You are on page 1of 2

C l a r e t S c h o o l o f Z a m b oa n g a C i t y

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Cawa-Cawa, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2023-2023

TEACHER’S LEARNING PLAN IN GRADE 9 FILIPINO


(Pagpapayamang Gawain)

Bilang ng gawain: 1 (Unang Trimestre)


Gawain: Pagsusuri ng Maikling Kuwento
Mga Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nasusuri ang maikling kuwento batay sa: paksa, mga tauhan, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari,
estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.
1.1 nakapagsasaliksik ng isang maikling kuwento mula sa Pilipinas na may kaugnayan sa kaisipan o
mensahe ng nabasang kuwento mula sa Timog Silangang Asya;
1.2 nasusuri ang nasaliksik na maikling kuwento batay sa: paksa, mga tauhan, pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa; at
1.3 natutukoy at nailalahad ang mga hinihinging detalye sa pagsusuri gamit ang graphic organizer.

Pagpapahalaga: EP # 3. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay.

I. Mga Gawain sa Pagkatuto


Panuto: Magsaliksik at magsuri ng isang maikling kuwento mula sa Pilipinas. Tukuyin at ilahad
ang mga hinihinging impormasyon batay sa maikling kuwentong iyong nabasa gamit ang graphic
organizer.

Pamagat:

May-akda
Tauhan

Tagpuan

Tema

Paksang -diwa

Suliranin

Tunggalian

Saglit na Kasiglahan

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

Estilo sa pagsulat ng
awtor
Rubrik sa Pagsusuri ng Maikling Kuwento

Mga Pamantayan (4) (3) (2) (1)


1. Nasuri ang mga katangian at elemento ng maikling
kuwentong napili.
2. Naitala ang lahat ng tauhan at katangian sa loob
ng akda at maayos na pagkakatabas ng mga larawan.
3. May wastong pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari sa kuwento at malinaw ang estilong
ginamit sa pagsulat ng awtor sa akda.
4. Pagkamalikhain sa presentasyon
5. Maayos na pagkakabuo ng mga pangungusap,
magkakaugnay ang mga ideya sa isa’t isa.
Kabuuang puntos:

Interpretasyon:

4 -Napakahusay
3-Mahusay
2-Katamtaman
1-Maayos pa

B. Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang pakiramdam mo na nakagawa ka ng ganitong uri ng gawain?
2. Sa iyong palagay, makatutulong kaya ang gawaing ito sa iyo tungo sa hinaharap? Patunayan.
3. Maglahad ng mga mungkahi kung may dapat ayusin.

You might also like