin ang bawat pangkat upang ipakita sa klase ang inihanda.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.

PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang Jot Chart sa ibaba:

Mga Pang-uring Pamilang


Patakaran Panunuran Pamahagi
Kahulugan Nito
Halimbawa Nito
Halimbawang Pangungusap

Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang gawain ukol sa wika.


Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong ukol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin ukol sa pang-uring pamilang na patakaran, panunuran, at pamahagi.
Linawin sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng tatlong uri ng pang-uring pamilang na binanggit. Magbigay ng halimbawa ng mga pang-uring pamilang na tinalakay. Hingan ng
karagdagang halimbawa ang mga mag-aaral.
Dalhin ang buong klase sa silid-aklatan. Hikayatin silang magsaliksik ng napapanahong balita. Ipasulat ang balitang ito sa kanilang kuwaderno. Ipakahon sa kanila ang mga pang-
uring pamilang na ginamit sa balita.
Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi sa harap ng klase ang balitang nakalap.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay ukol sa pangngalan na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.
TRANSFER

Bilang paglalahat, basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.

Day 21-25
Aralin 5 – “Ang Pagtulong sa Kapuwa, Hatid Ay Biyaya”

PAGTUKLAS

Magpakita ng larawan ng isang batang lansangan – marumi ang damit, ang buhok ay mahaba at matigas, may hawak na sakong pinaglalagyan ng iba’t ibang bagay.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
* Sa iyong palagay, may kakayahan kaya siya/silang magbigay ng tulong sa kapuwa? Bakit mo nasabi iyon?
Sabihin: Anuman ang katayuan ng tao sa buhay, kaya niyang tumulong. Ang katayuan sa buhay ay hindi hadlang sa paghahandog ng tulong.
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Sabihin sa bawat pares na magbigay ng palagay sa bawat larawan:
* mga batang nagtitinda ng sampaguita sa lansangan
* tambak na basura sa gilid ng sapa
* batang tumatanggap ng medalya
Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong Analogy Organizer sa ibaba:

Sanhi: Sanhi:

Pagkakatulad: Pagkakaiba:

Sariling pagpapakahulugan:
Ipagawa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita. Pagkatapos nito, ipagawa sa kanila ang gawain sa Handa Ka Na Ba? Magkaroon ng
maikling talakayan tungkol dito.
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang lathalaing “Batang Lansangan, Nagwagi ng International Children’s Peace Prize” gamit ang pamamaraang DRTA (Directed Reading and
Thinking Activities).
Magtawag ng ilang mag-aaral upang isalaysay muli ang nabasa at napakinggang teksto ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod nito.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa sanhi at bunga na matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Ipanood sa mga mag-aaral ang isang video clip tungkol kay Kesz Valdez. Matapos nito ay hikayatin silang bumuo ng tatlong pahayag na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga hango
sa pinanood. Ipasulat ito sa kani-kanilang kuwaderno. Magtawag ng ilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang isinulat sa klase.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.

PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na sagutan ang Right/Wrong Chart sa ibaba. Hikayatin silang lagyan ng tsek (/) ang kahon ng
kanilang sagot. Unang ipasagot ito sa kanila bago ang talakayan. Balikan ang chart na ito matapos ang pagtalakay sa paksa.

Kaantasan ng Pang-uri
Bago ang Talakayan Pagkatapos ng Talakayan
Tama Mali Pahayag Tama Mali
Mayroong tatlong kaantasan ang pang-uri.
Ang kaantasan ng pang-uri ay tumutukoy sa kasidhian ng paglalarawan nito.
Isa sa mga kaantasan ng pang-uri ay lantay.
Gumagamit ng panlaping pinaka- sa pasukdol na kaantasan ng pang-uri.
Ang higit sa, di-hamak, di-gaano ay mga pariralang ginagamit sa pang-uring may kaantasang pahambing.

Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang gawain ukol sa wika.


Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin ukol sa kaantasan ng pang-uri.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay ukol sa kaantasan ng pang-uri na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase).
Ipanood sa kanila ang isang balita tungkol sa paghahandog ng tulong sa mga nabiktima ng paglindol sa Bohol.
Hikayatin ang bawat pangkat na bumuo ng ulat kaugnay sa pinanood na balita. Ipaalala sa kanila ang wastong gamit ng kaantasan ng pang-uri. Bigyan sila ng sapat na oras
upang isagawa ito.
Matapos ang ibinigay na oras ay tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang kanilang ginawa.
Balikan ang Right/Wrong chart. Pasagutan sa mga mag-aaral ang kolum na Pagkatapos ng Talakayan. Dito ay inaasahang maitama na ng mga mag-aaral ang impormasyong
dapat nilang iwasto.

TRANSFER

Bilang paglalahat, basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.
Colegio de Sta. Rita de San Carlos, Inc.
(formerly: Colegio de Sta Rita)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. # Main (034) 3126212/Annex (034) 312-5185
Fax. No. (034) 312-6824
Website: www.csr-scc.edu.ph
Email: csrbasic@gmail.com

S.Y. 2016 - 2017

TEACHER/DESIGNER: MR. JOSEPH D. LAPARAN SUBJECT: FILIPINO GRADE LEVEL: GRADE 3 QUARTER: 4th Araw: 25 Days

STAGE 1 DESIRED RESULTS

LSAR # 1 Ang pamantayan ng pagkatuto ay nakatuon sa mga Maiklling Kuwento, Sanaysay, Parabula, Liham, Mga Bahagi ng Aklat, Pagkakaiba ng Pang-uri at
Pang-abay, Pagbibigay-kongklusyon, Uri ng Pang-abay, Pagkilala sa Paksang Pangungusap ng Talata, Pangungusap na walang kaugnayan sa Talata, Pang-
ugnay, Pagbuo at pagpapalawak ng talata, Pangungusap, Pagbasa at pagsulat ng liham, Uri ng pangungusap ayon sa kayarian at gamit upang madaling
maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan,
damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa buhay at kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. Samakatuwid nalilinang ng mga
estudyante ang pagpapahalaga sa pag-iral ng mabuting pamamahala at pagiging mabuting mamamayang Pilipino maging lider man o tagasunod.
Mauunawan ng mga mag-aaral na:
1. Ang kapangyarihang kaugnay ng pagiging lider ay may katapat na mabigat na responsibilidad, ang lider ay dapat magsilbi at hindi
KAKAILANGANING pinagsisilbihan.
PAG-UNAWA 2. Ang isang mabuting lider ay yaman sapagkat siya ang mamumuno at gagabay sa pag-unlad kaya dapat lang na maging mapanuri ang tao sa
pagpili.
3. Pinuno man o hindi ay dapat magkaisa at magtulungan sapagkat ito’y nagbubunga ng tagumpay at pagbuti ng buhay.
4. Hindi kakayanin lang ng lider ang lahat ng gawain para sa pag-unlad ng bayan, mahalaga ang pakikipagtulungan ng lahat ng mga mamamayan.
5. Maraming paraan ang pagpapakita ng pagiging mabuting Pilipino kaya’t lahat ng Pilipino maging mga bata ay maaaring makagawa ng mga
bagay na makabubuti para sa bayan.
6. Mahalagang tangkilikin natin ang mga bagay at produktong sariling atin para makatulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
7. Ang mga batas at tuntunin ay dapat sundin at igalang upang magkaroon ng disiplina, kaayusan, at pag-unlad sa isang bayan.
8. Ang bawat tao ay may mga karapatang dapat pangalagaan at igalang subalit ang bawat karapatan ay may katumbas din namang tungkulin na
dapat isagawa at tuparin.
MAHAHALAGANG TANONG  Kung ikaw ay mapipili o mabibigyan ng pagkakataong maging lider ano-ano ang gagawin mo upang masabing ikaw ay isang mabuting lider?
 Bakit mahalaga ang matalinong pagpili ng pinuno o lider?
 Pinuno ka man o hindi, ano-ano ang magagawa mo upang makatulong kang higit pang mapabuti ang iyong bayan?
 Paano makatutulong ang mga mamamayan upang higit pang umunlad ang isang bansa?
 Paano maipapakita ng isang batang katulad mo ang pagiging mabuting Pilipino?
 Bakit mahalagang tangkilikin o bilhin ang mga produktong sariling atin?
 Bakit kailangang sundin ang mga batas? Ano ang mangyayari kung patuloy na lalabagin ng mga tao ang mga batas?
 Bakit mahalagang makamit ng isang tao ang lahat ng kanyang mga karapatan? Bakit mahalaga ring maisagawa naman niya ang kanyang mga
tungkulin?
TRANSFER GOALS  Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang…
 Makapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa mga impormasyon/kuwentong narinig.
 Makapagbibigay ng reaksiyon at nakalalahok sa iba’t ibang talakayan.
 Makagagamit ng matalinghagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di-tuwiran.
 Makagagamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap, pahayag, usapan at sitwasyon.
 Makauunawa sa iba’t ibang paraang ginagamit sa pagbibigay ng Mensahe sa pamamagitan ng visua media.
KAALAMAN Malalaman ng mga mag-aaral ang:
 Halina’t Magbasa! (Sanaysay)
 Mga Bahagi ng Aklat
 Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay
 Ang Mabuting Samaritano (Parabula)
 Pagbibigay-kongklusyon
 Uri ng Pang-abay
 Limampu’t Limang Mapa (Maiklling Kuwento)
 Pagkilala sa Paksang Pangungusap ng Talata
 Pangungusap na walang kaugnayan sa Talata
 Pang-ugnay
 Si Hesus at ang mga Mangingisda (Parabula)
 Pagbuo at pagpapalawak ng Talata
 Pangungusap
 Mga Liham Pangkaibigan (Liham)
 Pagbasa at pagsulat ng liham
 Uri ng pangungusap ayon sa Kayarian at Gamit

MGA KASANAYAN  Ang mga mag-aaral ay:

 Nakakikilala sa salitang may naiibang kahulugan


 Nakakikilala sa mga salitang nakapaloob sa mahabang salita
 Nakapagbibigay paliwanag sa mga tanong na bakit at paano
 Nakatutukoy kung ang pahayag ay tama o mali ayon sa binasa
 Nakakikilala kung ang pahayag ay totoo o likhang-isip lamang
 Nakapagsasabi ng mga pahayag na nagsasaad ng pagiging mabuting mamamayan
 Nakatutukoy ng mga bagay na dapat tandaan sa pagsasagawa ng pulong o meeting
 Nakagagamit sa pangungusap ng mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos o mga pang-abay na pamaraan
 Nakagagamit ng mga pariralang pang-abay
 Nakasasagot nang maayos at tumpak sa mga pagsasanay kaugnay ng mga pang-abay na pamaraan
 Nakasusulat nang kabit-kabit sa mga titik ng pangungusap na nagsasaad ng pagiging mabuting bahagi ng pamayanan bilang
lider man o bilang ordinaryong mamamayan
 Nakakikilala sa mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat ang kahulugan
 Nakakikilala sa kasingkahuluganng salita sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap
 Nakatutukoy sa mahahalagang detalye sa tula
 Nakahihinuha sa maaaring maging bunga ng mga pangyayari
 Nakapaglalahad ng mga gawaing makapagpapakita ng pagiging mabuting Pilipino
 Nakapagbibigy palagay tungkol sa napapanahong isyu
 Nakatutukoy sa pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay
 Nakasasagot nang maayos at tumpak sa mga pagsasanay kaugnay sa pagkakaiba ng mga pang-uri at pang-abay
 Nakasusulat nang kabit-kabit sa mga titik ng pangungusap tungkol sa pagiging mabuting batang Pilipino
 Nakapagsasabi kung tama o mali ba ang gamit ng salita sa pangungusap
 Nakatutukoy sa mahahalagang detalye sa kuwento
 Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
 Nakasusulat ng poster tungkol sa napapanahong isyu
 Nakakikilala at nakagagagamit sa kaalaman ukol sa iba’t ibang kulay
 Nakagagamit sa pangungusap ng mga salitang nagsasabi kung kailan ginawa ang kilos o mga pang-abay napamanahon
 Nakagagamit ng pariralang pang-abay sa pangungusap
 Nakasasagot nang maayos at tumpak sa mga pagsasanay kaugnay ng mga pang-abay na pamanahon
 Nakasusulat nang kabit-kabit sa mga titik ng pangungusap nagsasaad ng tungkol sa kahalagahan ng pagtangkilik sa mga
bagay na sariling atin
 Nakapipili ng salitang pupuno sa diwa ng pangungusap
 Nakakikilala sa kasalungat na kahulugan ng mga salita
 Nakatutukoy sa mahahalagang detalye sa kuwento
 Nakakikilala sa tauhan batay sa kanilang sinabi
 Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga batas o tuntunin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito
 Nakasusulat ng mga halimbawa ng liham pangkaibigan tulad ng liham paanyaya, pagtanggap sa paanyaya, pagbabalita,
paghingi ng paumanhin, at iba pa
 Nakagagamit ng pang-angkop sa pangungusap
 Nakasasagot nang maayos at wasto sa mga pagsasanay kaugnay ng mga pang-angkop
 Nakasusulat nang kabit-kabit sa mga titik ng pangungusap nagpapaalalang dapat sundin ang mga batas at tuntunin
 Nakasasagot ng isang crossword puzzle na bubuo sa kahulugan ng salita
 Nakapagsasabi kung tama o mali ang gamit ng salita sa pangungusap
 Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan
 Nakakikilala sa mga karapatang pambata at sa katapat nitong tungkulin
 Nakakikilala sa liham-pangalakal
 Nakagagamit ng mga pang-ukol sa pangungusap
 Nakasasagot ng maayos at tumpak sa mga pagsasanay kaugnay ng mga pang-ukol
 Nakasusulat nang kabit-kabit sa mga titik ng pangungusap nagsasaad ng paggalang sa karapatan ng kapwa tao

STAGE 2 ASSESSMENT EVIDENCES


PERFORMANCE TASK
G - goal G– Maipakita ang pagiging mabuting mamimili at magamit
R - role nang maayos ang limandaang Gamit na Bibilhin Presyo Gawa sa Bansang . . . pisong natanggap bilang regalo.
A - audience
S – scenario/situation R - Isa kang batang may limandaang pisong ibibili ng mga
P - product gamit mo.
S – standard/rubrics
A - Ang iyong nanay

S - Binigyan ka ng limandaang piso at sinabi ng nagbigay na gamitin mo raw ito sa pagbili ng mga gamit mo para sa paaralan o sa bahay. Sasama ka sa nanay mo sa
mall o palengke upang bumili. Bukod sa dapat kang makabili ng mga kinakailangang gamit ay dapat maipakita mo rin ang pagiging mabuting mamamayan sa
pamamagitan ng pagpili ng mga produktong gawang Pilipino.

P – Gumawa ng listahan ng mga bibilhin mo at kung magkano ang inaasahang presyo ng bawat isa at kung saan ito ginawa. Maaaring sundan ang format sa ibaba.

S – Ang iyong gagawin ay dapat magtaglay ng pamantayang nasa ibaba.


 Ang listahan ng mga bagay na bibilhin ay dapat magtaglay ng sumusunod na
Pamantayan:

1. Ang mga ito ay makabuluhan at talagang magagamit sa pang-araw-araw na gawain sa bahay man o paaralan.
2. Ang mga ito ay produktong gawa sa ating bansa.

IBA PANG PAGPAPATUNAY o Formative tests, long tests, periodical tests, and quizzes
o Answers to chapter tests and exercises
o Kuwaderno
o Takdang Aralin

ANTAS 3 MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Day 1-5
Aralin 1- “Ang Pagtulong sa Kapuwa, Hatid Ay Biyaya”

PAGTUKLAS

Pasagutansa mga mag-aaral ang sumusunod na pahulaan:


Kasama mo ako sa inyong tahanan
Hindi maaaring kaligtaan kung nasa paaralan
Samu’t saring karunungan sa aki’y matatagpuan
Buksan mo ang mga pahina nang lumawak ang kaalaman
Sino ako, iyo ngang hulaan!
Matapos mahulaan ng mga mag-aaral ang sagot, magkaroon ng maikli ngunit masiglang talakayan tungkol sa gamit at kahalagahan ng aklat.
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong na Prior
Knowledge Inventory.

Prior Knowledge Inventory


Mga Bahagi ng Aklat
Mga salitang alam ko na may kaugnayan sa paksa
1.
2.
3.
Kaalamang mayroon ako tungkol sa paksa
1.
2.
3.
Karanasan ko na may kaugnayan sa paksa
1.
2.
3.
Mga gusto kong matutuhan tungkol sa paksa
1.
2.
3.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Sabihin sa bawat pares na suriin ang kanilang aklat sa Filipino. Ipatala sa kanila ang alam nilang mga
bahagi ng kanilang aklat. Matapos ang ibinigay na oras ay tumawag ng pares na magbabahagi sa klase ng kanilang ginawa.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Bakit mahalagang matutuhan ang mga bahagi ng aklat?
* Paano mo magagamit sa araw-araw na buhay ang kasanayan sa pagkilala sa mga bahagi ng aklat?
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Saita.
Subukin kung natutuhan ng mga mag-aaral ang mga salitang pantalasalitaan. Ipagawa sa kanila ang gawaing pampisara. Ipabaybay sa mga mag-aaral ang
mga salitang natutuhan sa aralin.
Pagkatapos nito, ipasagot sa kanila ang mga tanong sa Handa Ka Na Ba? Hingin ang kanilang reaksiyon sa usapan. Tanungin ang mga mag-aaral hinggil sa
kanilang libangan.
Magkaroon ng maikling talakayan tungkol doon.
Basahin nang malakas (Iparinig sa mga mag-aaral) ang lunsarang tekstong “Halina’t Magbasa!” gamit ang teknik na “Banggitin ko … Dugtungan mo.” Sa
pagkakataong ito, sabihin sa mga mag-aaral na kapag narinig nila ang salitang AKLAT, tatayo sila at sabay-sabay na sabihin ang BASAHIN.
Pagkatapos ng pagbabasa ay magkaroon ng talakayan tungkol sa nilalaman ng maikling kuwento.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa mga bahagi ng aklat na matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Hikayatin ang bawat pares na suriin ang kanilang aklat sa Sibika at Kultura. Ipatala sa kanilang
kuwaderno ang mga bahagi ng aklat na sinuri.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.
PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang IRF chart sa ibaba:

IRF CHART Ipabasa sa mga mag-aaral ang


Paksa Initial Idea Refined Idea Final Idea panimulang Gawain tungkol sa wika.
Pang-abay Maaaring magbigay ng kaugnay na
tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa
mga mag-aaral na matuklasan ang araling
pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa
pang- abay at sa mga salitang inilalarawan nito.
Pag- usapan din ang pagkakaiba ng pang-uri at
pang- abay.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod:
* Unang Pangkat - Ipakita sa klase kung paano ang tamang pagbabalot ng aklat.
* Ikalawang Pangkat - Ipakita sa klase kung ano-ano ang angkop na gawi kapag nasa silid-aklatan.
* Ikatlong Pangkat - Ipakita sa klase kung ano-ano ang angkop na gawi kapag nasa inaaawit ang Lupang Hinirang.
* Ikaapat na Pangkat - Ipakita sa klase kung ano-ano ang angkop na gawi kapag nasa kantina ng paaralan.
* Ikalimang Pangkat - Ipakita sa klase kung ano-ano ang angkop na gawi kapag nasa silid-aralan.
Ipaalala sa mga mag-aaral ang wastong gamit ng pang-abaysa kanilang isasagawang demonstrasyon.
Bigyan sila ng sapat na oras upang mapaghandaan ang kanilang ipakikita.
Matapos ang inilaang oras ay tawagin isa-isa ang bawat pangkat upang ipakita sa klase ang kanilang inihanda.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay tungkol sa pang-abay na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.
Balikan ang IRF chart. Hikayatin ang mga mag-aaral na sagutan ang Final Idea.

TRANSFER
Basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase).
Bigyan ng tigkalahating manila paper ang pangkat.
Hikayatin ang bawat pangkat na isulat sa ibinigay na manila paper ang mga upangan sa tamang paggamit ng aklat maging ang mga bahagi nito.
Hikayatin silang gumamit ng mga pang-abay sa pahayag.
Matapos ang ibinigay na panahon ay tawagin ang bawat pangkat upang sa presentasyon.
Pangkatin ang klase sa lima. Sabihing bumuo sila ng maikling iiskit o dula-dulaan tungkol sa temang “Bahagi ng Ating Aklat: Alamin Natin.” Ipaliwanag sa
mga mag-aaral na bahagi ng kanilang dula-dulaan ay pagpapakilala sa iba’t ibang bahagi ng aklat. Mahalaga ring magamit nila nang tama ang mga pang-
abay.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Hasain Pa ang Talino.
Magsaliksik sa silid-aklatan o sa Internet ng kahalagahan ng pagbabasa. Isulat sa kuwaderno ang mga nakalap na datos. Isaalang-alang ang wastong gamit
ng mga pang-abay. Ibahagi sa klase ang nasaliksil sa susunod na pagkikita.

Day 6-10 Pagbibigay-kongklusyon


Aralin Ano ang alam ko? Ano ang hindi ko alam? 2- ”Aral
sa Buhay:
Mahalin Maging
ang

Kaaway”

PAGTUKLAS

Ipanood sa mga mag-aaral ang video clip tungkol sa pagtutulungan. Maaaring bisitahin ang website na
http://www.youtube.com/watch?v=e3cULs3N6Mw.
Pagkatapos mapanood itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
* Ilarawan kung ano ang ginagawa ng mga karakter sa pinanood.
* Bakit sa palagay ninyo mahalaga ang pagtutulungan?
* Kapag kailangan ba ng inyong kapwa ang inyong tulong, handa ba kayong tulungan siya? Bakit?
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Bigyan ng chart na What do you know? ang mga mag-aaral. Hikayatin silang humanap ng kapareha. Ang
bawat pares ay bibigyan ng panahon upang pag-usapan nila ang nilalaman ng sinagutan nilang chart.
Ano ang alam ko? Ano ang hindi ko alam?

Buod:

Matapos ang ibinigay na oras ay magtawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang napag-usapan ng pares.
Balikan ang ipinakitang video clip na panimulang gawain. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Sabihin sa bawat pares na magbigay ng
mensahe sa pinanood na video clip. Bigyan sila ng sapat na oras upang mapag-usapan ito.
Itanong sa mga mag-aaral:
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita.Pagkatapos nito, ipagawa sa kanila ang gawain sa Handa Ka Na Ba?
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang upangbulang “Ang Mabuting Samaritano.”
Linangin ang komprehensiyon ng mga mag-aaral sa pagbasa gamit ang teknik na Partner Retelling.

Ang Estratehiyang Partner Retelling

Ang estratehiyang ito ay ginagamit upang tulungan ang mga mag-aaral maalala ang mahahalagang impormasyon na nakalahad sa binasang teksto.
Sa pamamagitan ng pagpares sa mga mag-aaral upang ikuwentong muli ang binasa ay mabilis nilang maunawaan at maalala ang kanilang binasa. Mas
komportable rin ang mga mag-aaral na magbahagi sapagkat alam nila na may isa o dalawang nakikinig sa kanila.

Paano Isinasagawa?
1. Matapos basahin ng mga mag-aaral ang kuwento ay hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Samakatuwid, ang mga nabibilang sa isang pangkat ay
magkukuwento lamang at sa isa naman ay makikinig lamang.
2. Ang naunang naatasan bilang tagapagkuwento at tagapakinig ay magpapalitan ng papel matapos maisagawa ang unang pagbasa.
3. Kailangang pagtuunan ng pansin ng bawat pares ang mga mahahalagang bahagi o kaganapan sa kuwento.
4. Pagkatapos ito maisagawa ay hahanap ng ibang kapareha ang mga mag-aaral ngunit sa pagkakataong ito ay sasabihin lamang sa kapares ang
mahahalagang impormasyon o datos sa kuwento na kanilang naunawaan mula sa unang pagbasa.

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng paksa ng pinakinggan/binasang teksto.


Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Ang bawat pangkat ay bibigyan ng manila paper na may
balangkas na tulad ng sa ibaba:

I. (Isulat dito ang unang naganap)


A. (Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
B. Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
c. ( Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
II. (Isulat
URI NG PANG-ABAY dito ang
Mga tanong ko Mga sagot mo

ikalawang naganap)
A. ( Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
B. Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
c. ( Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
III. (Isulat dito ang ikatlong naganap)
A. ( Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
B. Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )
c. ( Dito isusulat ang mga kaugnay na detalye )

Bigyan sila ng sapat na panahon upang isagawa ito.


Matapos ang ibinigay na panahon ay tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi ang ginawa.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Sabihin sa bawat pares na bumuo ng tanong na hango sa mga pangyayari sa binasang akda.
Kailangang magamit nila ang mga salitang pantanong tulad ng ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, sino-sino. Isusulat nila ang mga tanongsa kanilang
kuwaderno. Bigyan sila ng oras upang magpalitan ng tanong. Matapos ang gawain ay hingin ang balik-puna ng mga mag-aaral.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa pagbuo ng kongklusyon na matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.

PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Sabihing bumuo sila ng mga tanong tungkol sa paksa.
Pasagutan nila ito sa kanilang kapareha. Gayundin ang gagawin ng kanilang kasama. Punan nila ng hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong na
Tanong-Sagot sa ibaba.
Mga tanong mo Mga sagot ko

Tanungin ang mga mag-aaral kung naalala pa nila ang natalakay na aralin tungkol sa pang-abay.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang mapagbigay ng kahulugan ng pang-abay.
Sabihin sa mga mag-aaral na magbigay ng pangungusap na ginagamit ang pang-abay. Maaaring itala ito ng guro sa pisara.
Tanungin ang mga mag-aaral:
* Paano naiiba ang pang-abay sa ibang bahagi ng pananalita?
* Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng pang-abay sa pahayag?
Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang gawain tungkol sa wika.
Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa mga uri ng pang-abay – pamaraan, pamanahon, panlunan, at panggaano.
Magbigay ng mga halimbawang pangungusap na ginamitan ng iba’t ibang uri ng pang-bay. Hikayatin din ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling
halimbawa.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay tungkol sa pandiwa na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.
Linangin ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Sabihing sumipi sila ng talata buhat sa binasang seleksiyon na mayroong pang-abay. Ipasulat ito sa
kanilang kuwaderno.

TRANSFER

Basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.


Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase )
Bigyan ang bawat pangkat na kalahating manila paper.
Hikayatin ang bawat pangkat na bumuo ng diyalogo tungkol sa paksang: “Ang mabuti sa kapuwa ay nagkakamiy ng biyaya.”
Ipaaala sa mga mag-aaral ang angkop na pagbibigay ng kongklusyon at wastong gamit ng mga uri ng pang-abay.
Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang isagawa ito.
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang ginawa.
Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang talata na naglalahad ng sariling ideya at opinion kung paano isulong ang pagmamahal sa pagbasa ng mga
upangbula. Isulat niyo ito sa kuwaderno. Ipaalala sa kanila ang angkop na pagbibigay ng kongklusyon at wastong gamit ng mga uri ng pang-abay.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain at pagsasanay sa Hasain pa ang Talino.
Pumili ng patalastas sa telebisyon na pinakagusto mo. Isulat ang buod nito sa inyong kuwaderno. Isulat din ang kongklusyong nabuo mo mula sa
patalastas.

Day 11-15
Aralin 3- ‘’Ang Tulong na Hatid ng mapang Iginuhit”
PAGTUKLAS

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang Prediction Chart sa ibaba:

Pangungusap na Walang Kaugnayan sa Paksa


Prediksiyon Dahilan Pruweba

Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha ang mga mag-aaral. Sabihin sa bawat pares na bumuo ng talata tungkol sa kahalagahan ng mapa.
Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat ay magkakaugnay ang mga pangungusap sa talat.
Matapos ang ibinigay na oras ay tumawag ng ilang pares upang ibahagi sa klase ang ginawa.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Bakit mahalagang magkakaugnay ang mga pangungusap sa talata?
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita.
Pagkatapos nito, ipagawa sa kanila ang gawain sa Handa Ka Na Ba? Sabihin: “Dahil pinag-usapan natin kanina ang kahalagahan ng mapa, sa
pagkakataong ito ibig kong kayo naman ang gumawa ng mapa. Ang gagawin ninyo ay ang mapa ng inyong tahanan.”
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang maikling kuwentong “Limampu’t Limang Mapa” gamit ang pamaraang 5-Dimensyon sa Pagbasa.
Ipasalaysay muli sa mga mag-aaral ang binasa o pinakinggang teksto sa tulong ng grapikong pantulong sa ibaba:

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat na Ikalimang


Pangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari
Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan sa pagbasa. Ipakuwento sa kanila ang nabasang akda na kahawig ng binasang
akda.
Talakayin ang kahalagahan ng mapa sa pagtuturo ng direkisyon. Isagawa ito sa pamamagitan ng kolaboratibong gawain tulad ng mapping.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa paksang pangungusap at pangungusap na walang kaugnayan sa talata na matatagpuan sa Linangin ang
Pagbasa. Isagawa ito sa pamamagitan ng larong pangwika tulad ng nasa ibaba.
* Pangkatin ang klase sa lima. Sabihin sa kanilang pagsama-samahin ang mga pangungusap na magkakaugnay. Sa pamamagitan nito dapat matukoy
nila ang pangungusap na hindi kaugnay.

Natuklasan ang mga isla, bayan, at pamayanan noong unang


Malaki ang tulong ng mapa sa buhay ng tao.
panahon dahil sa ginamit na mapa ng mga manlalakbay.

Simula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan,


Kartograper ang tawag sa mga taong gumagawa ng mapa. ginagamit ang mapa upang matukoy ang kinaroroonan ng isang
lugar.

Ipanood sa mga mag-aaral ang halimbawang patalastas. Maaari ring gumamit iba pang patalastas na makukuha sa Internet. Matapos maipanood sa mga
mag-aaral hikayatin silang bumuo ng talata na may 5-7 pangungusap tungkol dito. Bigyang-linaw sa kanila na dapat magk

PAGLINANG
Mga Pang-ugnay
Know Want Learned
Alam ko Nais kong malaman Nalaman ko

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Ipasagot sa mga mag-aaral ang KWL chart.

Ipabasa sa mga mag-aaral ang talakayan tungkol sa wika.


Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa pang-ugnay – pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase). Bigyan ang bawat pangkat ng kalahating manila paper.
Hikayatin ang bawat pangkat na iguhit sa manila paper ang mapa ng kanilang paaralan.
Bigyan sila ng sapat na oras upang isagawa ito. Ipaalala sa mga mag-aaral ang wasto at angkop na gamit ng mga pang-ugnay.
Matapos ang ibinigay na panahon ay tawagin ang mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang ginawa.
Ipasipi sa mga mag-aaral ang sumusunod na talata. Hikayatin silang punan ng angkop na pantukoy ang mga patlang upang mabuo ang diwa nito.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay tungkol sa pangngalan na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.
Balikan ang KWL chart. Ipapuno sa mga mag-aaral ang huling hanay. Ipasulat sa kanila ang kanilang nalaman matapos matalakay ang paksa.

TRANSFER

Basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.


Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase).
Bigyan ang bawat pangkat ng kalahating manila paper. Sabihin sa kanilang magsulat ng talata sa manila paper tungkol sa paksang: “Ang tunay na kaibigan
ay nagdadamayan.”
Ipaalala sa kanila na iwasan ang pagsama ng mga pangungusap na walng kaugnayan sa paksa. Ipaalala rin sa kanila ang tamang gamit ng mga pang-ugnay.
Matapos ang ibinigay na panahon ay tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang inihanda.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Hasain Pa ang Dunong.
Magsaliksik ng iba’t ibang uri ng mapa.
Magsulat ng isang talatang may lima hanggang pitong pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan. Sikaping ang mga pangungusap na ginamit
ay magkakaugnay. Ibahagi ito sa susunod na pagkikita.
Day 16-20
Aralin 4- “Ang Tunay na Himala, sa Puso Nakikita”

PAGTUKLAS

Magpakita ng larawan ng isang batang nagdarasal. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng bata. Pangunahan ang talakayan tungkol sa
pagkakaroon ng pananampalataya. Itanong sa mga mag-aaral:
* Ano ang kahalagahan ng pagdarasal?
* Bakit mahalagang manalig sa Dakilang Lumikha?
* Paano nakatutulong sa iyo at sa iyong pamilya ang pagdarasal at pananampalataya?
* Sa iyong palagay, ang pananampalataya ba ay maaaring magbunga ng himala?
Ipanood sa mga mag-aaral ang video clip tungkol sa pagharap sa mga pagsubok nang may pananalig sa Diyos.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa Handa Ka Na Ba? Pagkatapos ng pagsagot ng mga mag-aaral ay magkaroon ng balik-puna tungkol sa kanilang
ginawa.
Alamin ang prior knowledgeng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Ipapuno sa kanila ang kasunod na grapikong
pantulong na KWLH. Hikayatin silang gumamit ng pandiwa sa kanilang mga sagot.

Know Want to learn Learned How can I


learn more
Alam ko . . . Nais kong matutuhan . . . Natutuhan ko . . . Paano pa
madag-
dagan ang
natutuhan

Paghanapin ng kapareha ang mga mag-aaral. Hikayatin ang bawat pares na bumuo ng talata tungkol sa paksang: “Ang pananampalataya ay mahalaga.”
Ipaalala sa kanila ang natutuhan tungkol sa pagbuo ng talatang may magkakaugnay na pangungusap. Matapos ang ibinigay na oras ay magtawag ng ilang
pares upang ibahagi sa klase ang ginawa.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Naging mahirap basa inyo o madali ang ginawa?
* Saan kayo nahirapan? Bakit
* Saan kayo nadalian? Bakit?
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita. Pagkatapos nito, ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa
Handa Ka Na Ba? Pangunahan ang pagtalakay hinggil sa kahalagahan ng pananalig at pananampalataya sa Dakilang Lumikha.
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang upangbulang “Si Hesus at ang mga Mangingisda.”
Pangunahan ang pagtalakay tungkol sa mahahalagang pangyayari sa kuwentong nabasa o napakinggan.
Linangin ang komprehensiyon at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral tungkol sa akda sa pamamagitan ng teknik na Anticipation Guide.
Teknik na Anticipation Guide

Ang teknik na Anticipation Guide ay gagamitin bago ng pagbasa, habang nagbabasa at pagkatapos ng pagbasa. Ang teknik na ito ay
hahasa sa kritikal at lohikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Susukatin din nito ang iskima at dating karanasan ng mga mag-aaral kapanabay
ng paghasa ng kanilang kasanayan sa pagbibigay ng kahika-hikayat na pangangatwiran. Hinihikayat nito ang mga mag-aaral na magkaroon
ng personal na koneksiyon sa akdang babasahin at mapagsanib nila ang kanilang mga karanasan at mga pangyayari sa babasahin.

Pagsasagawa:

Bago ng Pagbasa:

1. Bumuo ng anticipation guide template (tingnan ang halimbawa sa ibaba)


2. Ipamahagi ang anticipation guide template na nabuo. Ito ay kinatatampukan ng mga pahayag na maaaring sagutin ng mga mag-aaral ng
“sumasang-ayon” o “tumututol.” Isaalang-alang din na ang mga pahayag ay marapat na makapanghihikayat sa mga mag-aaral na mag-isip
ng lohikal at kritikal. Isang halimbawa ng pahayag na maaaring gamitin sa anticipation guide ay; Dapat na paniwalaan lamang ng tao ang
mga bagay na kaniyang nakikita.
3. Bigyang-linaw sa mga mag-aaral na ito ay hindi pagsusulit kundi isang oportunidad upang lalo pa nilang mapaghusay ang kanilang
kakayahan sa pangangatwiran at matalinong pag-iisip. Hikayatin silang sagutan ang ibinigay sa kanila na template.
4. Ihanda ang klase upang sa pangkalahatang talakayan. Upang mahikayat ang lahat na makibahagi maaaring pagtaasin ng kamay ang
nagsasabing “sumasang-ayon” o “tumututol” sa bawat pahayag. Magtawag din ng ibang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang kaisipan.
5. Maaaring itala ng guro ang kasagutan ng mga mag-aaral.

Habang Bumabasa

1. Talakayin ang paksa ng babasahing akda at kung paano ito maiuugnay sa sinagutang Anticipation Guide.
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na sa pagbabasa ay isaalang-alang nila ang sinagutang template upang maitala nila ang pahayag sa teksto na
susuporta o sasalungat sa kanilang sagot.

Pagkatapos Bumasa

1. Hikayatin ang mga mag-aaral na balikan ang mga pahayag at magtala ng mga kaisipang kanilang natuklasan sa tekstong binasa na
maaaring mapagtibay o magpabago ng kanilang opinion.
Anticipation Guide Template

Bago Bumasa Mga Mga Pahayag Mula sa Teksto Pagkatapos Buma


Pahayag
Sumasang-ayon Marapat na Sumasang-ayon
o paniwalaan o
Tumututol lang ng tao Tumututol
ang mga
bagay na
kanyang
nakikita.
Sumasang-ayon Totoong Sumasang-ayon
o may himala o
Tumututol rito sa lupa Tumututol
Sumasang-ayon Maniwala Sumasang-ayon
o ka lamang o
Tumututol at ang lahat Tumututol
ng ibig mo
ay
matutupad

* Maaaring magdagdag ng iba pang pahayag.

Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase)
Ang bawat pangkat ay bigyan ng kalahating manila paper na may grapikong pantulong na katulad ng sa ibaba.
Mga Tauhan Tagpuan Mga Pangyayari

Unang Pangyayari

Ikalawang Pangyayari

Ikatlong Pangyayari

Ikaapat na Pangyayari

Ikalimang Pangyayari

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.


Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Sabihin sa kanilang bumuo ng tanong tungkol sa mga impormasyong matatagpuan sa binasang akda.
Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno. Matapos ang ibinigay na oras ay ipasagot ng bawat kapareha ang nabuong tanong sa ibang kapareha. Ito ay upang
lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng akdang binasa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa pangunahing kaisipang matatagpuan sa kuwento o tekstong matatagpuan sa Linangin ang Pagbasa.
Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng talata tungkol sa aral na kanilang natutuhan sa tekstong binasa. Ipaalala sa kanila ang natutuhang kaalaman
tungkol sa pagbuo ng talata.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.
Balikan ang KWLH chart. Hikayatinang mga mag-aaral na punan ang huling dalawang hanay ng mga hinihinging impormasyon.

PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang Jot Chart sa ibaba:

Bahagi ng Pangungusap
Paksa Panaguri
Kahulugan Nito
Halimbawa Nito

Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang gawain tungkol sa wika.


Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pangwika.
Talakayin ang aralin tungkol sa pangungusap. Bigyang-linaw sa mga mag-aaral ang mga dapat tandaan upang matukoy kung pangungusap o hindi ang
pahayag.
Pag-usapan ang mga bahagi ng pangungusap. Talakayin sa mga mag-aaral ang kaibahan ng paksa at panaguri o bise bersa.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase).
Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper o kartolina.
Hikayatin ang bawat pangkat na bumuo ng limang kasabihan hango sa tema o paksa ng binasang upangbula. Isulat ang mga ito sa ibinigay na manila
paper o kartolina. Ipaalala sa kanila ang angkop na pagbuo ng pangungusap.
Pasagutan ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong upang matasa ang natutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa bagong aralin.

TRANSFER

Basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.


Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng talata tungkol sa temang: “Maging mabait na bata, araw-araw ay gawin ang tama.”
Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno.
Ipaalala sa mga mag-aaral ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata at ang angkop na pagbuo ng mga pangungusap.
Dalhin ang klase sa silid-aklatan.
Hikayatin silang magsaliksik ng iba pang upangbula.
Ipasulat sa kanila ang buod nito sa kuwaderno.
Ipaalala sa kanila ang mga hakbang sa pagbuo ng talata maging ang angkop na pagbuo ng pangungusap.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Hasain Pa ang Talino.
Sabihin sa mga mag-aaral na bisitahin ang Web site na http://www.youtube.com/watch?v=DeFMdFTypW8. Pagkatapos ay ipasulat sa kanilang
kuwaderno ang pangunahing kaisipan sa pinanood na kuwento.
Day 21-25
Aralin 5 – “Sa Pinadalang Liham, Damdamin Napaaalam”

PAGTUKLAS

Ipanood o iparinig sa mga mag-aaral ang awiting “Kaibigan.” Magkaroon ng maikli ngunit masiglang talakayan tungkol dito. Itanong sa mga mag-aaral:
* Ilarawan ang iyong kaibigan, ibigay ang kanyang mga katangian.
* Anong pangyayari ang hindi mo makalilimutan tungkol sa iyong kaibigan?
* Kayo ba ay nagtutulungan? Sa paanong upangan?
Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang T-chart sa ibaba.

Liham Pangkaibigan
Bentahe ng Pagsusulat ng Liham Pangkaibigan Disbentahe ng Pagsusulat ng Liham Pangka

Paghanapin ng kapareha ang mga mag-aaral. Sabihin sa kanilang bumuo ng sulat tungkol sa kaibigang nasa malayong lugar. Matapos ang ibinigay na oras
ay tumawag ng ilang pares upang ibahagi sa klase ang ginawa.
Itanong sa mga mag-aaral:
* Ano-ano ang mga bahagi ng liham na inyong isinulat?
* Bakit mahalaga ang kaalaman sa mga bahagi ng liham?
Ipabasa at ipasagot sa mga mag-aaral ang gawaing pantalasalitaan sa Talas ng Salita. Pagkatapos nito, ipabasa sa kanila ang usapang Handa Ka Na Ba?
Hingin ang kanilang reaksiyon sa usapan. Tanungin ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang libangan. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol doon.
Ipabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang tekstong “Liham Pangkaibigan” gamit ang pamaraang 5-Dimensyon sa Pagbasa.
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Pagbubukas-Diwa.
Talakayin ang aralin sa pagbasa hinggil sa pagsulat ng liham.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Talasan Pa ang Dunong.

PAGLINANG

Alamin ang prior knowledge ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ng hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong na Ready,
Set, Go, Whoa!

Pangungusap Ayon sa Kayarian


Ready Set Go Whoa
Ano ang alam ko? Anong bagong impormasyon ang sa palagay Anong Bagong impormasyon ang natutuhan Ano pa ang tanong ko
ko ay matutuhan ko? ko?
Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng pangungusap. Itanong sa mga mag-aaral:
* Kailan masasabi na ang pahayag ay pangungusap?
* Ano-ano ang mga bahagi ng pangungusap?
* Ano-anong uri ng pangungusap ang nalalaman/natatandaan pa ninyo?
Talakayin sa mga mag-aaral ang aralin sa wika tungkol sa mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian at gamit.
Maaaring magbigay ng kaugnay na tanong tungkol sa binasa na siyang tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang araling pang-wika.
Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga halimbawang pangungusap sa bawat uri nito ayon sa kayarian at gamit.
Pangkatin ang klase sa lima (maaaring mas kaunti o mas marami depende sa laki ng klase).
Sabihin sa bawat pangkat na mag-obserba ng mga pangyayari sa kanilang paaralan.
Hikayatin silang gumawa ng ulat tungkol dito. Ipasulat ito sa manila paper o kartolina. Bigyan sila ng sapat na oras upang isagawa ito
Matapos ang ibinigay na panahon ay ipaulat sa klase ang kanilang inihanda.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay tungkol sa pangngalan na makikita sa Talasan Pa ang Dunong.
Balikan ang tsart na pinapunan sa mga mag-aaral. Hikayatin silang punan ng hinihinging impormasyon ang huling dalawang hanay.

TRANSFER

Basahin at talakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Mga Gintong Kaisipan.


Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham sa kanilang kaibigan. Isagawa nila ito sa kanilang kuwaderno. Ipaalala sa kanila ang angkop na gamit
ng mga pangungusap ayon sa kayarian at gamit.
Pasagutan ang mga pagsasanay sa Hasain Pa ang Talino.
Sino ang paborito mong bayani? Bakit siya ang itinuturing mong bayani? Ipagpalagay na buhay pa ang napili mong bayani ay sulatan siya ng isang liham
na nagpapasalamat. Ilahad mo sa iyong sulat ang mga bagay na kanyang ginawa na iyong pinupuri. Sa paggawa ng liham, isaalang-alang ang iyong
natutuhan tungkol sa mga bahagi ng liham pasasalamat at angkop na gamit ng mga pangungusap ayon sa kayarian.

You might also like