You are on page 1of 17

6

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Romblon

FILIPINO
Pampagkatutong Pahina
( Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa)

Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo

Kagawaran ng Edukasyon •Rehiyong MIMAROPA


Paglalarawan ng Katangian ng Tauhan Batay sa Kilos
o Pananalita
Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2021

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Hindi inaangkin ni kinakatawan ang tagapaglathala (publisher) at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA- Dibisyon ng
Romblon
SDS: MARIA LUISA D. SERVANDO, Ph. D., CESO VI
ASDS: MABEL F. MUSA Ph. D, CESE

Kagawaran ng Edukasyon •Rehiyong MIMAROPA


Mga Bumuo ng Kagamitang ito para sa Mag-aaral

Manunulat: Edralyn L. Fabello at Joebe F. Fabello

Pangnilalamang Patnugot: Ma. Mia B. Muros

Editor ng Wika: Ma. Jennilyn M. Madeja

Ilustreytor: Wenceslao V. Morales Jr.

Tagapag-anyo: Wenceslao V. Morales Jr.

MgaTagasuri: Elalbe F. Junio, Maria Teresa M. Famorcan, Fe M. Moreno, Ma. Mia B.


Muros, Shieme M. Maestro, Lea M. Manungay, Germelyn M. Bauyon, Nema M.
Forcado,Ma.Jennilyn M. Madeja, Reynalyn E. Molo, Hilda M. Fondevilla, Wenceslao V.
Morales Jr, Ilene M. Moreno

MgaTagapamahala:

Maria Luisa D. Servando Ph. D., CESO VI SDS


Mabel F. Musa, Ph.D, CESE, ASDS
Melchor M. Famorcan, PhD, CID Chief
Elalbe F. Junio, EPS-Filipino/MTB-MLE
Ruben Dela Vega, EPS- LRMS

InilimbagsaPilipinas ng:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA- Dibisyon ng Romblon
Office Address: Brgy. Capaclan Romblon, Romblon
E-mail Address: deped.sdoromblon@deped.gov.ph

Kagawaran ng Edukasyon •Rehiyong MIMAROPA


6
Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan- Ikaanim
na linggo
Talaan ng Nilalaman

Paglalarawan ng Katangian ng Tauhan Batay sa Kilos o Pananalita ……. 1

Alamin Natin ……………………………………………………………………………..

Tuklasin Natin…………………………………………………………………………….

Pagpapalawak ng Talasalitaan…………….………………………………………….

Halinat tayo’y Magbasa………………………………………………………………….2

Ang Pugad sa Sanga


ni Angelita L. Aragon et ell ………………………………………………… ………..

Pag-alam sa Natutuhan……………………………………………………………… 3

Teksto 2
Walang Kapalit
Lourdes Arellano Et all… ………………………………………………………… …. 5

Tandaan……………………………………………………………………………………..7

Tayahin…………………………………………………………………………………… 8

Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………… 10

Sanggunian ………………………………………………………………………….…. 11
Aralin 6
Paglalarawan ng Katangian ng Tauhan Batay sa Kilos
o Pananalita

MELC: Nailalarawan ang katangian ng tauhan batay sa kilos o


pananalita.

Alamin Natin
Alam mo ba…
Ang paglalarawan ng katangian ng tauhan batay sa kilos o pananalita ay
isang kasanayan sa pagbasa upang ilarawan ang mga katangiang tumutukoy sa
kilos at pananalita ng tao ayun sa kanyang pag-uugali.

Tuklasin

Ngayon ay tatalakayin natin ang tungkol sa paglalarawan ng katangian ng


tauhan batay sa kilos o pananalita ngunit bago iyon atin munang
masahin ang isang tekstong hitik sa kaalaman at pagkatapos nito’y
paunlarin mo ang iyong kasanayan at kakayahan sa mga talasalitaang
masusumpungan mo sa iyong teakstong babasahin. Alam kong handa
kana. Simulan mo na!

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat


pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

nakita pangkat pag-aalala


pumunta natatakpan nababasag

1. Maaga pang nagtungo si Nathan sa bukid.


2. May namataan akong mga ibong nagliliparan doon.
3. Isang langkay ng mga ibon ang nagliliparan.
4. Nakaramdam siya ng pangamba at kutob na isa sa mga nahuli nina
Japh at Jeff ang kanyang ibon.
5. Nakita niyang ang mga ibon ay nasa kanyang pugad at nalilimliman
ang mga itlog na naroon.

1
Halina’t Tayo’y Magbasa

Teksto 1
Ang Pugad sa Sanga
ni: Angelita L. Aragon et all.

Maaga pang nagtungo


si Nathan sa bukid
upang bisitahin ang
pugad na kanyang
iniingatan sa itaas ng
puno. Nakita niyang ito
ay mayroong limang
itlog. Siya ay nangingiti
habang ito ay kanyang
pinagmamasdan. Ang
pugad ay hindi
pansinin ng mga
batang naninirador ng
mga ibon.
Kinahapunan, habang siya
ay nagpapastol ng kanilang
kalabaw sa tabi ng punong ito, dalawang pinsan niya ang papalapit sa kanya na nagtatawanan.

“Japh, Jeff, ano ba ang inyong pinagtatawanan? “Ang tanong ni


Nathan.

“ Alam mo bang nakalima na kami ng ibong nahuhuli? Isa na lang,


para tigtatlo na kami, “ang tugon ni Japh.

“Mayroon ka bang napansing ibon sa itaas ng punong ito, Nathan’’?


Ang tanong sa kanya ni Jeff.

“Wala’’. ‘’Kanina pa ako rito’’. ‘’Baka doon sa mga punong iyon’’. ‘’May
natamaan akong mga ibong nagliliparan doon”. Ang pagkakaila ni Nathan
sa dalawa.

Sa pagtanaw ng dalawa sa itinuturo ni Nathan, isang langkay ng mga


ibon ang nagliparan.

2
Tuwang – tuwa ang dalawa sa nakita. Sila ay naghahalakhakan
habang papunta sa lugar na maraming ibon.

Labis-labis ang pag-aalala ni Nathan na baka ang ibong kanyang


inaalagaan ay kasama sa isang langkay na lumilipad. “Kapag nagkaganon,
paano na ang mga itlog na nasa pugad’’? ang tanong ni Nathan sa sarili na
may pangamba. ‘’Sana naman, hindi nakasama ang ibong iniingatan ko”.

Dumidilim na, wala pa rin ang ibon. Dati-rati, kapag lumulubog na


ang araw ay dumarating na ito mula sa paghahanap ng pagkain.
Nakaramdam siya ng pangamba at kutob na baka isa sa mga nahuli nina
Japh at Jeff ang kanyang ibon.

Madilim na, nakaramdam si Nathan ng takot dahil nag-iisa lamang


siya sa bukid kaya’t malungkot siyang umuwi.

Kinabukasan, pagsikat ng araw, bumalik siya sa bukid upang tingnan


ang pugad sa sanga. Nakita niyang ang ibon ay nasa kanyang pugad at
nalilimliman ang mga itlog na naroon.

Pinagkunan; Bagong Filipino sa Salita at Gawa,


Aklat sa Pagbasa 5, pahina 86-87

Pag-alam sa Natutuhan

I. Pag-unawa sa Binasa
Gawain 1
Panuto: Isulat sa papel ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Paano mo ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento? Magbigay ng mga
patunay sa iyong paglalarawan.
4. Sino sa mga tauhan sa kuwento ang gusto mo? Bakit?

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat sa papel
ang letra ng tamang sagot.

1. Anong katangian ang ipinapakita ni Nathan nang maaga pa niyang


binisita ang pugad na kanyang iniingatan sa itaas ng puno?
A. maagap B. masipag C. masunurin D. matulungin

3
2. Anong katangian ang ipinapakita ni Nathan nang siya ay nagpastol ng
kanilang kalabaw?
A. matalino B. masipag C. magalang D. matapat

3. Batay sa pananalita ni Nathan na mababasa sa loob ng kahon sa


ibaba, paano mo siya ilalarawan?

“Japh, Jeff, ano ba ang inyong pinagtatawanan?” tanong ni


Nathan.

A. nagtataka B. nagtatampo C. nagdududa D. nag-aalala

“Alam mo bang nakalima na kami ng ibong nahuhuli? Isa na lang para


tigtatlo na kami.”

4. Sa sinabing ito ni Japh, anong katangian ang kanyang ipinapakita?


A. may malasakit sa mga ibon
B. walang malasakit sa mga ibon
C. nasisiyahan sa mga ibon
D. namamangha sa mga ibon

5. Kinabukasan, pagsikat ng araw ay bumalik si Nathan sa bukid upang


tingnan ang pugad sa sanga at kung nakabalik na ang ibon sa
paghahanap ng pagkain. Kung susuriin ang kilos ni Nathan,
mailalarawang siya ay____________
A. nasisiyahan sa mga ibon
B. namamangha sa mga ibon
C. may malasakit sa mga ibon
D. walang malasakit sa mga ibon

4
Teksto 2
Walang Kapalit
Lourdes Arellano, et all…

Tagapamahala si Mang Ador ng isang kumpanya ng taksi sa Cebu.


Boss ang tawag sa kanya ng mga tsuper at iba pang empleyado ng
kumpanya. Bago lumabas ang mga tsuper ng taksi ay pinapaalalahanan
sila ni Boss.

“Maging magalang at matulungin sa mga pasahero. Kayong mga


pumapasada sa may paliparan, huwag pagsasamantalahan ang mga
banyangang bumibisita sa ating bansa.” Ang laging paalala ni Boss.

Si Richard ay isa sa mga tsuper ng taksi ng kumpanya. Madalas


siyang pasahero ay mga banyaga dahil sa may paliparan siya pumapasada.

Minsan ay nagging pasahero niya ang isang Amerikanong si Richard.


Nagpahatid ito sa isang hotel. Nang malayo-layo na si Richard pagkababa ng
Amerikano sa hotel ay napatingin siya sa salamin ng taksi sa harap niya.
Napansin niya ang isang briefcase sa upuan ng taksi sa likuran. Inihinto ni
Richard ang sasakyan at binuksan niya ang briefcase. Wala itong pangalan
pero mabigat.

“Marahil sa isang Amerikanong naging pasahero ko ito.” Ang turan ni


Richard.

Dali-daling bumalik si Richard sa hotel. Ipinagtanong niya ang sakay


na Amerikano dahil hindi niya masabi ang pangalan nito. Hindi siya
matulungan ng mga tauhan sa hotel na matunton ang pasahero niya.
Ibinigay ni Richard ang pangalan niya, ngalan ng kumpanya at telepono.

“Kung may magpapatulong po sa inyo sa paghanap ng nawawalang


briefcase, pakisabi na lamang na nasa pag-iingat ko,” bilin ni Richard.

5
Nang akmang aalis na si Richard ay natanawan niya ang Amerikano
na humahangos na palabas ng hotel. Mabilis niyang hinabol ang amerikano
at isinauli ang briefcase. Siya pala ang talagang hahanapin nito at baka raw
hindi pa siya nakaaalis sa harap ng hotel.

Niyaya ng Amerikano na maupo sila sa lobby ng hotel.

Binuksan niya ang briefcase at nasiyahan nang makitang walang


nagalaw at nawala rito. Marami palang mahalagang dokumento rito at mga
tsekeng umaabot sa isang milyong dolyar. Isa palang negosynate ang
Amerikano.

Inabutan ng malaking halaga ng Amerikano si Richard bilang


gantimpala pero tinaggihan niya ito.

“Ang pagsasauli po ng bagay na hindi sa akin ay isa kong tungkulin.


Sapat na pong kabayaran na ako’y nakagawa ng mabuti sa kapwa.”Pinilit ni
Richard na masabi ito ng Ingles upang maunawaan siya ng Kano.

Labis siyang humanga kay Richard. Kinuha tuloy nito ang pangalan
niya at ang kumpanya ng taksing pinagtatrabahuhan niya.

Hindi lamang si Richard sa mga banyagang pasahero niya nagpakita


ng kabutihan. Ganon din sa kapwa Pilipino.

Hindi lingid kay Mang Ador ang mga paglilingkod ni Richard. Hindi si
Richard ang nagbalita sa kanya. Tumatawag sa opisina niya ang mga taong
nagawan nito ng mabuti. Nagpapasalamat sila sa magandang paglilingkod
ng kanilang kumpanya. Higit sa lahat ay hinangaan nila ang ugali ni
Richard.

Isang araw ay ipinatawag ni Boss si Richard.

“Gusto mo bang magkaroon ng sariling taksi?”

“Iyan po ang pangarap ko para mabigyan ng magandang kinabukasan


ang limang anak ko pero wala po akong perang pang-unang bayad.”

“Kung may magbibigay sa iyo ng paunang bayad, kukuha ka ba?”

“Sino naman po ang gagawa niyan? Malaking halaga po iyon.”

Sinabi ni Boss na nakarating sa kanya ang mabubuti niyang ginawa


sa mga naging pasahero niya kaya kinausap niya ang may-ari ng
kumpanya. Bilang pagkilala sa mga ginawa niyang kabutihan, pumayag ito
na siyang magbigay ng paunang bayad para sa isang bagong taksi na aariin
at ipapasada niya. Siya na ang magbabayad ng hulog buwan-buwan sa
kumpanya ng sasakyan hanggang mabayaran niya ang kabuuang halaga
nito.

6
“Ano, payag ka ba? “tanong ni Boss.

“Boss, napakabuti ninyo pati na ang may-ari ng ating kumpanya.


Salamt po! Diyos na ang bahalang gumanti sa inyo.”

“Gumawa ka ng mabuti nang walang kapalit kaya binigyan ka ng


biyaya.”
Pinagkunan; Sining sa Pagbasa 6, pahina 244-246

Tandaan/ Suriin

Sinasabi rin na ang paglalarawan batay sa kilos o pananalita ay


tumutukoy sa pagkilala at paglalarawan ng ugali ng tauhan kung paano
kumilos nang naayon batay sa kanyang pagkatao.

Gawain 1.
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.
Ipaliwanag ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento.
4. Paano mo inilarawan ang bawat tauhan?
5. Kung papipiliin ka sa mga tauhan, sino ang pipiliin mo? Bakit?

Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang may
salungguhit na ginamit sa pangungusap.
1. Bago lumabas ang mga tsuper ng taksi pinapaalalahanan sila ni Boss.
(drayber, konduktor, pasahero)
2. Huwag pagsasamantalahan ang mga banyagang bumibisita sa ating
bansa.
(taga ibang bansa, taga-probinsiya, taga-lungsod)
3. Minsan ay nakapagsakay ng isang Amerikano si Richard. Nagpahatid
ito sa isang otel.
(bahay-tuluyan, bahay-pagamutan, bahay-ampunan)

4. Madalas siyang makapagsakay ng mga banyaga dahil sa paliparan


siya pumaparada.
(lugar kung saan ang mga sasakyang panghimpapawid tulad ng
eroplano at helikopter ay lumilipad paalis sa lupa, lugar kung saan
bumababa at sumasakay ang mga tao o kalakal ang mga sasakyang

7
pandagat, lugar kung saan nagbababa at nagpapasakay ng mga
pasahero ang mga sasakyang panlupa)

5. Nang-akmang paalis na si Richard ay natanawan niya ang Amerikano.


(nakasalubong, nakita, narinig)

Tayahin

Panuto: Ilarawan ang katangian ng tauhan batay sa kilos o pananalita.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

“Maging magalang at matulungin sa mga pasahero. Kayong mga


pumaparada sa may paliparan, huwag pagsasamantalahan ang mga
dayuhang bumibisita sa ating bansa.”

1. Ano ang katangiang ipinapakita ni Boss nang sabihan niya ito sa mga
tsuper ng taksi?
A.may malasakit sa mga pasahero
B.walang malasakit sa mga pasahero
C.may malasakit sa mga tsuper
D.walang malasakit sa mga tsuper

2. Hindi ginalaw ni Richard ang briefcase na naiwan sa kanyang taksi.


Isinauli niya ito sa Amerikanong naging pasahero niya. Anong
katangian ang ipinakita ni Richard?
A. masipag
B. matapat
C. matulungin
D. maalalahanin

3. Inabutan ng malaking halaga ng Amerikano si Richard bilang


gantimpala. Alin sa mga sumusunod na katangian ang ipinapakita ng
kilos ng Amerikano?
A. nagsisisi
B. nagdududa
C. nagyayabang
D. nagpapasalamat

4. Sinabi ni Boss na nakarating sa kanya ang mabubuting ginawa ni


Richard sa mga naging pasahero niya kaya kinausap niya ang may-ari
ng kumpanya na siyang magbigay ng paunang-bayad sa isang bagong
taksi na aariin at ipapasada ni Richard at pumayag naman ito. Piliin
ang katangiang ipinakita ng may-ari ng kumpanya.
A. matapat

8
B. matipid
C. mapagbigay
D. maalalahanin

5. Batay sa sinabing ito ni Richard, paano mo siya ilalarawan?

“Boss, napakabuti ninyo pati na ang may-ari ng ating kumpanya.


Salamat po! Diyos na ang bahalang gumanti sa inyo.”

A. mapagsilbi
B. mapagmahal
C. mapagpasalamat
D. mapagpakumbaba

9
Susi sa Pagwawasto

Susi sa Pagwawasto

I. Pag-unawa sa Binasa
II. Gawain I
1. A
2. B
3. A
4. B
I. Pag-unawa sa Binasa
Tayahin
1. A
2. B
3. D
4. C
5. C

10
Sanggunian
Lourdes Arellano, et all…Sining sa Pagbasa 6, pp. 244-246
Pinagkunan; Bagong Filipino sa Salita at Gawa,
Aklat sa Pagbasa 5, pahina 86-87

11
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro
mula sa mga pampublikong paaralan ng pitong Sangay ng Rehiyong
MIMAROPA. Hinihikayatnamin ang ibang mga guro at nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA sa depedmimaropa@deped.gov.ph
Mahalagasaamin ang inyongmgapuna at mungkahi.

12

You might also like