You are on page 1of 11

Divine Angels Montessori of Cainta, Inc.

Character Education 9
Quarter 1 Week 2
The Filipino: Tested and Blessed

Teacher Elaine
MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda; F9PN-Ia-b-39
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda; F9PB-Ia-b-39
3. Nabibigyang- kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda;
F9PT-Ia-b-39
4. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:
▪ Paksa
▪ Mga tauhan
▪ Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
▪ estilo sa pagsulat ng awtor
▪ iba pa F9PS-Ia-b-41
5.Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari; F9PU-Ia-b-41
6.Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari; F9WG-Ia-b-41 at
7.Nakikilala ang iba’t ibang uri ng Maikling Kuwento.
Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng
panitikan. Ito’y hindi tulad ng dula at nobela na
mahaba at hindi matatapos sa iisang upuan lamang.
Naglalaman ng realidad at katotohanan ng buhay sa
kabila na ito’y kathang isip lamang. Inilalarawan at
inilalahad nito ang realidad ng buhay na kapupulutan
ng mahalagang aral sa buhay.
▪ Ama ng Maikling Kuwento sa Amerika – Edgar Allan Poe
▪ Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas – Deogracias A.
Rosario
▪ Ang maikling kuwento ay may tatlong bahagi; simula,
gitna, at wakas.
Iba’t ibang Uri ng Maikling Kuwento
1. Kuweto ng Tauhan – ang kuwento ay umiikot sa buhay at karanasan ng
pangunahing tauhan.
2. Kuwento ng Tagpuan – kuwento na tampok ang isang lugar, dito umiikot
ang kuwento.
3. Kuwento ng Banghay – binibigyang-halaga ang pagkakasunod dunod ng
mga pangyayari
4. Kuwento ng Kaisipan – kuwento na tampok ang kalagayan at nilalaman
ng isipan ng pangunahing tauhan
5. Kuwento ng Katutubong-kulay – naglalarawan ng mga pangyayari na
naganap sa isang lugar, nayon, o sa lalawigan.
Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Pumili ng mga pangyayari/bahagi/usapan
sa akda at iugnay ito sa mga pangyayari
sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang
dayagram sa ibaba.
Pangyayari/Bahagi/Usapan sa Akda Kaugnayan sa Kasalukuyang Panahon

1.

2.

3.

4.

5.
Pangkat 2
Ilahad ang pangkalahatang ideya/kaisipan/aral
sa akda. Sumasang-ayon ba kayo sa nagging
wakas ng kuwento? Ipaliwanag ang inyong
pag-uulat.
Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay
sa dalawang salita, pariral,
o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
1.Pananhi – nagpapahayag ng dahilan ng pangyayaring
isinasaad ng pandiwa
2.Panlinaw – ginagamit kung nais na lalong paliwanagin
ang mga bagay o kaisipang nasabi na.
3.Panapos – ito’y nagsasaad ng layon ng pangungusap o
wakas ng nagsasalita.

You might also like