You are on page 1of 21

FILIPINO SA PILING LARANGAN

(Akademik)

Inihanda nila:
Alajar, Ria
Llames, Inna Mae
Mariñas, Kiea Camille
Sebello, Lea Louella
Bionote
Bionote
I. Kahulugan
II. Dahilan kung bakit nagsusulat ng Bionote
III. Layunin at Gamit
IV. Nilalaman ng Bionote
V. Mga Katangian ng mahusay na Bionote
VI. Mga Halimbawa
Ano ang
Bionote
Ang Bionote ay:

 maikling paglalarawan ng
manunulat gamit ang ikatlong
panauhan na madalas ay inilalakip
sa kaniyang mga naisulat.

https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11bionote
Awtor: TINE LACHICA
Ang Bionote ay:

 impormatibong talata na naglalahad


ng mga kalipikasyon ng awtor at ng
kaniyang kredibilidad bilang
propesyonal
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11bionote
Awtor: TINE LACHICA
Ang Bionote ay:

 naglalahad ng iba pang


impormasyon tungkol sa awtor na
may kaugnayan sa paksang tinalakay
sa papel o sa trabahong ibig pasukn
Ayon sa:
WordMart.com
Ang Bionote ay isang maikling 2
or 3 pangungusap na inilalarawan ang
mayaakda. Ito ay nakasulat sa
ikatlong panauhan (Word-mart, 2006)
Ayon sa:
K to 12 Senior High School Applied Subject
Filipino sa Piling Larangan Akademik (2013)
ang Bionote daw ay isang maiksing tala
ng personal na impormasyon ukol sa
isangawtor. Maaari rin itong makita sa
likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y
may kasamang litrato ng awtor
Bakit nagsusulat ng Bionote?
Upang ipaalam sa iba hindi lamang
ang karakter kundi maging ang
kredibilidad sa larangang
kinabibilangan.
Ito'y isang paraan upang
maipakilala ang sarili sa mga
mambabasa.
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11bionote
Awtor: TINE LACHICA
Layunin at Gamit ng Bionote

Ginagamit para sa personal


profile ng isang tao, tulad ng kanyang
academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.
Mga Dapat Lamanin ng Bionote

● Personal na impormasyon (pinagmulan,


edad, buhay kabataan-kasalukuyan)
● Kaligirang pang-edukasyon (paaralan,
digri, at karangalan)
● Ambag sa larangang kinabibilangan
( kontribusyon at adbokasiya)
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11bionote
Awtor: TINE LACHICA
Mahalagang Ideya

Ang bionote ay maituturing na


isang marketing tool.
Ginagamit ito upang itanghal
ang mga pagkilala
at mga natamo ng indibidwal.
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11bionote
Awtor: TINE LACHICA
Mga katangian ng mahusay na Bionote

https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
1. Maikli ang nilalaman
Karaniwang hindi binabasa ang
mahabang bionote, lalo na kung hindi
naman talaga kahanga-hanga ang mga
dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas
maikli ang bionote, mas babasahin ito.
Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat
lamang ang mahahalagang impormasyon.
Iwasan ang pagyayabang.
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw
- Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote
kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa:
“Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA
Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa
parehong pamantasan.”

https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
3. Kinikilala ang mambabasa
- Kailangang isaalang-alang ang mambabasa
sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote
ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon


at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, unahin ang
pinakamahalagang impormasyon. Ito ay
dahil sa ugali ng maraming taong basahin
lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na
ang pinakamahalagan impormasyon.
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
BALIKTAD NA TATSULOK

PINAKAMAHALAGANG
IMPORMASYON

MAHALAGANG
IMPORMASYON

DI GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na
kasanayan o katangaian
-Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian
na angkop sa layunin ng iyong bionote.
IWASAN ito:
“Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/
environmentalist/ chef.”
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan,
halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante o chef.
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
6. Binabanggit ang degree kung
kailangan
- Kung may PhD sa antropolohiya,
halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan, mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
Awtor: yrrehc04rojas
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng
impormasyon
Walang masama kung paminsan-minsan
ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito
naman ay kailangan upang matanggap sa
inaaplayan o upang ipakita sa iba ang
kakayahan. Siguraduhin lamang na tama o
totoo ang impormasyon. Huwag mag-
iimbento ng impormasyon para lamang
bumango ang pangalan at makaungos sa
kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring
mabahiran ang reputasyon dahil dito.

You might also like