You are on page 1of 1

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral na “Ang Nais at Hindi Pagkanais ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral” ni Gian Carlo Cariño
na ang nais ng mga mag-aaral sa pag-aaral ay ang malayang talakayan sa iba’t ibang kaisipan.

Ayon kay Belbez (2000) habang tumatanda ang isang tao ay nababawasan ang kanilang kagustuhan sa
pagbabago gayundin ang kanilang kahandaan.

https://prezi.com/e0sbo_dla1gd/1-ang-nais-at-hindi-pagkanais-ng-mga-mag-aaral-sa-pag-aaral/

Ayon kay Bustos at Espiritu (1985) nakakaimpluwensiya sa pag-unawa ng mga mag-aaral ang paraang
gamit ng guro sa pagtuturo kaya nararapat lamang na mabisa ito. Nakasalalay sa asal at estratehiyang
gagamitin ng guro kung makamtam ang nais niyang maunawaan ng kaniyang mga mag-aara

https://www.slideshare.net/lourise/research-paper-in-filipino

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral na “Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng BSA sa unang taon
ng Saint Paul school of Business and Law” ang pasilidades ng silid-aralan at kagamitang panturo ang
karaniwang salik. Ito’y dahil mas nahihikayat ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa
kagandahang biswal ng silid-aralan at maging ang mga kagamitang pagtuturo ng guro.

https://www.slideshare.net/xhimaii24/fildox

BANYAGANG LITERATURA

Ayon kay Prince at Howard (2002) sa Koeze (2007), sa isang espesyal na klase, walang lugar ang takot at
ang mga estudyante ay malayang sumugal upang matuto. Sa pamamamagitan ng paggawa ng leksyon
batay sa antas ng pagiging handa, interes, paraan ng pagkatuto ng isang indibidwal na estudyante,
maaaring pagsamasamahin ng guro ang bagong kaalaman ng mga estudyante at ang mga karanasan ng
mga ito sa labas ng paaralan upang mas maging bukas ang isip ng mga estudyante at maibahagi nila ang
kanilang mga opinyon dahil may kaalaman at interes na sila sa naibigay na paksa. Sa mga pagpapaunlad
ng mga leksyon ang mga estudyante ay sinusubok upang matanggal ang pagkabagot at pagiging
matamlay sa klase.

https://www.national-u.edu.ph/wp-content/uploads/2016/08/JSTAR-4_Aranda.pdf

You might also like