You are on page 1of 3

Art Julius D.

Hallazgo Ika-15 ng Hulyo 2019

BS Biology - II FIL - 77 YD

MAYNILA SA MGA KUKO NG LIWANAG

1. Ano ang paksang-diwa ng pelikula? Paano ito ipakikita sa bawat tagpo nito?

Ang 'Ang Maynila sa Kuko ng Liwanag' ni Lino Brocka ay isang pelikulang nakasentro sa
paksang kahirapan at ang mapait at madilim na realidad ng buhay ng mga maralitang
Pilipinong noong 1970s. Nakatuon ang pelikula sa kawalan ng birtud ng
pagkakapantay-pantay sa mga buhay ng mga taong nabubuhay lamang sa isang kahig,
isang tuka at mga taong may kapangyarihan at may labis na salapi. Samot-saring
pamamaraan ang ginamit ng pelikula upang maipahayag ang paksang-diwa nito sa bawat
tagpo kabilang na lamang ang pangunahing tauhan na si ‘Julio’ na siyang kinakatawan ang
buhay ng isang maralitang Pilipino. Bukod dito ay makikita sa bawat tagpo na ginamitan ito
ng estilong videographical na lubos na nagbigay diin sa paksang-diwa. Isa na sa estilong
videographical na ito ay ang pag-iwas sa mga makukulay na bagay at ‘setting’ sa halip ay
ipinapakita ang mga kulay na hindi gaano ka tingkad at maybuhay. Mapapansin rin na upang
mas lalo pang bigyang diin ang paksang-diwa ng pelikula ay sadyang nilimitahan ng pelikula
ang mga eksenang nagbibigay saya o kaya ay mga eksenang nagpapakita ng lubos na
kagalakan.

2. Anu-ano ang karanasang panlipunang ipinakikita sa pelikula?

Upang lubos na maging wasto sa paksang-diwa ng pelikula, ang karanasang panlipunan


na ipinakikita sa pelikula ay ukol sa buhay ng isang komunidad o pangkat ng mga Pilipino na
hindi gaanong nakakaangat sa buhay. Ang pelikula ay may kakayahan na sadyang mababad
at mamulat ang manonood sa isang realidad ng buhay na nararanasan sa pangaraw-araw ng
karamihan sa mga pamilyang Pilipino noon at kahit hanggang ngayon. Makikita rin sa
pelikula na subalit sa nararanasang karalitaan ay mayaman ang Pilipino sa pagmamahal at
mga mabuting balyus kagaya lamang ng pagiging mapagkaloob sa kapwa at kasipagan.
Kasama ng kagandahan ay makikita rin ang kapangitan na maaring maranasan ukol sa
nasabing pangkat kagaya lamang ng pagbenta sa katawan para lamang matustusan ang
mga kumakalam na tiyan at mga kailangan ng katawan.

3. Realistiko o makatotohanan ba ang pelikula? Patunayan ang mga ito?

Ang pelikula ay makatotohanan sapagkat wala itong halong pantasya o mga


pangyayaring hindi maaring mangyari sa totoong buhay o sa buhay ng ordinaryo. Ipinapakita
sa pelikula ang katotohanan ng buhay - ang parehong kagandahan at ang kapangitan nito.
Ang pelikula ay ukol sa katotohang nararanasan ng karamihan sa mga Pilipino. May mga
eksenang lalong nagpapatunay na ang pelikula ay makatotohanan at hango sa buhay ng
isang maralitang Pilipino. Unang-una, ang kamatayan ng katrabaho ng pangunahing tauhan
ng maaksidente ito sa trabaho. Malubha man ang eksenang ito ay maari parin itong mangyari
sa buhay. Dahil sa kakulangan ng kagamitan na nakakasiguro ng kaligtasan ay maaring
mapahamak ang mga manggagawang Pilipino nagtrarabaho lamang upang matustusan ang
kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Pangalawa, sa eksena kung saan nalaman ng
pangunahing bida na siya ay pinanapipirma ng mas malaking sahod sa kung ano ang
kaniyang natatangap. Ang masamang gawain na ito ay nangyayari sa totoong buhay at ang
nagpapatunay nito ay ang pagbuo ng pambansang batas na R.A. 6267 o ang ‘Wage
Rationalization Act’. Ang ‘Wage Rationalization Act’ ay naglalayong maiwasan ang hindi
makatarungan at hindi tapat na pagsu-sweldo sa mga manggagawang Pilipino. Pangatlo,
ang pabebenta ng katawan ng pangunahing bida at iilan sa mga taong kaniyang
nakasalamuha. Ang prostitusyon ay nangyayari rin sa totoong buhay. Isa itong mapait na
katotohanan na nararanasan ng iilan. Ayon sa estatistikong pag-aaral noong 2013, may higit
kumulang na kalahating milyon katao. Gayunpaman, ito ay higit na ipinagbabawal ng ating
gobyerno sa pamamagitan ng R.A. 9208 o ang ‘Anti-Trafficking in Persons Act.’ Ang mga
eksenang nagpapakita ng kahinaan ng bida ay nagpapatunay na ito ay isang
makakatotohanang pelikula. Mga eksenang nagpapakita na siya ay tao lamang na
nakararamdam ng sakit, paghihinagpis, kagalakan at iba pa. Ang konklusyon ng pelikula ay
nagpapatunay din ukol sa pagiging realistiko ng pelikula. Ang konklusyon ay nagpapakita ng
isang hindi kanais-nais na pangyayari na nagyayari sa totoong buhay. Nagpapakita rin ang
konklusyon ng isang katotohanang nararanasan ng lahat - hindi lahat ng ating mga mithiin at
gusto sa buhay ay mangyayari.
4. Anu-Anong paraan o estratehiya ang ginamit ng filmmaker upang maipakita ang
realistiko ng pelikula? Paano pinalilitaw ng filmaker ang pagiging realistiko ng
pelikula?

Upang mas mabatid ng manonood ng pelikula na ito ay realistiko ay hinango ng direktor


ang mga tagpoan sa totoong buhay. Sa paggawa ng pelikula ay hindi ito ginamitan ng mga
‘special effects’ at mga CGI o “Computer-Generated Imagery” upang mailahad ang kuwento
nito. Upang mas realistiko ang pelikula ay mas pinili ng direktor na I-shoot ang mga eksena
sa mismong lugar kung saan ito ay nangyayari sa pangaraw-araw. Hindi nag-abala ang
direktor na makabuo ng sarili nilang ‘setting’ sa kadahilanang mas magkakaroon ng mas
malubhang epekto sa manonood kung ang setting na gagamitin mismo ay realistiko at hango
sa totoong buhay na ginaganap ng mga totoong tao. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng
parehong kapangitan at kagandahan ng buhay ay mas pinapalitaw ng mga bumuo ng
pelikula na ito ay realistiko. Walang pinapanigan, kinikilingan at walang halong
diskriminasyon ang paggawa ng pelikula - pawang ang mismong katotohanan lamang. Ang
pagtalakay sa mga pangunahing ‘issue’ ng lipunan kagaya ng kriminalidad, korupsiyon at iba
pa ay isa rin sa mga estratehiyang ginamit ng filmmaker upang mas mailitaw ang pagiging
realistiko ng pelikula.

You might also like