You are on page 1of 1

ARALIN 1

Ang Lingguwistika sa Pilipinas

Ang wika ang daluyan ng anumang komunikasyon ng tao.

Sa pakikibaka tungo sa pagbabago ay kasangkapan natin ang wikang larawan ng sambayanan.

Ayon kay Salvador M. Royales, sa komperensyang pangwika noong 2008, “ang wika ay pag-aari ng tao,
ngunit ang tao ay hindi pag-aari ng wika.”

Ang lingguwistika ay tumutukoy sa maagham na pag-aaral ng wika.

Pormal na kinilala ang lingguwistika sa bansa nang itinatag sa Unibesidad ng Pilipinas ang Kagawaran ng
Lingguwistika noong 1924 sa ilalim ng pamumuno ni Otto Sheerer , isang Alemang negosyante at iskolar
(Rubino, 2005).

Ayon kay Constantino mula sa aklat ni Alfonso Santiago (2002), nahahati sa tatlong panahon ang
kasaysayan ng lingguwistika sa Pilipinas.

Panahon ng Kastila (1600 hanggang 1900)

Panahon ng Amerikano (1900-Ikalawang Digmaang Pandaigdig)

Panahon ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon

Panahon ng Kastila

You might also like