You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 2

I. Layunin
Naibibigay ang mga pangalan ng mga tao at bagay sa paligid.
II. Paksang-aralin
A. Paksa: Pangalan ng Tao at Bagay sa Paligid
B. Mga kagamitan:
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Alituntunin
4. Paghahawan ng balakid
Gabayan ang klase sa pagpasyal sa “Harden ng Kaalaman” kung saan
matutuklasan ang ibig sabihin ng mga salitang Pastol at Matayog.

Kahulugan:
Ay isang taong nag aalaga ng
hayop.
Pangungusap:
Si Henry ay nagpapastol ng
Pastol kambing sa kanilang bukid.

Kahulugan:
Isang pang-uri na ang ibig
sabihin ay mataas.
Pangungusap:
Matayog Matayog ang ag lipad ng
saranggola ni Pepe.
5. Pagganyak:

“Larawang Palaisipan”
Tumawag ng siyam (9) na bata upang buohin ang larawan.

 Anu-ano ang nakikita niyo sa larawan?


 Anu-ano ang nakapalibot sa iyong tahanan?

6. Pagganyak na tanong:
Anu-ano ang mga nakapaligid sa Puno ng Narra?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagbabasa

Ang Punong Narra

Si Tata Ben ay isang pastol ng baka, kambing at mga manok sa tabi ng


isang punong matayog. Ang puno ay tinatawag na Punong Narra. Maraming mga
bata ang naglalaro sa silong ng Punong Narra at napapaligiran ito ng mga Bahay
Kubo. Mayroon ding ibat ibang halamang gulay tulad ng kalabasa, ampalaya,
sitaw at iba pa at mayroon ding mga punong prutas tulad ng manga, bayabas.
Gawain 1
Papangkatin ng guro sa apat (4) ang klase at magtatanong ang guro
basi sa kwentong binasa at sasagutin ng grupong naka talaga dito.

1. Unang Pangkat, gumawa ng graphic organizer ng mga tauhan.


Sinu sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Pangalawang Pangkat, ililista sa isang papel kung anu ang mga


nakapalid sa Punong Narra.

3. Ikatlong Pangkat, gagawan ng kanta ang mga nakapalibot sa


Punong Narra.

4. Ikaapat na Pangkat, isadula ang gawain ni Tata Ben sa kwento.

Gawain 2

1. Pagsagot sa pagganyak na tanong.


2. Gabay na tanong.
a. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
(Pagtatanghal ng unang pangkat)
b. Anu-ano ang mga nakapaligid sa punong narra?
(Pagtatanghal ng ikalawang pangkat)
(Pagtatanghal ng ikatlong pangkat)
c. Anu ang gawain ni Tata Ben?
(Pagtatanghal ng ikatlong pangkat)

2. Pagtatalakay
Ipabasa sa klase ang mga sumusunod na mga pangungusap at tanungin
kung ano ang napapansin nila sa mga salitang may guhit sa ibaba.

1. Si Tata Ben ay isang pastol ng baka, kambing at mga


manok sa tabi ng isang punong matayog.
2. Maraming mga bata ang naglalaro sa silong.
3. Mayroon ding ibat ibang halaman tulad ng kalabasa,
ampalaya, sitaw.
4. Mayroon ding mga punong prutas tulad ng manga, at
bayabas..
5. mayroon ding mga baka, kambing, manok at iba.
6. halagang hayop ni Tata Ben.
 Ito ay mga pangalan ng tao at bagay na nakapaligid sa puno
ng narra.

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

Tao Tata Ben


Lalaki

Bagay Bahay Kubo

Halaman Puno Narra, manga at bayabas

Gulay Kalabasa, ampalaya at


sitaw

3. Pagsasanay
Tumawag ng mga bata upang punan ang mga blangkong kahon.

Pangngalang Pangngalang Pantangi


Pambalana
Tao

Bagay

Halaman

C. Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Lapis, pambura, bag ay ngalan ng bagay.


Guro, bata, dyanitor ay ngalan ng tao.
2. Paglalapat:
Gumuhit ng isang mahalagang bagay na ginagamit nila
sa araw-araw at kanilang ipapaliwanag bakit ito
mahalaga.

IV. Pagtataya:

Lagyan ng kung ngalan ng tao at kung ngalan ng bagay.

_____1. Kwaderno
_____2. Pusa
_____3. Nanay
_____4. Ben
_____5. Lapis

V. Takdang Aralin
Gumupit ng isang larawan ng tao, bagay at halaman. Idikit ito sa inyong kwaderno
at Pangalanan ang mga ito.

Prepared by:

JANE ARFELLE L. ESPINOSA

You might also like