You are on page 1of 10

IKATLONG MARKAHAN : UNANG LINGGO

I. Layunin
Panglingguhang Layunin

Pang-unawa sa Napakinggan
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto,
(F5PN-IIIa-h-4)

Wikang Binibigkas
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi nito.
( F5PS-IIIa-c-12.1)

Kayarian ng Wika
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
(F5WG-IIIa-c-6)

Pag-unlad ng Talasalitaan
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng
depinisyon (F5PT-IIIa-1.7)

Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang kahulugan ang isang poster.
( F5EP-IIIa-15)

Pagsulat
Nakasusulat ng simpleng patalastas.
(F5PU-IIIa-b-2.11)

PAUNANG PAGTATAYA
Gawain: Bigyan ng isang metacard ang bawat pangkat .
Ipakilos ang nasa metacard .
Huhulaan ng ibang pangkat kung paano ito isinakilos .
Magbibigay naman ng halimbawa ang pangkat kung sino ang nagsasakilos nito.
Isulat ito sa tsart.Tumawag ng kasapi ng pangkat na magpupuno ng tsa

MALIWANAG MAGSALITA (reporter , guro)


MABAGAL LUMAKAD ( pagong , alimango)
DAHAN-DAHANG UMUPO ( mahinhing dalaga, mga bata)
MALAKAS NA PAGPADYAK ( batang nagdadabog, nag-aaway))
MATAMIS NA NGUMITI ( mga tao sa mall)
Balik aral

Masasabi mo ba kung paano isinagawa ang kilos?At kung sino ang mga taong
/bagay o hayop na ganito ang ginagawa?
(Instructional Material1- F5PS-IIIa-c-12.1, LM pahina __ , Aralin 1,Tuklasin Mo )
Unang araw
I,Layunin 1. Naiuugnay ang ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.
2. Nagagamit ang pang-abay sa sa paglalarawan ng kilos.
3. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa
pamamagitan ng depinisyon.
II.Paksang Aralin
Pang-abay na Pamamaraan
A. Sanggunian: Bagong Filipino- Wika Pah. 181-182
F5PN-IIIa-h-4 ,F5WG-IIIa-c-6, F5PT-IIIa-1.7
B. Kagamitan : balita mula sa aklat , usapan sa aklat

III.Panlinang na Gawain
1. Pagsasanay
Punan ng angkop na pang-abay na pamaraan ang sumusunod na kasabihan.
(tingnan sa BFSG -Wika pahina 182 Magsanay Tayo titik B) Gawin sa
kwaderno.
2. Balik Aral
Masasabi mo ba kung paano ginawa ang kilos sa mga kasabihan?
Anong tawag sa pang-abay na sumasagot sa tanong na paano mo isinagawa
ang kilos?
3. Gawain
A.Pagganyak
Basahin ang usapan. Kumuha ng dalawang batang magdadayalogo habang
nakikinig ang klase ( BFSG-Wika pahina 180).
B, Paglalahad
Bago makinig. Babasahin ng tahimik upang magawa ang gawain.

Paghahawan ng balakid
(Pang-upuang gawain)
Pagbasa ng tahimik ng kwento/balitang “Kalutasan sa isang Suliranin”
( BFSG -Wika pahina 180)
Panuto. Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na pamilyar at di pamilyar
na salita sa kwento,Isulat sa kwaderno.
1.three shifts
2,multigrade scheme
(Three shifts- makatatlong paghahalili ng mga mag-aaral sa isang silid aralan
Multigrade scheme- ang guro ay nagtuturo nang sabayan ng mga bata sa iba’t
ibang baitang sa silid-aralan.)
Isulat sa pisara ang nakuhang depinisyon.
(LM pahina_____, Aralin 1, Gawin Natin)
Habang nakikinig
Maglista ng mga salitang kilos na napakinggan at kung paano ito
isinagawa ng mga tauhan sa kwento.
C.Pagtalakay
Pagkatapos makinig
Sagutin ang “Pag-usapan Natin” (BFSW-Wika pahina 181)
Sa ating paaralan nararanasan ba natin ang ganitong suliranin?
Sa ating distrito ba ay may multigrade scheme? Three shifts?
Ano kaya ang mga dahilan?
Sa Maynila bakit ito naipatupad ng dating kalihim Gloria?
D.Pagpapayamang Gawain
Malaking Pangkatang Gawain( dalawang pangkat)
Isadula ang three shifts at multigrade scheme habang isinasagawa ang
tamang pamamaraan ng kilos sa ganitong mga sitwasyon. Magsulat ng parirala
na ipinakikita ang wastong gawi sa pagpasok at paglabas ng silid aralan sa three
shifts Gayundin ang pamamaraan ng kilos/ pakikinig sa guro sa multigrade
scheme.
Ang kabilang pangkat ang magtataya kung naging tama ba ang isinagawa
ng kabilang pangkat gamit ang rubrik sa Pangkatang Gawain. Kung kayo ang
nasa kanilang kalagayan ano sana ang mas akmang kilos na dapat sana’y
ipinakita ng pangkat ? Kung naging maayos sabihin din ito sa klase
( LM pahina _____, Gawin Ninyo)
E.Paglalahat
Pag-usapan ang “Tandaan“ sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot ng
mga bata.( Tandaan sa BFSW-Wika pahina 181)

F.Pagpapahalaga
Balikan ang pagsasadula ng pangkat. Naging maayos ba ang ikinilos ng
mga bata sa multigrade scheme? three shifts?

IV. Pagtataya
Iugnay sa inyong karanasan at gamitin sa pangungusap ang mga pang-abay na
pamaraan batay sa ibat-ibang gawain.
Sagutan ang Magsanay Tayo titik A 1-5 (BFSW-Wika pahina 181)
V. Karagdagang Gawain
Gumawa ng talatang ginagamitan ng pang-abay na pamaraan ayon sa suliranin
ng ating nararanasang pagbabago ng klima na may paksang“ Ang Pag-init sa
Daigdig”.( tingnan sa “Gawin” 1 BFSW-Wika pahina 182).
(LM pahina____, Aralin 1, Gawin Mo

Ikalawang Araw
I, Layunin : Nabibigyang kahulugan ang isang poster.
II: Paksang Aralin: Pagbibigay kahulugan sa isang poster
A. Sanggunian Bagong Filipino sa Salita at Gawa- Pagbasa pah. 110-117
F5-IIIa-15
B. Kagamitan: Kwento “ Magandang Daigdig”

III. Panlinang na Gawain


1.Pagsasanay

Magpakita ng poster.
Isulat ang mga nakikita sa poster. (IM1 -F5-IIIa-15)
2. Balik Aral
Nagpapahiwatig ba ito ng mensahe o kahulugan? Ano ang sinisimbulo ng
sulo? toga?
Kaya mo rin bang makalikha ng mga larawang mayroong mensahe?
3. Gawain
A.Pagganyak

B, Paglalahad
Sabihin sa mga bata na unawain ang kanilang binasang kwento upang
makalikha sila ng larawan o poster tungkol dito. Isipin nila ang mga detalye ng
mga bagay na magiging bahagi ng poster upang magbigay kahulugan sa nais
na ipahayag ng kwentong “Magandang Daigdig” ( BFSG-Pagbasa pah. 110-111)
Sabihin ang pamantayan sa pagbasa.
Pagbasa ng Tahimik.
Pagbasa ng bawat pangkat.

Pagbasa ng lahat.

C.Pagtalakay
Pagkatapos Magbasa
Sagutin ang “Alamin” (BFSW-Pagbasa pahina 181)
Ano ang mga bagay na nakikita sa lunsod?sa bukid? (IM2- F5-IIIa-15)
Gamit ang manila paper pumili ng bata na magaling sa pagguhit .Gagawa
ng poster ang mga bata tungkol sa paglalarawn ni Alex ng mga bagay na nakikita
niya sa bukid at sa lunsod na kanyang kinalakhan. Ilagay ito sa Manila paper
sabihin ang kahulugan nito? Hayaan ang ibang bata ang maglagay ng kulay sa
larawan at ang buong manila paper. (IM3-- F5-IIIa-15)

Nakikita sa Nakikita sa
lunsod
bukid

D.Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
Gagawa ng poster ang pangkat ayon sa atas ng guro. Ibibigay ng
kabilang pangkat ang kahulugan.
Pangkat 1 - Gawaing pangpalakasan
Pangkat II - Gawaing pangtahanan
Pangkat III - Gawaing pang-espiritwal
Pangkat IV - Gawaing pangkahandaan sa mga sakuna
Pangkat V - Gawain ng mga batang lansangan
Ipakita ang awtput, pagkatapos ay hulaan ng kabilang pangkat ang
kahulugan ng poster.
(Instructional Material-IM4- F5EP-IIIa-15)
E.Paglalahat
Tandaan
Ang poster ay larawan na may mensaheng nais ipabatid sa mga titingin nito.
Makalilikha ka ng kwento sa mga larawang iginuhit ng may akda nito. Gayundin
makakalikha ng larawan mula sa tekstong ating nababasa.
F. Pagpapahalaga
Sang-ayon ka ba kay Alex na maganda ang kanilang bukid ? Nais mo rin
bang manirahan dito ? Bakit? Bakit hindi?
IV. Pagtataya
Tingnan muli ang poster na ginawa ng mga bata sa pangkatang gawain at isulat
sa papel ang ang kahulugan nito.
V. Karagdagang Gawain
Maglimbag ng poster mula sa internet at sabihin ang kahulugan nito,
Ikatlong Araw
I. Layunin: Nakasusulat ng simpleng patalastas
II.Paksang Aralin
Pagsulat ng Patalastas
A. Sanggunian Hiyas sa Wika Pah. 192-197
F5FU-III-a-b-2.11
B. Kagamitan: Patalastas, usapan

III. Panlinang na Gawain


1.Pagsasanay
Pagpapakita ng iba’t ibang patalastas na may ibat-ibang impormasyon o
paksa. Ibibigay ng mga bata ang paksa ng patalastas ng naibigay sa pangkat.
( panawagan, kautusan, nawawala, anunsyo para sa produkto atbp.)
2. Balik Aral
Anong impormasyon ang mayroon sa isang anunsyo klasipikado ? Ito ba ay
isang panawagan? Ito ba ay sumasagot sa tanong na sino? ano? kailan? saan?
Maituturing mo ba na ito ay isang patalastas? Ito ba ay sumasagot sa tanong
na sino? ano? kailan? saan?

3. Gawain
A.Pagganyak
Kumuha ng dalawang bata mag-uusap sa dayalogo habang nakikinig ang
klase). ( Hiyas sa Wika pahina 192)
B, Paglalahad
Basahin ang patalastas ng buong klase ( Hiyas sa Wika pahina 193).

C..Pagtalakay
Pag-usapan ang “Talakayin” sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro at
pagsasagot ng mga bata upang malaman ang pagkaunawa nila sa patalastas na
nabasa.( Hiyas sa Wika pahina 194)
Kung ikaw ay susulat ng patalastas ,paano mo ito isusulat? Anong mga
tanong ang sinasagot upang maging maliwanag ang mensahe nito?
D.Paglalahat
May mga tuntuning tayong dapat na sundin sa pagsulat ng patalastas o
anunsyo. Tandaan( Hiyas sa Wika pahina 194)

E. Pagpapahalaga
Mahalaga ba ang detalyeng isinasaad ng isang patalastas? Ano ang
nararapat mong gawin kung nakakabasa o nakakarinig ka ng isang patalastas?
F. Pagpapayamang Gawain

Gamit ang index card na may nakasulat na Sino:-----Ano-------Saan :-------


Kailan:-------------. Basahin at unawain ang ulat at sumulat ng patalastas .Ipakita sa
klase sa iba’t ibang pamamaraang ibibigay ng guro .( Hiyas sa Wika )
Gawain Paraan
Pangkat I Sabihin 1 pahina 195 dula
Pangkat II Sabihin 2 pahina 195 awit
Pangkat III Gawin pahina 196 rap
Pangkat IV Isulat B1 Pahina 196 tula
Pangkat V Isulat B2 pahina 196 yell
IV. Pagtataya
Sumulat ng simpleng patalastas ayon sa balangkas na ano,sino, kailan at saan
tungkol sa ulat na “Isang Malaking Panlungsod na Paligsahan” Isulat C ( Hiyas
sa Wika pahina 197).
V. Karagdagang Gawain
Gawin ang” Isulat D” ( Hiyas sa Wika pahina 197)

Ikaapat na Araw
I,Layunin . Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi nito.
II. Paksang Aralin: Paglalarawan ng Tauhan batay sa Ikinilos o Gawi
A .Sanggunian Hiyas sa Pagbasa pah. 134-137
( F5PS—IIIa-c-12.1)

B .Kagamitan: Kwento “ Natupad na Pangarap”

III. Panlinang na Gawain


1.Pagsasanay
Ipakita muli ang poster noong ikalawang araw.
Anong mga propesyon ang ipinakitang naabot ng mga mag-aaral sa
poster?
2.Balik-aral
Paano mo isasagawa ng tama ang iyong pag-aaral upang makamit ang
iyong pangarap?
3.Gawain
A.Pagganyak

Ano ang kahulugan ng toga at diploma sa poster?


B, Paglalahad
Sabihin sa mga bata na unawain ang kwento. Kilalanin ang mga tauhan at
ilarawan ang ugali ng tauhan batay sa ikinilos nito sa kwento , “ Natupad na
Pangarap “(Hiyas sa Pagbasa pah. 134-137)
Sabihin ang pamantayan sa pagbasa ng malakas.
Pagbasa ng bawat pangkat.
Pagbasa ng lahat.
C. Pagtalakay
Pagkatapos Magbasa
Sagutin ang “Unawain at Sagutin” ( Hiyas sa Pagbasa pahina 138).
Sinu sino ang mga tauhan sa kwento?
Punan ng katangian upang mailarawan ang tauhan sa kwento .Ipaulat ang
kanilang mga kasagutan.
Pangyayari /ikinilos Katangian/ Paglalarawan
Natutuwa si Gng, Ebert kay Kim Si Kim ay______________
Laging natutumba si Kim sa Si Kim ay________________
pagbibisikleta.
Nanalangin si Kim sa payo ng pastor Si Kim ay________________
upang mawala ang takot.
Nakabalik si Kim at naipamahagi ang Si Kim ay natuto ng
mga kulang na aklat sa mga tao. _____________
Laging nagbabasa ng mga aklat si Kim Si Kim ay may____________
Pag-aaralin si Kim ni Pastor Ebert. Si Pastor ay_____________
Inalok si Kim ni Gng. Ebert ng Si Gng. Ebert ay
bisikleta. _________________

( IM1-F5PS—IIIa-c-12.1)
E.Paglalahat
Tandaan
1) Ang pagkakaroon ng mga tamang kilos o gawi ay naglalarawan ng mga
magagandang katangian ng mga tauhan sa kwentong binasa.
2) Gayundin ang masamang gawi ay nagbibigay aral upang ito ay maitama at
maituwid para sa ikabubuti ng mga tauhan sa kwento.

IV.Pagtataya
Sabihin ang katangian ng mga sumusunod na tauhan batay sa
kilos/sitwasyon ng tauhan.
1. Si Joy ay nag-aaral mabuti ng leksyon at gumagawa ng takdang aralin.
2. Si Jane ay sumusunod sa lahat ng utos ng kanyang magulang.
3. Nilalagay ni Hana ang natira niyang baon sa alkansya.
4. Iniwanang bukas ni Joan ang tubig sa gripo.
5. Tinatanggap ni Ner ang pagkatalo sa laro.
V. Karagdagang Gawain
Basahin ang kwento lalo na ang liham at isulat ang katangian ni Apolinario
Mabini at ng kanyang ina . (“Dakilang Pag-ibig” BFSG- Pagbasa pahina 20-21)
Ikalimang Araw
I. Layunin: Nakasasagot sa mga tanong sa isang lingguhang pagsusulit
II. A.Paksang Aralin: Lingguhang Pagsusulit
B.Kagamitan: Misosa Filipino 6 SIM 13, poster
III. A.Gamitin ang kwento sa MISOSA SIM 13 Filipino 6 pahina 3-5.
“Ang Manok at ang Bayawak”
Pagbabago ng panuto sa Pag-aralan Natin Pahina 4-5. (hindi na kasama
ang mga pagpipiliang titik ang sitwasyon /pangyayari.)
Basahin ito at iugnay sa inyong karanasan upang mailarawan ang
katangian ng mga tauhan sa kwento batay sa ikinilos nito sa kwento.Punan
ang nawawalang salita .

Pangyayari /ikinilos Katangian/ Paglalarawan


1 Si Aling Turing
ay______________
2 Si Aling Turing
________________
3 Si Boyong Bayawak
ay________________
4 Si Aling Turing ay natuto ng
______________________
5 Si Aling Turing ay
____________
B. Sagutin ang tanong tungkol sa kwento upang iugnay ang karanasan
ng mga manok sa kwento sa inyong karanasan (3 puntos). Nararapat na
gumamit ng pang-abay na pamaraan sa inyong mga sagot at
salangguhitan ito .( karagdagang 3 puntos)
1.Kung ikaw ang ina ng mga sisiw gagawin mo ba ang ginawa ni Aling
Turing?
2.Paano proprotektahan ang iyong mga anak?
C. Ibigay ang kahulugan ng poster. (4 puntos)
D. Sumulat ng isang simpleng patalastas gamit ang ano? sino? kailan ?
saan? Ilagay ang sagot sa nasa ibabang tsart.
Ang impormasyon ay dapat kunin sa Anunsyo klasipikado sa ibaba.
(MISOSA SIM 19 Filipino 5, pahina 5)

Sino:

Ano:

Saan:

Kailan:

You might also like