You are on page 1of 4

Joy Mabia November 23, 2021

BSIT 3 A GEC – KAF

GAWAIN A.
Panuto: Tukuyin ang teknik na angkop gamitin sa mga sitwasyong ibinigay. Ipaliwanag ang
iyong mga sagot.

1. Pagbasa sa notes na isinulat ng guro sa pisara.


- Basang – Tala, sapagkat ang pagbabasa sa mga sulat na nasa pisara na isinulat ng
iyong guro ay epektibo kapag isasama mo ang pagsusulat nito. Madali mo rin itong
makikita, makukuha at mababasa ang mga impormasyon bagamat naisulat mo na ito
sa iyong kuwaderno kahit nabura na sa pisara.
2. Pagbasa ng iba’t ibang aklat na gagamitin sa pananaliksik.
- Pamuling – Basa, dahil ang pananaliksik ay hindi ordinaryong pagbabasa o
pagkukuha ng impormasyon, dapat may pagbusisi ng mga katibayan, matinding
interpretasyon. Sa pagpapanaliksik, dapat mo talagang paulit ulit na basahin ang
mga aklat upang maiintindihan mo ang mga nakasulat. Dapat tiyakin na
kapanipaniwala ang mga inilahad sa mga aklat.
3. Pagbasa ng isang nobelang batayan sa gagawing pagsusuring pampanitikan.
- Komprehensibo at Kritikal, kahit ano sa dalawang teknik ay pwede gamitin sapagkat
upang maiintindihan ang isang nobela dapat binibigay mo ang buong atensyon sa
pagbabasa. Dapat sinusuri ng maigi ang bawat detalye upang mabatid ang
kahulugan at makatuklas ng mga ideya para sa gagawing pagsusuring pampanitikan.
4. Pagbasa ng isang magasing nakita sa isang magazine stand.
- Kaswal o Kritikal, ang pagbabasa ng isang magasin ay pwede maging pampalipas oras
lamang at hindi lamang sa pagsusuri o pag uunawa ang pwede mabatid, pwede rin
itong gamitin upang maging mapanlikha at makatuklas ng mga ideya na pwedeng
maiugnay sa kapaligirang sosyal at kultural.
GAWAIN B.
Harassment
Ni: Eros Atalia

“Yes dean. Lumalabas-labas kami, pero para magkape lang. Magkaibigan lang talaga kami. Wala
kaming relasyon.” Naiiyak na pahayag ng propesor. “You know that girl dean... her reputation. I
don’t think sexual harassment na ‘yun.”

“I’m warning you... hindi na dapat maulit ito. For now, verbal warning lang. Next time. I’ll see to
it, it will be included in your 201 file.” Paliwanag nito habang pulang-pula ang mukha. Walang
kibong lumabas ang propesor. Tumigil sa pintuan. Nilingon ang kanyang dean. Umiling-iling ito.
“Thanks anyway, dean.”

Sa pag sara ng pinto, muling binalik-balikan ng dekano ang complaint letter ng estudyante.
Pinindot niya ang speaker phone. Sinabihan ang secretary na papasukin ang complainant. “Will
you still pursue your complain? If not, sisirain ko na ‘tong sulat mo. Baka may makabasa pa nito,
kawawa naman ‘yung tao.” “I told you, dean. Kung siya na wala kaming relasyon, nagawa kong
ireklamo, and I can even unmake him... ikaw pa? two nights sa akin, the rest sa wife mo, okay
na ba ‘yun?”

Sagutin ang mga katanungan:

1. Pumili ng dalawa sa anim na kahalagahan ng pagbasa na sa tingin mo ay angkop sa


binasang teksto. Ipaliwanag ang sagot.
a. Naiimpluwensiyahan nito ang ating saloobin at palagay hinggil sa iba’t ibang bagay
at tao. Sa pagbabasa lang sa teksto na ito ay naimpluwensiyahan ang aking saloobin
ukol sa ano mang klase ng panliligalig.
b. Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagpapataas ng kalidad ng
buhay ng tao. Nalaman ko rin ang tanging paraan upang malutas ang ganitong klase
na problema ay dapat magsabi upang agad masugpo ang krimen.
2. Anong teknik ng pagbasa ang ginamit mo? Pangatwiranan.
- Komprehensibo at Pamuling Basa, sapagkat hindi ko naiintindihan agad ang aking
binasang paksa at dapat na muli’t muling basahin ito upang maiintindihan ko ang
konsepto sa binasang paksa at sinuri ko ng maigi ang bawat detalye sa paksa.
3. Ano ang realisasyon o napagtanto mo matapos basahin ang seleksiyon? Ipaliwanag ang
sagot.
- Hindi talaga mawawala ang mga taong umiiral lamang ang masamang pag iisip at
dapat talaga na hindi matakot magsabi sa mga masasamang nangyayari at posibleng
mangyari sa iyo. Dapat lakasan ang loob sapagkat kung takot ang umibabaw sa iyo,
hinding hindi mo talaga gusto ang mga posibleng mangyari sa iyo.
GAWAIN C

Panuto: Tukuyin kung nasa anong hakbang sa proseso ng pagbasa ang ipinahihiwatig sa
sumusunod na mga pahayag:

1. Napansin kong mali ang ispeling ng ilang salita sa talata.


- Reaksiyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa
2. Nabibigkas ko ang mga salita subalit hindi ko nauunawaan ang mga ito.
- Persepsiyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
3. May nabasa na akong kuwento na kagaya nito.
- Asimilasyon o integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa
4. Nakuha ko ang mga nais sabihin ng mag-akda.
- Komprehensiyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na
simbolo
5. Nagagandahan ako sa pagkakalahad ng kuwento sapagkat ito ay naiiba.
- Reaksiyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa
6. Hindi pamilyar ang ilang mga terminolohiyang ginamit.
- Persepsiyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
7. Malinaw sa akin ang mga inilahad na impormasyon.
- Komprehensiyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na
simbolo
8. Hindi kapani-paniwala ang ilang mga inilahad sa teksto.
- Reaksiyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa
9. Naranasan ko na ang mga pinagdaanan ng tauhan sa nobela.
- Asimilasyon o integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa
10. Masasagot ko nang tama ang mga katanungan tungkol sa nilalaman ng teksto.
- Komprehensiyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na
simbolo

You might also like