You are on page 1of 4

LABAS SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Ikalawang Panahunang Pagsusulit


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan: __________________________________ Iskor: _____________________


Track/Istrand: ____________________________ Guro: ________________________

I. Basahin ang pangungusap at isulat ang letra ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.

______1. Ito ay isang aspeto na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga
mensahe at maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob ng ispesipikong konteksto.
A) Estratedyik B) Komunikatibo C) Sosyolingguwistiks D) Lingguwistiks
______2. Kontekstong komunikasyon na ang mensahe at kahulugan dito ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o
ideya lamang.
A) Intrapersonal B) Pampubliko C) Interpersonal D) Pang-masa
______3. Pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod, at balangkas ng isang akda, programa, himig
at iba pa na hindi kinilala ang pinagmulan o kinopyahan.
A) Plagyarismo B) Pagwawasto C) Pananaliksik D) Pangangalap
______4. Ito ay mga isyu o anomang panlipunang penominal sa paggamit at paghulma ng wika.
A) Tagalog imperialism B) Sitwasyong Pangwika C) Istandardisasyon D) Modernisasyon
______5. Ginagamit ito sa kakayahang estratedyik upang punan ang limitado o imperpektong kaalaman sa tuntunin
sa wika at kontekstong sosyokultural para sa maayos na kamunikasyon.
A) Communicative strategies B) Coping Strategies C) Pragmatic Strategies D) Cultural Strategies
______6. Disenyo ng pananaliksik na ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan o
kaganapan sa nakalipas na panahon .
A) Historikal B) Eksperimental C) Deskriptib D) Empirikal
______7. Ito ay isang proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugang batay sa
impluwensya ng mga particular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang naguusap.
A) Mensahe B) komunikasyon C) tsanel D) Estandardisasyon
______8. Nakalap na pangunahing datos ng mananaliksik para sumagot sa mga suliranin ng kaniyang pag-aaral.
A) Primaryang Hanguan B) Ikatlong Hanguan C) Sekondaryang Hanguan D) Ikaapat na hanguan
______9. Ito ay uri ng ingay na tumutukoy sa mga suliranin sa pandinig, malalakas na ingay at ilaw kapaligiran,
gayundin ang espasyo kapag kausap.
A) Pisikal na ingay B) Sikolohikal ng ingay C) Relasyonal na ingay D) Pangnilalamang ingay
______10. Ang pangugusap ay pinagsasama-sama upang makabuo ng isang makabuluhang teksto.
A) Kohirens B) Kohisyon C) Retorikal D) Tekstuwal
______11. Ito ay tinatawag na batayang yunit ng impormasyon.
A) Detalye B) Datos C) Palagay D) Teorya
______12. Isang sistematiko, pormal, mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga lunas sa
suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at kaugnayan.
A) Wika B) Pagsulat C) Komunikasyon D) Pananaliksik
______13. Uri ng tayutay na tumutukoy sa paggamit ng salitang nagpalumanay o nagpapaganda sa mga marahas na
o di katanggap tanggap na salita sa sitwasyon o pangyari.
A) Anti-klaymaks B) Simili C) Hyperbole D) Eupemismo
______14. Dumaraan ito sa isang masusing interpretayon na walang bahaging pagkakamali ayon sa paggamit ng
tamang estatistika at analitikal na pagbibigay interpretasyon mula rito.
A) Hindi minamadali B) Empirikal C) Kwantiteytib D) Mapanuri
______15. Proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa impluwensya ng mga
partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.
A) Diskurso B) Komunikasyon C) Interpersonal D) Interkultural
______16. Magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng mga imporamsyon.
A) Balid B) Obhektibo C) Sistematiko D) Kontrolado
______17. Tumatalakay sa paraan kung paano makapag-aambag ang tagapagsalita sa isang usapan.
A) Retorikal na diskurso B) Tekstwal na diskurso C) Kohirens D) Kohisyon
______18. Analisis na ginagamit sa pagaaral ng kakayahang ito ang pagaaral ng relasyon sa porma at tungkulin ng
wika.
A) Estratedyik na analisis B) Komunikatibong analisis C) Diskursong analisis D) Semantikang analisis
______19. Estratehiya sa kakayahang estratedyik kung saan nakapaloob dito ang kompermasyon sa pahayag o pag
baback-up ng kausap sa pahayag o salita.
A) Kasingkahulugan B) Paraphrase C) Kasalungat D) Kooperatibo
______20. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinagaaralan at
karaniwang nangangailangan ng grupong lalapatan ng interbensyon at tatayaan ang pagbabgo naganap
kontra sa grupong hindi nilapatan ng interbensyon.
A) Historikal B) Eksperimental C) Deskriptib D) Empirikal
______21. Ito ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinsadya ng
pagpapahayag na gumagamit ng talinhaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang
bigyang diin ng kaniyang saloobin.
A) Tayutay B) Idyoma C) Gramatika D) Segmental
______22. Ito ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na
intelektwalisado ng sagayo’y mabisang magamit sa sopistikadong lawak ng karunungan.
A) Modernisasyon B) Transkripsyon C) Intelektwalisasyon D) Elaborasyon
______23. Desenyo ng pananaliksik na ginagamit ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kasalukuyang
palagayan ng isyu o paksang sinasaliksik.
A) Historikal B) Eksperimental C) Deskriptib D) Empirikal
______24. Prensipyo ng komunikasyon dahil ito ay isang aktibi (activity) at pagpapalitan (exchange) ng mga set na
pag-uugali o behaviour na hindi nagbabago ang produkto.
A) Simbolo B) Kahulugan C) Produkto D) Proseso
______25. Nakabatay sa katotohanan ng katibayan o ebidensya sa pamamagitan ng kakayahang idipensa o
ipaliwanag ang mga ito.
A) Balid B) Obhektibo C) Empirikal D) Mapanuri

B.Basahin ang pangungusap at isulat sa patlang ang hinihinging konsepto na nakapaloob sa kahon.

Morpolohiya Objectics Suprasegmental Speech Act


emphatics Ekspresib Emblem Disiplina
Sirkomlokusyon pragmatics Sosyolingguwistiks Pagtatransfer
Paralanguage Pampubliko silence Pitch
Linggua franca Illustrator

____________26. Tumutukoy sa mga kaalamang ekstralingguwistik na dapat na taglayin ng isang nagsasalita upang
makapagtao ng kahulugan mula sa sang sitwasyong komunikatibo.
____________27. Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng mga pinakamaliit nay unit
ng isang salita o morpema.
____________28. Ito ay pagtaas at pagbaba ng tono.
____________29. Ito ay yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,
kinakatawan ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
____________30. Pagkawala ng tunog o boses.
____________31. Kilos na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng papgpalo ng mesa, pagkuyom ng palad at pagtaas
ng kamay.
____________32. Gumagamit ng kanyang katutubong wika sa pagsasalita sa pagsasalin ng salita sa iba pang salita
(word for word) o sibnasadya naman nitong hindi isalin ang isang wika.
____________33. Ito ay kodang di-berbal kung saan tumutukoy sa paraan ng pananamit at paggamit ng iba’t-ibang
artifacts.
____________34. Ipinahahayag ang diskursong katuwaan, pagkabigo, kompliment ng paggusto, o pag-ayaw.
____________35. Kilos na substitute sa mga salita o parirala.
____________36. Kinakailangan magkaroon ng estandardisasyon dahil sa dami ng mga katawagan o salita na
ginagmit sa pag-aaral at pagtalakay sa isang tiyak na ____________.
____________37. Isinasaad na ang pangunahing premis na ang wika ay isang mode of action at isang paraan ng
pagko-convey ng impormasyon.
____________38. Gumagamit ng mga salitang maglalarawan o tutukoy sa isang layunin o aksyon.
____________39. Kilos na sinusundan o nagpapalakas sa berbal na mensahe.
____________40. Pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan at paano ito ginagait sa iba’t- ibang sitwasyong
panlipunan.

E. Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin kung TAMA O MALI ang konseptong inilalahad nito.

____________41. Naisasagawa natin ang pananaliksik sa ating pang-aaraw-araw na pamumuhay.


____________42. Layunin ng pananaliksik na bumuo ng problema upang pahirapan ang mga tao na mag-isip o
maging kritikal.
____________43. Umuusbong ang mga problema na maaaring gamitin sa isang pananaliksik batay sa kung ano ang
nagaganap sa ating lipunang ginagalawan.
____________44. Maaaring magkaroon ng pananaliksik na kwantiteytib at kwaliteytib ayon sa hinihingi ng
problemang pinag-aaralan.
____________45. Ang maling pag-iinterpret sa pananaliksik ay maaaring magdulot ng masamang pagbabago sa ating
lipunan kung kaya’t bilang mananaliksik, ang pagiging mapanuri sa ating gingawa ay dapat
isaalang-alang.
____________46. Bahagi ng pag-aaral ng pananaliksik ang pagsunod sa scientific method.
____________47. Ang empirical na katangian ng isang pananaliksik ay nagiging obhektibo lamang kapag ito ay
nagaganap sa manipulasyon ng mananaliksik sa isang datos.
____________48. Malaking tulong sa nagsisimulang mag-aaral ang paggamit ng I search dahil mas mapapadali niyo
na matutuhan ang kabuuan ng pananaliksik.
____________49. Kailangan sa gawaing pananaliksik ang tamang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa,
pag-aralan ito, at pagkatapos ay maingat na isusulat.
____________50. Ang mga nakukuhang impormasyon sa internet ay dapat na tamang suriin upang matukoy kung ito
ba ay makatutulong sa pananaliksik.
____________51. Maaari kang makabuo ng isang rekomendasyon at konklusyon bago isagawa ang pananaliksik.
____________52. Maaaring pagsamahin ang internal at external na baliditi sa isang pananaliksik
____________53. Mahalagang magkaroon ng saligang teorya o konsepto sa isang pananaliksik dahil ito ang
magiging batayan para matawag na siyentipikong pag-aaral.
____________54. Kwaliteytib ang katangian ng isang pananaliksik kung naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan
(Nature) ng isang sitwasyon o pangyayari na gamit ang pandama o senses.
____________55. Ang pananaliksik ay hindi maaaring maisagawa muli o magkaroon ng reduplikasyon dahil ito ay
natatangi lamang sa tagapag-saliksik nito.

F. Enumerasyon: Tukuyin ang mga hinihinging konsepto sa bawat bilang.

56-59 Paraan ng paghahanda ng pananaliksik


60-64 Paraan ng paghanap ng datos sa pangunahin o primary
65-70 Katangian ng mabuting pananaliksik

Sagutang ng buong husay at galing na mula sa sariling kakayahan, hindi mula sa kakayahan ng iba dahil ito’y kabalintuan ng
iyong pagkatao, kaya magsumikap tungo sa iyong ipagtatagumpay. Nasa iyong mga kamay ang iyong pag-unlad wala sa
ibang tao. (MClarens Laguerta)
LABAS SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

Blg. ng Kinalalagyan Blg. ng


KASANAYAN/KOMPETENSI Araw ng Aytem Aytem
 Nakikilala at natutukoy ang mga salita at pahayag batay sa
pangungusap. (PP11FC-1a-1.1) 8 1-40 40

 Nakikilala ang mga detalye tungkol sa pagkilala ng mali at


tamang mensahe batay sa pananaliksik (F11PT-Ia-85) 8 41-55 15

 Naiisa-isa ang mga detalye tungkol sa pananaliksik. (F11PS-


Ib-86) 8 56-70 15

KABUUAN 24 1-70 70

Inihanda ni:

MARION C. LAGUERTA
Master Teacher II

Binigyang – pansin ni:

JOCELYN B. REYES
OIC/Punungguro

You might also like