You are on page 1of 3

II.

INSTRUMENTONG GINAMIT (SARBEY)

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mga katanungan na hinahanapan ng kasagutan o


pruweba na kung saan sila ay nakipagpanayam sa mga estudyante patungkol sa Estado ng bawat
Bata na Nag-aaral sa Pampublikong Paaralan.Binusisi ng mga mananaliksik ang mga
limitadong karanasan ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa pamanahong papel na ito,kung saan
isa ito sa magpapatunay na ito’y makakatohanan.

 Sapat ba ang kinikita ng iyong mga magulang upang kayo ay makapag aral?
OO-24 HINDI-6 MINSAN-0 KABUUAN-30
 Naranasan mo bang ipagpaliban ang iyong pag-aaral dahil sa esstado ng iyong buhay?
OO-2 HINDI-24 MINSAN-4 KABUUAN-30
 Masasabi mo ba na maayos ang palatuntunin na pinapalakad ng pampublikong paaralan
para sa mga estudyanteng nais makapag-aral kahit na sila ay mahirap?
OO-16 HINDI-2 MINSAN-12 KABUUAN-30
 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon gusto mo bang mag-aral sa pribadong paaralan?
OO- 15 HINDI-9 MINSAN-6 KABUUAN-30
Nais daw nilang mag-aral sa pribadong paaralan sapagkat mas “advance” magturo ang mga nasa
pribadong paaralan kesa sa pampublikong paaralan, kung saan mas lalong aangat o lalawak ang
kanilang kaalaman at katuwang nito ang mga nagsisi gandahang pasilidad na lubos na
makakatulong sa kanila na nagiging tulay daw upang gustuhin nila itong maranasan, na kung saan
ito rin ay isa sa kanilang mithiin.
 Naranasan mo bang mag trabaho o maging working student?
OO-5 HINDI-25 MINSAN-0 KABUUAN-30
Dahil hindi sila pinapayagan ng kanilang mga magulang sapagkat sapat naman daw ang kanilang
gastusin sa bahay at paaralan na kung saan kayang pantustos sa kanilang pangangailangan araw-
araw.Kahit nasa pampublikong paaralan ka daw ay dapat tungkulin ng magulang mong maghanap
ng trabaho lalo na’t kung may anak silang pinag-aaral at wala pa daw sila sa tamang edad para
magtrabaho habang nag-aaral dahil hindi din nila ito kayang pagsabayin.
 Minsan ka na bang nag damdam dahil sa buhay na iyong tinatamasa?
OO- 5 HINDI-18 MINSAN-7 KABUUAN-30
Wala daw silang karapatang magreklamo sapakat ito ay bigay ng panginoon atsaka lagi daw nilang
tinatatak sa kanilang isipan na lahat ng materyales ay panandalian lang at lahat naman ng kanilang
pangagangailangan ay ibinibigay naman ng kanilang magulang at ang tanging solusyon lang daw
nito ay magsumikap upang umasenso at makuha lahat ng gusto mo.
 Naging hadlang ba ang iyong estado sa buhay sa iyong pag-aaral?
OO-0 HINDI-24 MINSAN-6 KABUUAN-30
Kung gusto mo ay may paraan kung ayaw mo raw maraming dahilan,kung sa estado pa lang daw
ng buhay ay papahadlang ka na paano pa kaya raw ang ibang pagsubok.Kahit ikaw daw ay
nahihirapan at walang sapat na pera para sa pag-aaral huwang daw itong gawing dahilan dahil
kailangan mo lang daw maniwala sa sarili mo na kaya mong umangat balang araw at huwang ka
daw magpapa epekto sad ala ng daluyong.
 Nakaapekto na ba ang estado mo sa buhay sa iyong pag-aaral?
OO-1 HINDI-7 MINSAN-22 KABUUAN-30
Kadalasan daw hindi nila napupunan ang pangangailangan sa paaralan dumadagdag pa raw dito
yung responsibilidad niya bilang panganay at kailangan mo pa daw maging madiskarte sa buhay
lalo na’t kung ang mga magulang mo ay naka destino sa ibang lugar na kung saan dapat mo daw
talagang kayanin na kahit ikaw raw ay lubog o angat ay hindi dapat magkaranoon ng epekto sa
buhay na mayroon ka.
 Sa tingin mo, kaya mo bang isakripisyo ang pag-aaral dahil sa estado ng iyong buhay?
OO-4 HINDI-22 MINSAN-4 KABUUAN-30
Huwag na huwag mo daw isusuko ang pag-aaral lalo na’t kung ito na lang ang sandata na pwedeng
ipamana sayo ng iyong magulang na kahit raw mahirap ang buhay patuloy lang kahit hirap na daw
ay bangon lang lalo na kung pursigido ka raw talagang makapagtapos, dahil ito na lang daw ang
maipagmamalaki mo.Kahit gusto mo raw ipaubaya ang pag-aaral isispin mo raw na ito ang
magiging isa sa napaka laking dahilan para suklian lahat ng pagod ng iyong magulang.
 May pagkakataon ba na hindi pantay-pantay ang pagtrato sa estado ng buhay sa
pampublikong paaralan?
OO-11 HINDI-6 MINSAN-13 KABUUAN-30
Depende raw ito kung sa guro maaring wala o meron sapagkat ngayon kahit nasaang lugar ka daw
basta may pera kayang kaya mo raw sulsulan ang lahat ng bagay na lubos daw na nnakakatapak
sa mga optunidad na gustong makuha ng mga mahirap sa buhay.Kung sa mga kaestudyante naman
daw ay may pagkakataon na hindi pantay ang pagtrato sa kapwa estudyante kaya daw may mga
nabubully ngunit sa kabilang banda pantay-pantay naman daw ang pagtrato nilasa kanilang mga
kaklase at ganoon din daw sila.

You might also like