You are on page 1of 5

_Republic of the Philippines

NORTHERN SAMAR COLLEGES INC.

Catarman, Northern Samar

Banghay Aralin sa PANUNURING panitikan .

Ipinasa ni: Jenny Rose R.Saludario

Petsa: Pebrero 10,2024 Baitang at Pangkat: BSED 2 – FILIPINO

Oras:

LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, ang mag aaral ay inaasahang:


*Maipaliwanag ang kahulugan ng panitikan at kahalagahan ng pagsusuri ng
panitikan.
*Mailatag ang kahulugan ng mapanuring mambabasa at matalinong
pamumuna,Batayan sa Pag susuri
*Maipamalas ang mga estratehiya sa mapanuring pagbabasa.
II. PAKSA
A. Nilalaman: Mapanuring mambabasa
B. Sanggunian: Iskrip – PANUNURING PANITIKAN
https://www.slideshare.net/pldgarnace/mapanuring-mambabasa
C. Kagamitan: Visual aid, panulat, hand-out atbp.
D. Pagpapahalaga: Ang tula at ang pagsulat ng tula
E. Pagsasanib: Panunuring panitikan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
Ang guro ay hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase. Magdidikit siya ng
dalawang larawan sa harap, at ang bawat grupo ay bubuo ng dalawang saknong
na ayon sa larawang ibinigay ng guro sa bawat grupo. Gagawin ito sa loob lamang
ng limang minuto at babasahin sa harap ang naisulat .

Paghahawan ng balakid
Ang guro ay ipapakilala ang dalawang makata na sakop ng araling pag uusapan
na sina Annabel at Ryan upang maunawaan ang kanilang Pag iibigan

Balik aral
Bago simulan ang aralin, ang guro ay tatawag muna ng isa o dalawang estudyante
upang ibahagi ang nakaraang aralin at kung ano ang kanilang natutunan.

Paglalahad sa Aralin
Ayon sa iyong opinion, ano ang mapanuring mambabasa?
Ano nga ba ang matalinong pamumuna?
Paano sisimulan ang teksto paano ito matatapos?

D. Abstraksyon
Mapanuring mambabasa
Ang mapanuring mambabasa parin ang gagawa ng Pag susuri at Pag didisisyon
Kung ito ay mahalag,may ibubunga,kapani-paniwala,kasiya-siya,dapat babasahin
at Balikbalikan,dapat pag-aralan ng malaliman o ang kabaliktaran nito.

Mga Estratihiya ng mapanuring mambabasa


Ang mga suliranin sa Pag babasa sa pamamagitan ng Pag gamit ng
sentido Kumon lamang.kailangan natin ng estratihiya upang malutas natin ang
ganitong suliranin.

Mga Responsibilidad at Gawain ng mapanuring mambabasa

1.Bago Gumawa ng obserbasyon at reaksyon sa teksto.masusi itong


Binabasa at hindi pahapyaw lamang.
2.Bukas ang isip sa mga ideyang ipinapahayag ang akda ng teksto.
3. Tumatanggap ng mga bagong ideya inuugnay ito sa sarili Niya.
4.Bumubuo ng Sariling ideya at Hindi Nakikisakay lamang sa ideya ng
IBA.
5.Maalam mag saliksik at naghahanap ng paraan mula sa libro panayam
Internet, obserbasyon ng IBA.

Matalinong pamumuna
Ang Matalinong pamumuna ay Isang magandang hakbang tungo sa
ikaliliwanag ng mga akdang pampanitikan.
*Ito ay nag bibigyan ng mahusay na komento opinyon o reaksyon sa
nababasa at ginagamit ng talas ng Pag iisip.
*Itoy pagsusuri o Pag aaral ng bawat detalyeng binabasa.
*Pagbibigay balanse at makatwirang pamumuna sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga posibito at negatibong Punto sa binabasa.
*Walang kinikilingan.
*Pagtutuon ng pansin sa nais ipahatid ng manunulat
*Pagpapahalaga sa kalakasan ng akda.
*Pagtukoy sa kahinaan ng Isang akda at pagbibigay mungkahi para
Sa ikaliliwanag at ikagaganda nito tungkol sa Pag habi.
*Sining ng Pag gawa ng Pagpapasya o Pag hatol at Pag tuturo ng mga
kanais nais na katangian, kapintasan kamalian o Pag kukulang.

Batayan sa Pag susuri


Ang Batayan sa Pag susuri ay Isang Pag aaral at pagtatalakay ,
pagsusuri at Pag papaliwanag ng panitikan.ang Batayan sa Pag susuri ay
Isang pagtatangkang disiplinado para higit na mabigyan halaga at
maunawaan ang Isang akdang pampanitikan, tula dula maikling kwento
Nobela pa.

1.Liwanaging mabuti kung anung Uri ng Katha ang sinusuri Kung ito ay
Nobela, maikling kwento, Tula o dula .
2.Basahin ito ng masinsinan at igawa ng lagom .
3.Bigyan Mahalaga Hindi lamang ang nilalaman kundi,Pati ang istilo o
paraan ng papagkakasulat.
4.Buod sa Pag bangit ng kahusayan at kahinaan ng Katha nag ukol din sa
karapatang papagpapahulugan.
5. Lakipan ng ilang siping makapag bibigay kahulugan sa ginagawang
Panunuri at samahan ng maikling pagbibigay , katuturan.
6.iwasan ang anumang pagbibigay kapasiyan ng walang lakip na
Batayan o patunay.
7.kailangang nababantayan din ang anumang Pagpapasya sa takdang
pamantayan ,bagamat maaring isama rin ang Sariling Pag pakilala ng
sumusulat ayon sa matapat niyang paniwala.

You might also like