You are on page 1of 14

6

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Romblon

FILIPINO
Pampagkatutong Pahina
( Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa)
IkaapatnaMarkahan – Ikalimang Linggo

Paggawa ng Dayagram na may Ugnayang Sanhi at Bunga ng mga


Pangyayari/ Problema – Solusyon.
(F6PN-IVf-10)
Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2021

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng


Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa
telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng
Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang
FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ang
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA- Dibisyon ng
Romblon
SDS: MARIA LUISA D. SERVANDO, Ph. D., CESO VI
ASDS: MABEL F. MUSA Ph. D, CESE

Mga Bumuo ng Kagamitang ito para sa Mag-aaral

Manunulat: Junelyn C. Socajil, Genevie Galicia, Janno Mar M. Pijano

Pangnilalamang Patnugot: Ma. Mia B. Muros

Editor ng Wika: Ma. Jennilyn M. Madeja

Ilustreytor: Wenceslao V. Morales Jr.

Tagapag-anyo: Wenceslao V. Morales Jr.

MgaTagasuri: Elalbe F. Junio, Maria Teresa M. Famorcan, Fe M. Moreno, Ma. Mia B. Muros,
Shieme M. Maestro, Lea M. Manungay, Germelyn M. Bauyon, Nema M. Forcado,
Ma.Jennilyn M. Madeja, Reynalyn E. Molo, Hilda M. Fondevilla, Wenceslao V. Morales
Jr, Ilene M. Moreno

MgaTagapamahala:
Maria Luisa D. Servando Ph. D., CESO VI SDS
Mabel F. Musa, Ph. D, CESE, ASDS
Melchor M. Famorcan, PhD, CID Chief
Elalbe F. Junio, EPS-Filipino/MTB-MLE
Ruben Dela Vega, EPS- LRMS
InilimbagsaPilipinas ng:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA- Dibisyon ng Romblon

Office Address: Brgy. Capaclan Romblon, Romblon


E-mail Address: deped.sdoromblon@deped.gov.ph
6
Karagdagang
Kagamitan sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan- Ika-
limang linggo
Talaan ng Nilalaman

Pagtukoy ng Paksang-diwa, Sanhi at Bunga………………………………….….1

Tuklasin Natin……………………………………………………………………..…….

Pagpapalawak ng Talasalitaan……………………………………………………….

Halinat tayo’y Magbasa……………………………………………………………..…

Puhunan sa Hinaharap
ni Junelyn Socajil…………………………………………………………………….… 2

Pag-unawa sa Binasa ………………………………………………………………… 3

Pag-alam sa Natutuhan……………………………………………………………… 4

Teksto 2
Makatutulong Ba?..................................................................................
ni Genevie M. Galicha ………………………………………………………………… 5

Tandaan ………………………………………………………………………………….

Tayahin…………………………………………………………………………………… 6

Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………… 7

Sanggunian ………………………………………………………………………….…. 8
ARALIN 5: SANHI AT BUNGA

Pagtukoy ng Paksang-diwa, Sanhi at Bunga.

MELC:Nakagagawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga ng


mga Pangyayari/ Problema –solusyon. (F6PN-IVf-10)

Alamin Natin

Ang pag gawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga ng mga


pangyayari, problema-solusyon ay tumutukoy sa pagpapahayag ng dahilan
at resulta ng isang ganap na kaganapan.

Tuklasin

Sa ating pagsisimula sa pagtalakay sa ating paksang aralin tungkol sa


Pagagawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari/
Problema – Solusyon pagbasa ng isang kasiya-siyang kwento, ay atin
munang palalawakin ang iyong kaalaman sa mga talasalitaan. Alam kong
handa kana, kaya’t hali kana at atin ng simulan.

Pagpapalawak ng talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita at piliin sa loob ng


kahon ang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. baga
2. selyula
3. anemic
4. organ
5. depresyon

a. pagkakaroon ng mababang bilang ng pulang dugo o mababang


hemoglobin sa dugo
b. pinakamahalagang organ sa proseso na nagpapahintulot sa mga
tao at hayop na umiiral sa ibabaw ng lupa na huminga
c. pangunahing istruktura at functional unit ng mga nabubuhay na
nilalang
d. isang kumplikadong elemento o functional unit na nagpapatakbo
sa loob ng isang estruktura na tinutupad ang isa o maraming
mga tinutukoy na pag-andar.
e. Isang pakiramdam ng pangamba1 at takot na nailalarawan sa
pamamagitan ng mga pisikal na sintomas tulad ng palpitations,
pagpapawis at mga stress na damdamin
Halina’t Tayo’y Magbasa

Kalusugan;Puhunan sa Hinaharap
ni; Junelyn C. Soccajil

Isa sa mga pangunahing


kinahaharap ng mga tao lalo
na sa panahon ngayon ay ang
tungkol sa kalusugan. Bakit
nga ba halos karamihan ay
naging problema ito para sa
kanila? Tayong mga tao rin
ang responsable sa mga
bagay na may kinalaman sa
pangangalaga ng ating
kalusugan.
Bakit nga ba may mga
taong nagkakasakit? Dahil ba
sila’y walang pag-iingat sa sarili o di kaya’y hindi marunong magpahalaga
sa mga bagay na nakabubuti para sa kanila, o di kaya naman dahil sa mga
pagkain na hindi nila alintana’y hindi nagdudulot ng maganda sa kanilang
kalusugan.
Ang kalusugan ay ang kondisyon ng ating pangangatawan na
nagiging puhunan natin sa ating pang-araw-araw na buhay. Maari itong
pisikal, sosyal, mental o emosyonal na kalusugan.
Ang ating kalusugan ay mahalaga para sa atin. Marami tayong
magagawa sa ating sarili upang mapabuti ang ating kalusugan. Kumain ng
mga masusustansyang pagkain gaya ng gulay, prutas at iba pang mga
kahalintulad nito. Mag-ehersisyo araw-araw.
Mayroon ding mga bagay na dapat nating iwasan. Nariyan ang
palagiang pagpupuyat na nagreresulta sa pagbaba ng dugo o pagiging
anemic. Ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay hindi rin nagdudulot ng
maganda sa katawan, sinisira nito ang panloob na organ ng ating katawan
gaya ng baga at atay. May malaking epekto rin sa ating utak ang paggamit
ng bawal na gamot na kalauna’y nagdudulot ng pagkasira ng ating kaisipan.
Ang hindi maayos na kalusugan ay nagdudulot din ng sakit na
humahantong sa hindi normal na kalagayan nito. Maaaring sanhi ng hindi
maayos na kondisyon ng mga selyula o bahagi ng katawan, ang iba’y
dahilan sa mga mikrobyo.

2
Pinakamahalaga rin nating pag-ingatan sa lahat ay ang mental na
kalusugan na kung hindi ito magiging maayos ay humahantong sa
depresyon at nakaaapekto sa lahat ng bahagi ng ating katawan. Kaya,
iwasan ang palagiang pag-iisa at ugaliing makisalamuha sa ibang tao lalo
na sa may mga positibong pananaw sa buhay.
Ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ay utang natin sa
Dakilang Maykapal. Dahil sa kanya, tayo ay malusog at may maayos
na pangangatawan. Matuto tayong pangalagaan at mahalin ito dahil
ito’y regalo sa atin ng Diyos na nagsisilbing puhunan natin sa isang
masigla at malusog na buhay sa hinaharap.

Pag-unawa sa binasa

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at ipaliwanag ang iyong


sagot.Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang paksang-diwa ng tekstong binasa?


2. Anu-ano ang mga nabanggit na uri ng kalusugan?
3. Paano makakaiwas sa mga sakit na nabanggit?
4. Bakit mahalagang pangalagaan ang ating kalusugan?
5. Para sayo, paano mo maaalagaan ang iyong kalusugan?

Gawain 1
Panuto: Punan ang dayagram sa ibaba. Ibigay ang hinihinging impormasyon
sa blangkong kahon.

PAKSANG- SANHI BUNGA


DIWA

Kakain ako ng
Ang maayos
masustansiyang
na
pagkain gaya ng
pangangalaga
gulay, prutas at
ng kalusugan
iba pa.

Ang bisyo ay
Iwasan ang nakasisira
pagbibisyo 3 sa ating atay
at baga
Madalas na
pagpupuyat
at pagtulog
nang wala sa
oras

Gawain 2
Panuto: Punan ang dayagram sa ibaba. Ibigay ang maaaring bunga ng
nakalahad na sanhi. Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa loob ng kahon.

Sanhi/ Suliranin
Pagpapabaya sa
kalusugan

Bunga

a. kumain ng masustansiyang pagkain


b. paghina ng baga at atay dulot ng pag-iinom at paninigarilyo
c. pagkasira ng tamang kaisipan
d. humahantong sa pagiging anemic
e. pagtulog nang maaga at pag-eehersisyo
f. pagkakaroon ng depresyon

4
Teksto 2
Basahin ang teksto.

Makatutulong Ka Ba?
ni: Genevie M. Galicha

Ang Ika-21 Siglo ay lubhang napakabilis sa larangan ng pag-unlad.


Sa maikling panahon lamang ay kaagad nang napapalitan ang lumang
modelo ng mga gadyet. Sa panahong ito, napakabilis ding lumaganap ang
impormasyon. Bunga ito ng pag-unlad ng teknolohiya at pag-usbong ng
iba’t ibang uri ng social media. Ang mga kabataang tulad mo ay madalas
gumamit ng mga social media na ito. Paano mo tinatanggap ang mga
nababasang impormasyon mula sa mga ito? Mabilis ka bang maniwala
nang hindi sinusuri ang pinagmulan ng impormasyon? Laganap ang fake
news o maling balita sa social media sa kasalukuyan. Ang madalas na
biktima nito ay mga kabataang may murang isipan. Madali silang
maimpluwensiyahan ng mga nagkalat na impormasyon. Paano ba natin
ito maiiwasan?
Una, siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon.
Ilan sa mga mapagkakatiwalaang pagkukunan ng balita ay ang anunsiyo
mula sa gobyerno, balita mula sa TV, radyo, at internet. Maaari ring
kumuha ng direktang impormasyon sa sangay ng pamahalaan gaya ng
World Health Organization (WHO). Ikalawa, tiyaking tama ang
impormasyon bago ito ipasa sa iba. Bago mo ibahagi sa iba ang nabasa
mong impormasyon, mag-saliksik at magbasa muna ng iba pang
artikulong may kaugnayan dito. Ikatlo, think before you click.
Siguraduhing bago ipasa sa iba ang nabasa o napanood na impormasyon,
pag-isipan munang mabuti kung ano ang magiging epekto nito sa
nakararami. Ikaapat, kapag nakabasa ka ng mali, itama mo.
Ikaw ay may kapangyarihang pagbawalan ang sino man sa pagkakalat
ng maling impormasyon sa pamamagitan nang hindi pagpasa nito sa iba
kung ito ay naglalaman ng maling balita. Sa ganitong paraan,
mababawasan na ang mga biktima ng maling impormasyon o fake news.
Tandan, maging bahagi ng solusyon sa lipunan.

Suriin Mo!

Paksang-diwa – tumutukoy sa pangunahing kaisipan sa isang talata,


pangungusap o isang akda.

Sanhi – tumutukoy sa pinakaugat o dahilan ng pangyayari.

Bunga – ang kinalabasan o resulta ng isang pangyayari.

5
Problema – maaaring pangyayari, isyu, tanong o kaisipan na
nangangailangan ng solusyon.

Solusyon – paraan na ginagawa upang maayos o malinawan ang isang


problema.

Pag-unawa sa binasa

Gawain 1.
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at ipaliwanag ang iyong
sagot.Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang paksang-diwa ng tekstong iyong binasa?


2. Ano ang dahilan ng paglaganap ng maling impormasyon o fake
news?
3. Paano mo maiiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon?
4. Sa iyong palagay, ano ang magiging bunga sa mga kabataan kung
patuloy silang maniniwala sa maling impormasyon sa social media?
5. May mabuti bang dulot ang social media sa mga kabataang gaya
mo? Bakit?

Tayahin

Panuto: Punan ang dayagram na nagpapakita ng sanhi, bunga at posibleng


solusyon sa suliraning inilahad. Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa
loob ng kahon sa ibaba.

Paglaga-
nap ng
fake SANHI BUNGA SOLUSYON
news o 1. 3 5.
maling 2. 4.
impor-
masyon

a. madalas na paggamit ng social media ng mga kabataan


b. maging bahagi ng pagbabago at itigil ang pagkalat ng maling
impormasyon
c. madaling naipakakalat ang impormasyon
d. maaaring maging biktima ng fake news
e. mabilis na pag-unlad ng teknolohiya
f. pagsuporta sa nagkakalat ng maling balita

6
Susi

I. Pagpapaunlad ng Talasalitaan
1. b
2. c
3. a
4. d
5. e

II. Pag-unawa sa binasa


Iba-iba ang maaring sagot ng mga bata

III. Gawain 1
Iba-iba ang maaring sagot ng mga bata

IV. Gawain 2
b, c, d, f

V. Karagdagang Gawain
Mga Gabay na Tanong – Iba-iba ang maaring sagot ng mga
bata

VI. Tayahin
1. a
2. e
3. d
4. c
5. b

7
Sanggunian:
Elektroniko

tal.medicineh.com
tl.emsayazilim.com
facebook.com
tl.encyclopedia-titanica.com

8
9
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
guro mula sa mga pampublikong paaralan ng pitong Sangay ng Rehiyong
MIMAROPA. Hinihikayatnamin ang ibang mga guro at nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA sa depedmimaropa@deped.gov.ph
Mahalagasaamin ang inyongmgapuna at mungkahi.

10

You might also like