1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo! Sagot:
2. Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa
lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako? Sagot: 3. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? Sagot:
4. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo
ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano naman ang gumagapang sa kabayo? Sagot:
5. May sampung na ibon ang nakadapo sa isang
maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga? Sagot: 6. Si Lexia ay may laruang 'teddy bear'. Kung ang teddy bear ay nagce-celebrate ng kanyang ika-7 taon sa piling ni Lexia, ilang kandila na ang kanyang naihipan kung ang bilang ng kandila ay sing dami ng kanyang taon? Sagot:
7. Ikaw ay natutulog nang mawalan ng kuryente.
Narinig mong may kumakatok sa pintuan. Naalala mong may posporo sa mesang katabi ng kama mo at lamapara sa tabi nito. Tanong, ano ang una mong bubuksan? Sagot:
8. Si Reina ay anak ng doktor, paanong hindi ama ni
Reina ang doktor? Sagot: 9. Magkakaibigan sina Ryan, John, Lloyd at Lex na kapwang matataba. Iisa lamang ang dala nilang payong, paanong walang nabasa sa apat gayong iisa lamang ang kanilang dalang payong? Sagot:
10. Sa isang barkong galing sa Japan, nawalan ng
alahas ang kapitan kaya agad-agad niyang ipinatawag ang kayang mga kasama. Itinanong niya kung saan galing ang mga ito. Una ay si Hydn na drayber ng barko, ayon dito, nasa 'control room' lamang siya sa lahat ng oras. Sumunod ay ang mekanikong si Hiro, ayon sa kanya, inaayos niya ang makina sa ibabang bahagi ng barko. Huli ay si Reiji, ang taga-linis, ayon sa kanya, nakita niyang baligtad ang watawat na nakasabit sa poste kaya't inayos niya ito. Kinumpronta agad ng kapitan ng barko ang magnanakaw. Sino ang magnanakaw? Sagot: