You are on page 1of 1

Blurb

Mark Dave Sambrano

Ang librong aking binasa ay ang ‘SCIENCE LIBRARY: PLANTS.’ Ito ay


isang magandang libro na tumatalakay lamang sa mga bagay tungkol sa halaman.
Naglalaman ito ng mga pangunahing parte ng isang tipikal na libro. Isa sa mga
parting ito ay ang blurb.

Batay sa aking pagsusuri, masasabi ko na ang blurb ay parte ng isang libro


na matatagpuan sa likurang parte nito na ang pangunahing layunin ay magsabi ng
mga pangunahing impormasyon patungkol sa nilalaman ng libro at manghikayat
ng mga tao upang basahin ang libro. Sa aking palagay, ang mga katangian ng
isang blurb ay ang sumusunod: maikli, gumagamit ng mga salita o parirala na
nakakakuha agad ng mga tao, madalas n a gumagamit ng mga tandang pananong
at tandang padamdam, at nagbibigay ng mga pahayag na nagiiwan sa mga
mambabasa ng katanungan sa isipan. Sa tingin ko ganito ang mga katangian nito
upang maisakatuparan nito ang panganahin nitong layunin, ang manghikayat ng
mga mambabasa. Ang sumusulat nito, sa aking palagay, ay ang manunulat din ng
mismong libro, sa kadahilanang siya rin ang nakakaalam ng nilalaman ng kanyang
ginawa at gumagawa naman talaga ang manunulat upang ipabasa ito sa mga tao.
Sa aking palagay, hindi dapat natin palagiang paniwalaan ang mga blurb. Dahil sa
ang pangunahing layunin nito ay manghikayat, gumagamit ang isang manunulat
ng magaganda at mabubulaklak na mga salita na minsan ay malayo na sa
katotohanan. Maaari tayong maniwala ngunit hindi dapat palagi lalo na kung
masyadong mabulaklak ang mga salitang ginamit.

You might also like